Chapter Fifteen: Past (7)

0 0 0
                                    


Chapter Fifteen:
Past (7)

" Javix I cooked this for you!" Nilingon ko si Tina na kasalukuyan ngayong tinatahak ang lugar kung saan naroon so Javix.

" Thank you!" Kaagad naman nitong tinanggap ang tray na dala nito.
Sabay silang kumain dalawa sa pang dalawahan lamang ding silya at mesa.

" Geline come here! Let's eat!" Tawag ni Tina kay Geline. Agad din namang dumulog ang bata sa kanilang dalawa.

Mabait si Tina kay Geline. Kilala din daw kasi nito si Mrs. Abella. Pasalamat na lamang din ako doon.

Nakikita ko ang ugali ni Tina nang unti-unti. Mabait siya, natarayan lang siguro niya ako dahil hindi niya ini-expect na may pumalit na sa pwesto niya.

" Gen, come here!" Yaya sa akin ni Tina.  Saka lamang bumaling sa akin si Javix.

" Yeah, Join us Gen!" Umiling na lamang ako at sinabing tapos na akong kumain.

Asan na napunta ang marami mong endearment kuya?

Pumasok na ako sa loob ng bahay. Tutak nandoon naman si Javix at Tina hindi naman mapapahamak si Geline.

" Hija!" Tawag sa akin ni Tito Javi. Lumapit naman ako dito at bumati.

" Good morning po, Tito!" Bati ko agad sa kanya.

" You can call me daddy already, since you're in relationship with my son!" Sabi nito at lumapit din sa akin. Lumingon ito sa may labas kung saan tanaw ang pool area. " Tina, she's so lovely!"

Tito akala ko ba kakampi ko kayo? Hwaaaaaaaaa!

" Yes po!" sang-ayon ko sa kaniya. Noon ay nakatingin na din ako sa tinitingnan niya.

" But you're the most amazing and beautiful women that I'll approve for my son!" Nakangiting lumingon ito sa akin. Kaya napatingin ako sa kaniya.

" Po? Bakit naman po?"

" I know that you can take care of my son the way you can take care of Geline!" Sabi pa nito.

" Tina too!" Dagdag ko pa. Ayoko nang ganito, feeling ko kino-comfort lang ako dahil alam nilang masama ang pakiramdam ko sa mga nangyayari.

" Yes, but you are more than her! Remember that!" Matapos nitong sabihin iyon, umalis na ito at iniwan ako. Dumeretso na ito sa kusina, marahil ay kakain ng agahan.

..............

" Tina, I have something for you!" rinig ang boses ni Javix sa loob ng kabahayan.

" Wow, that's pretty!" rinig ko naman na sagot ni Tina. Kasalukuyan silang nagdadrama sa may sala habang ako ay nasa harapan nilang dalawa.

" This ring suits you!"

Ring? As in singsing? Bakit may bigayan ng singsing? Halerrrr nasa harap nyo ako!

" Gen andyan ka pala!" buti nakita pa nilw ako.

" Oo, kanina pa!" Tugon ko sa kanya.

" May pasalubong ako sayo, here!" Iniabot niya iyong isang paper bag. Kaagad ko naman itong kinuha at binuksan.

Gusto kong matawa dahil kay Tina mamahaling singsing ang binigay, kita ko nga may diamond pa eh! Tapos sa akin isang t-shirt lang tapos mukhang binili lang sa daan.

" Thank you!" Atleast naalala niya ako kahit ganito ang natanggap ko.

" Welcome!" Tugon nito. Alam kong mawawala na naman ang atensyon niya kaya inunahan ko na iyon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 06, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Jubilant Breaks The Broken One ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon