Chapter Thirteen: Past (2)

9 2 0
                                    

Chapter Thirteen:
Past (2)


Alas singko na ng mamalayan ko na magp-play pa din yung music. Ilang araw ko ng pinapakinggan yung kantang iyon. Ilang araw na ding hindi umuuwi si Geline at sila Tita Jade.

Naiisip ko nga na bumalik na lang ako sa dating buhay ko kung ganito lang din naman ang nangyayari. Sanay naman na akong mag-isa pero nung dumating si Geline sa buhay ko, parang doon ko lang nasabi na kailangan ko ng makakasama sa ilang taon ko pang itatagal dito sa mundo.

' pero nahanap na ni Geline ang dapat na kasama niya samantalang ako ay magpapanibagong buhay!'

Bumangon ako at nag-impake ng gamit. Sa buong buhay ko lagi na lang ako nakikisingit sa buhay ng may buhay.

' tama nga siguro na umalis na ako! as long as kaya nilang alagaan si Geline iiwan ko na ito dito!'

Nagulat ako ng biglang may kumalampag sa may pintuan. Kumuha ako ng bathrobe at sinapin ko sa manipis kong damit. Inalis ko ang tatlong lock ng pinto bago ko pa pihitin ang doorknob.

" Seriously? Why did you lock the door?" Galit na bungad nito sa akin.

' eh basta-basta ka kasing napasok eh! Paano kung nagbibihis ako tapos bigla kang papasok!' gusto kong isigaw yon sa kanya pero baka sabihin niya na
' ano pang silbi ng banyo kung hindi ako doon magbibihis! Punyawa!'

" Nevermind. Fix yourself up, breakfast is ready April is joining us!" Yun lang at umalis na ito.

' April? No way! Ayoko nga! Pasakit ka din ano? '

Napapamura na pahampas kong isinarado ang pinto. Ang sarap mag kulong na lamang doon magdamag. Hindi ko kayang maki-join sa kanila.

' bakit kasi wala akong naging friends noon para naman may makokontak ako pag boring na boring na ako!'

Naligo na ako at nagbihis. Dala ang isang backpack na may lamang konting damit. Balak kong mamundok ngayon at uuwi na lang ako pag nakauwi na si Geline.

' hindi na din naman ako nagtuturo dahil nung ilang buwan kong pagkawala noon dahil sa ginawa ko sa isla ay pinalitan na ako ng tuluyan sa paaralan, pabor naman daw doon si Tita Jade atleast hindi daw ako mahihirapan at mahahati ang oras sa trabaho at kay Geline!'

Matapos makapag impake ay lumabas na ako sa kwarto. Nakasalubong ko si Javis at tinanong ako kung saan ako pupunta.

" Mamumundok, sama ka?" pagbibiro ko sa kanya. Sa hindi inaasahan ay hinigit ako nito papasok sa loob ng kwarto niya.

" Wait lang ate Gen! Upo ka muna sa dyan!" Inalalayan niya akong umupo sa may gilid ng kama niya.

Pumunta ito sa may cabinet niya at naglabas ng isang malaking backpack. Inilagay na niya ang mga gamit niya doon. Binuksan pa niya ang isang cabinet at inilabas ang dalawang malalaking bagay na nakafold, na sa tingin ko ay tent.

matapos non ay humarap na ito sa akin. " Arat na!" Sabi nito at nauna ng lumabas. Sakbit sa dalawang balikat ang backpack at tig isa naman ang mga kamay nito sa dalawang malaking tent.

' paktay! Nagbibiro lang naman ako na isasama ko siya eh!'

Sabay kaming bumaba ni Javis na nakaagaw ng atensyon ni April at Javix.

" Where are you going guys?" Nakangiti ngunit matalim na nakatingin na sabi ni April sa akin.

Makikita mo ang iba't ibang reaksyon niya sa mata nito. Ang mga mata niya ay nagsasabi ng pagkamuhi, galit, inggit at kung ano-ano pa.

Jubilant Breaks The Broken One ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon