Chapter Fourteen: Past (4)

12 2 0
                                    

Chapter Fourteen:
Past (4)


" Gen where are you?" Narinig ko ang boses ni Javix na nasa may hagdan.

Hindi ako sumagot. Sa halip ay hinayaan ko siyang matunton kung nasaan ako.

" Gen! " Ngayon ay nasa harapan ko na siya pero hindi ko pa din alam ang gagawin ko.

Nitong mga nakaraang araw kasi ay malimit siyang ganyan. Tatawagin ako. Tatanungin kung anong ginagawa ko. Inaalok niya akong kumain kahit hindi pa ako gutom. Pinipilit niya ako na sundin siya para daw sa ikabubuti ko. Andyan pa yung hahatidan niya ako ng breakfast sa kwarto kapag late ako nagising.

' at dahil sa mga pinag gagawa niya nako-confused na ako! Hayysssttt!'

" Gen! How many times do i have to call you? " nasa tono na ng boses niya ang inis. Pero ang mood niyang iyon ay nag iba ding bigla. " Hey! Is there something wrong? Are you mad?" Mas lalo pa itong lumapit. Sa distansyang iyon ako hindi natagal. Nanghihina ako. Sinimulan na niyang idampi ang likod ng palad niya sa noo ko. Sinundan noon ay ang leeg ko.

" Ok lang ako! " Dumistansya ako sa kanya.

Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang mga kinikilos niya. Hindi siya ganon noong una. Umalis ako sa kusina para tuluyang lumayo sa kanya.

" You're mad at me!" Hindi ko namalayan na nakasunod pa din pala ito sa akin.

" Ate Gen!!! Let's go to the mall!" Sigaw ni Javeen bago pa ito makababa ng hagdan.

" Ate Gen!!! Let's go party tonight!" Sigaw din ni Javis na ngayon ay pababa din ng hagdan.

" No Kuya! She's coming with me!" Sabi ni Javeen.

" No she's not! Because she is coming with me!" And they started arguing about that.

' lagi na lang may ganitong eksena sa magkakapatid na ito!'

" ATE GEN!!!!" sabay nilang lingon nilang dalawa sa akin.

" Stop it you two! We have dinner later!" Natigilan ang dalawa sa pagtatalo at parehong tumango. Kanya-kanya silang balik sa itaas at kasalukuyang kausap nila ang kanilang ina sa may bandang hagdanan.

' we? Dinner? Tinutukoy ba niya na kaming dalawa lang o kaming lahat?'

Pakiramdam ko ay naninikip ang dibdib ko at hindi ako makahinga. Sa mga oras na iyon hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang pandinig ko o yung utak ko na iba ang pagkakaintindi sa sinabi niya.

' ugh! Ang gulo!'

Naramdaman ko ang kamay na humawak sa braso ko. Pilit niya akong inihaharap sa kanya na para bang may away kami at magpapaliwanag siya sa akin.

' ano ba itong set up namin? parang kami na hindi! sobrang gulo!'

" Mama!!!!" Agad dumistansya si Javix sa akin ng lumapit si Geline.

Nagtitinalon ito sa harapan ko. Nalalapit na ang kaarawan nito at alam ko na hindi mapalagay ang loob niya dahil sa bagay na iyon. Naging excited siya, na sa puntong hirap na siyang makatulog sa gabi.

Katunayan ay ibinili ko siya ng regalo noong nakaraang lumabas kami. Maging ang ibang miyembro ng pamilya nila Javix ay may regalo sa kanya. Sila din ang nag nais na ipag celebrate ang kaarawan nito. Magkakaroon ng party makalipas ang 168 hours.

Nakahanda na ang lahat. Ang resort na venue, ang mga inarkilang clowns. Foods at iba pa.

" Mama, sana mag sunday na para birthday ko na agad!" Masayang sabi nito sa akin.

Jubilant Breaks The Broken One ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon