Chapter Twelve

7 2 0
                                    

Chapter Twelve

" Wake Up!" Napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko ang boses ni Javix. Lumingap ako sa paligid pero wala naman akong makita.

' panaginip!'

" Arf arf!!"

Sumampa sa kama si Sheyby. Alam ko na ang kanyang agenda kaya sya narito. Makikipagkulitan siya sa akin.

Nag pagulong-gulong kaming dalawa sa kama hanggang sa mahulog siya, pero agad din naman itong sumampa sa kama at nakipaglaro.

Maya-maya ay unti-unti na itong sumuot sa kumot ko at nahiga. Ang dating non ay tutulog na siya.

' ay weak! Tutulog na agad!'

" Ggggeeeeennnnn!" Natakbo ako sa may ibaba ng marinig ko ang boses ni Odessa.

" Odessa?" Lumapit kaagad ako dito dahil parang balisa ito. " Anong nangyari?"

" Si Kuya kasi hindi nauwi!" Tarantang umupo ito sa may sofa. Kinuha ko naman siya ng tubig sa kusina at pinainom.

These past few days, hindi na ako isinasama ni Owen sa lakad niya. Marahil ay dahil sa nangyari noong nakaraang linggo.

" Nitong mga nakaraan Gen araw-araw siyang umaalis tapos ngayon naman hindi na umuwi!" Sabi ni Odessa habang naiiyak na tumingin sa akin.

" Tawag----"

" NAGAWA KO NA OK? HINDI NAMAN SIGURO AKO SIRA PARA HINDI KO GAWIN YON! NAGPUNTA NA DIN AKO SA POLICE STATION! HINANAP KO NA SIYA KUNG SAAN SIYA MAAARING PUMUNTA PERO WALA!" Nagulantang ako sa sigaw niya. Agad din naman siyang napatahimik dahil na rin sa nasabi. " G--gen i--i'm sorry!" hinging paumanhin agad niya sa akin

" Ok lang!" Tumango naman siya. " Halika alam ko kung saan siya pupuntahan!" Bumaling agad siya sa akin ng tingin. Agad niya akong hinila papunta sa kanyang sasakyan at ipinasok niya ako doon.

" T---teka! Wala pa akong ligo! Naka -------ahhhhh!" Napahiyaw ako ng umandar agad ng mabilis ang sinasakyan namin.

Sinipat ko sa repleksyon ng salamin ang ayos. ' mukha akong tae!'

Nagtingin-tingin ako ng suklay sa box ng kotse ni Odessa at hindi naman ako nabigo, pati pamuyod ay nanghagilap ako. Pati pabango nya kinuha ko.

Tiningnan ko muli sa repleksyon ang suot ko. Naka panjama ako na itim at isang gray na sando.

' Buti na lang naka-bra ako!'

" Asan ang kapatid ko?" Sabi niya.

" Nasa Batangas!" Mahina kong Wika sa kanya.

" ANO? ANONG GINAGAWA NIYA DOON?"

' Patay! Hindi pwedeng malaman ni Odessa na Gurlalush ang peg ng kapatid niya ngayon!'

" B---basta! Ma---mag drive kana lang!" Sabi ko at kaagad kong pinikit ang mga mata ko para hindi niya ako mausisa tungkol sa berdeng dugo ng kakambal niya.

..... ...................

" So Liam what are you doing here?"

' Liam? As in si Sky? Ano na naman kayang ginagawa nito dito?'

Lumapit ako sa pader para malaman kung anong pinag-uusapan nila. Hindi naman sa nakiki-chismis ako.

' eh curious kasi ako kung bakit ang sungit ng bebe ko sa Langit na yan! May ulap ba sila? Tapos Sasayaw kami ni Javix sa ulap! Awit!'

Jubilant Breaks The Broken One ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon