Prolouge

1.2K 17 0
                                    

"Fliona! Hoy Liona!" Napinto ako sa paglalakad ng sumigaw si Ylona, isa sa mga admins ko.

"Ano ba 'yon?" Tanong ko. Halos mag kasing edad lang kami ni Ylona, more like bestfriends na ang turingan namin sa mga nag daan na taon.

Umirap siya at may inabot na ticket saakin. "Punta tayo sa concert! Let's take a break naman!" Sabi niya.

"Ylona, you know we don't have time for this. I'm busy on publishing and signing my new story, atsaka walang mag babantay kay Auleona." Sabi ko. Auleona is my daughter. I don't want to see her father again. I might kill him.

Meeting her father was the biggest mistake of my life. But I didn't think that Auleona was a mistake because for me, she never was.

I have overcome my trauma but the trigger is still here.

"Hey-hey! Liona!" Bumalik ang diwa ko ng alugin ako ni Ylona. Napabuntong hininga ako.

"Pag iisipan ko," sabi ko. Nauna na akong nag paalam sakanya at sumakay sa motor ko tsaka ko iyon pinaandar.

Dumaan muna ako Mcdo para bumili ng pasulubong ko kay Auleona. Umorder ako ng Happy Meal. Nakalabas na ako ng Mcdo ng may tumawag saakin. Agad ko naman itong sinagot.

[Mama! Si Tita Kyla ayaw ako bigyan ng chocolate!] Bahagya ko pang nailayo ang telepono sa tenga ko sa lakas ng sigaw niya.

[Eh akin 'to e, pabili ka dyan sa nanay mo!] Rinig ko naman na sabi din ni Artemis. Sasabunutan ko na 'to 'e.

"Baby, andyaan ba si Tita Poline?" Tanong ko. Pag iniwan ko si Auleona sa Sacred Mansion, nag sisigawan at nag tatalo lang sila doon.

[Wala po, she left. Pinuntahan po si Tito Gian.] Sabi niya. Tumango naman ako at bumuntong hininga.

"How about Tita Kyla?"

[She's also not home, kasama ko lang po dito si Tito Gael, Tita Chichi.]

"Okay, wait for mama. Binilhan kita Happy Meal." Sabi ko.

[Really?!? Tita Kyla, mama bought me Happy Meal in Mcdo! Hindi kita bibigyan!] Pang aasar pa ni Auleona kay Artemis. Sigurado akong hindi siya pinansin kasi nakain ng chocolate.

"Behave ha? Wag kayo mag aaway." Bilin ko pa.

[Ok mama! I love you!] Napangiti naman ako.

"I love you, bye!"

[Bye bye!] Then the call ended. Tinago ko na ang cellphone sa bulsa ko. Sinuot ko na ang helmet ko at sumakay sa motor bago pinaandar yon.

Naging mabilis lang din ang byahe ko dahil hindi naman traffic. Pinark ko ang motor ko sa garahe. Bumaba na ako sa motor at binuksan ang pintuan. Hindi pa ako nakakatapak sa loob ay parang gusto ko na lang ulit umalis dahil sobrang gulo ng mansyon!

Nagkalat ang tissue paper sa paligid, naka kalat ang mga pagkain, hindi maayos ang sofa naka bukas ang tv kahit walang nanonood. Maiiyak na lang ako sa sama ng loob.

Itong sila Gael, Uchille at Kyla naman ay hindi man lang nag ligpit! Sigurado akong sila pa nag kalat dito.

Nakita ko sila Kyla at Uchille kasama si Auleona na nag hahabulan sa 2nd floor. Nag padulas pababa si Auleona sa hagdan at sabay sabay silang natigilan ng makita ako. Si Gael na kakalabas sa kusina na hawak ang baso ng kape ay natigilan din.

"One." Pagbibilang ko. Agad naman silang nag si kilos para mag linis. Buti na lang ako ang nakaabot sakanila dito pag si Poline, hay nako! Ayaw pa naman niya sa makakalat!

Halos isang oras din ang tinagal nila upang malinis ang buong mansyon. Napailing na lang ako at pumasok sa loob. Sabay sabay silang sumalampak sa sofa, halatang pagod. Kakapal ng mukha.

Into The Wild (Mafia Series #2)Where stories live. Discover now