I came late to the class kasi nag pa breastfeed pa ako at traffic pa. Gosh. It's so hassle.
Buti na lang 15 minutes late din yung prof namin. Buti na lang talaga. She started the class and I listened. Absent si Marcus so vacant ulit yung seat.
Nag stay ako sa room nang matapos ang klase niya. Nag basa na lang ako sa room kasi wala naman akong kasama.
That's what I thought when Uchille and Kyla knocked at the window. They waved as soon as I looked at them. I smiled.
"Kain tayo sa labas?" Tanong ni Kyla ng puntahan ko sila.
"Samgyup?" Tanong rin ni Uchille. I nodded. Nakakaumay rin yung pagkain dito sa school. Kinuha ko bag ko at umalis na kami.
"Asaan si Poline?" Tanong ko.
"Hindi pa tapos klase niya pero susunod na lang daw siya." Sabi ni Uchille kaya tumango ako.
Sumakay kami sa jeep para makapunta sa samgyup.
"Kuya, tatlong samgyupsal nga po." Sabi ni Uchille at nagbayad. "Pasuyo nga po."
Natawa ako. Ang weird talaga kapag nag p-po siya. Nakarating na kami sa samgyup at pumila na kami. Nang makapasok ay naupo na kami. May nakatabi kaming isang grupo ng mga lalaki at nakita namin na tinignan nila kami at pinagtawanan.
Nagkatinginan rin kaming tatlo at umiling na lang. Naunang kumuha si Kyla ng pagkain niya. Nag hihintay lang kami ni Chi dito sa mesa.
"Hi," lumapit saamin yung isang lalaki na kasama nung katabi namin na lamesa. Chi and I didn't look at him. I heard him scoff. "Girls are so boring." He whispered.
"Boys are so goddamn useless aren't they, Chi?" I asked her. She looked at me and nodded. I looked at him up and down and crossed my arms. "Go and leave."
"What did you just said? You said we're useless and you just told me to leave?" He asked with disbelief.
"Bakit hindi ba?" Tanong ko rin.
"Umalis ka na lang nga kasi, pangit mo." Sabi ni Chi sa lalaki. Napatingin naman yung lalaki sakanya at tinaasan naman siya ng kilay ni Chi.
Hindi pa rin umaalis sa pwesto yung lalaki kaya tumayo si Chi at hinarap yung lalaki. "Hindi kayo aalis?"
"I just want to know her name." He said.
"Well, you can't. She's engaged with Lenuel Lustivera. Hindi ka ba nag babasa ng balita? Ang alam ko kasi binalita yon." Sabi ni Kyla na kararating lang. Ang dami niyang kinuha na pagkain! Si Chi na ang tumayo at tinapik balikat ko.
"Hindi pa naman sila kasal, right?" He looked at me. Kinuha ko yung bread knife at tinutok sa mukha niya kaya napa atras siya.
"Are you deaf or stupid?" I asked. I saw him gulped. "Change your fucking mindset, if you know that the person is in a relationship with someone... back off."
"Woah, chill." Sabi nung isang kaibigan nung lalaki. "Tara na, bro."
"Pero-"
"Pre, tara na!"
"Dexter, I-"
"Simon!"
"Ok, fine." His eyes darted at me. "Malalaman ko rin pangalan mo."
"Go ahead." I just said. Umalis na sila at pinagpasalamat ko yon sa Dexter ba 'yon? Ewan, basta!
"Oh nasaan na sila?" Tanong ni Chi ng makarating.
"Umalis na." Simpleng sabi ko at tumayo para kumuha na rin ng pagkain.
Naupo na rin ako at nagsimula ng kumain ng makakuha ng pagkain. Ilang minuto pa ay dumating na rin si Poline na naka ponytail ang buhok. Tinanggal niya ang earphone niya at lumapit saamin.
YOU ARE READING
Into The Wild (Mafia Series #2)
General FictionMafia Series #2 Fliona Creja Quintala a teenage girl with a teenage love had to marry someone else? Her parents beg to Lenuel, marry their daughter, Fliona.