Late na ako nagising kaya naman nagmamadali ako mag ayos. Baka kanina pa nila ako hinihintay! Tapos nagkaroon pa ako ng morning sickness. Grabe.
Hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi agad kasi napaginipan ko siya. I cried all night hanggang sa makatulugan ko yung pag iyak.
"Sorry, na late ako ng gising." Sabi ko sakanila.
"It's okay. Tara na." Sabi ni Azheaya. Hinawakan naman ako ni Poline sa braso at sumakay kami sa kotse.
Nakarating na kami sa lugar kung saan sila nag ttraining. Mas malaki pa pala 'to! May field akong nakita na kagaya sa soccer field. Malaki din 'yon. May nakita rin akong track field sa kabila non.
"Bilangin mo yung oras ha?" Tanong ni Poline at tumango naman ako.
Bumaba na kami sa sasakyan. Pumunta kami sa field. May tatlong bleachers doon. Pinaupo ako ni Gael at nag warm up na sila.
Nainggit ako bigla. Gusto ko na rin subukan 'yan. 9 months pa ako maghihintay para masubukan 'yan. Nakakalungkot. Makapag dabog nga pag uwi.
Binigyan ni Gael si Azheaya at Poline ng mahabang stick. Meron din si Gael. Naunang sumugod si Poline kay Azheaya at sinalagan niya 'to agad. Sumugod din si Gael kaya hinampas siya ni Poline pero naharang niya iyong stick niya.
Grabe. Kalaban pala nila yung isa't isa. Ang galing kasi ang bibilis nila! Ang bilis ng reaction ng katawan nila para maiwas yon agad.
Swabe ang pag atake at depensa ni Gael. Si Poline ay malakas siya humampas pero mabilis. Medyo nahihirapan siya sa pag ilag. Si Azheaya ay mabilis, malakas, swabe, maangas, lahat na! Hindi siya masyadong gumagalaw sa pwesto niya. Ang galing.
Totoo nga talaga na magaling si Azheaya. Sanay na sanay siya doon. Naisip ko kung ganoon din ba si Lenuel or mas magaling talaga si Azheaya.
Inabot rin sila ng isa't kalahating oras. Nakahiga na si Gael at Poline sa damo at nakatayo pa rin si Azheaya. Hindi ko siya nakikitang hinihingal o ano pero yung dalawa halos kapusin na ng hininga.
Dumiretso sila sa track field. Naunang tumakbo si Azheaya ng 20 seconds. Sumunod si Gael at nauna ulit ng 15 second tapos huling tumakbo si Poline.
Ang bilis nilang tumakbo! Minsan ay nauuna si Gael, minsan ay sabay sila ni Azheaya at minsan tie silang tatlo. Ang laki pala ng dipirensya ng pagtakbo kahit sa segundo lang. Kung ako yan sumakit agad tagiliran ko. Hindi naman kasi ako sanay tumakbo.
Inabot sila ng 50 laps at halos saktong dalawang oras lang 'yon. Bumalik sila sa field at may hawak na silang maliit na kutsilyo. Hala, mag papatayan ba sila?
Sabay sabay silang sumugod. Sinapa ni Azheaya si Gael at Poline at napa atras silang dalawa. Nasugatan sa balikat si Poline ng iwisinasiwas ni Azheaya ang kutsilyo niya. Sinuntok ni Azheaya si Gael kaya gumulong siya paatras. Hindi nila mahawakan si Azheaya. Nasugatan naman si Azheaya sa hita ng batuhin ni Gael sakanya ang kutsilyo niya. Daplis lang naman 'yon pero hindi nag react si Azheaya doon. Tinignan niya lang 'to at sinugod ulit silang dalawa.
Tumayo silang dalawa at tumakbo sa field. Hinabol naman sila ni Azheaya. Mabilis niya 'tong nahuli kaya naman pinabagsak niya agad ang dalawa.
Narinig ko ang pag sigaw nila sa sakit. Napatayo ako. Grabe. Natakot ako ulit kay Azheaya. Maya maya pa ay narinig ko ang pag tawa nila Gael at Poline. Parang hindi sila nasaktan ah!
Tumayo ulit silang dalawa at pumunta na silang tatlo sa gawi ko. Hingal na hingal at pawis ang dalawa pero si Azheaya wala.
"Wala kayong kit?" Tanong ko. Gusto kong gamutin sugat nila.
YOU ARE READING
Into The Wild (Mafia Series #2)
General FictionMafia Series #2 Fliona Creja Quintala a teenage girl with a teenage love had to marry someone else? Her parents beg to Lenuel, marry their daughter, Fliona.