"Akala ko ba mahal mo ako?! Ibigay mo na saakin kailangan ko, Fliona! Tangina naman!"
"Hoy. Hwag mo ako iiwan. Hindi lang yan mangyayari sayo."
"Ang sarap mo, tangina. Wag mo naman ipagdamot sarili mo saakin, oh!"
Tama na. Tama na!
Napabalikwas ako ng bangon. Hingal na hingal at pawis na pawis ako. Tinignan ko ang orasan. 5 AM.
Napahiga ulit ako sa kama. Yinakap ko unan ko at sunod sunod na tumulo luha ko.
It still haunts me every fucking time. Kahit siguro anong gawin ko parte na yon ng buhay ko ngayon.
Why am I like this? I cry like a idiot. I don't want to be weak anymore. It's... exhausting.
Naalala ko bigla ang naging usapan namin ni Lenuel kagabi. Ang sabi niya wag ko raw guluhin isip niya... that I should stop making him worry because it's beyond him. Wag na daw ulit ako iiwas sakanya kasi halos mabaliw daw siya kakahanap at kaiisip saakin.
"Sigurado ka bang ayaw mo mag transfer?" Tanong saakin ni Gael. Pang apat na beses na 'to.
"Andoon yung kaibigan ko, si Kim. I'll be fine."
"But Poline and Azheaya can watch over you in Leicester," sabi niya.
I tapped his shoulder. "Ayos lang gagi," Nag paalam na ako at naglakad na papasok. Ngumiti saakin si Manong Guard kaya ngumiti din ako sakanya.
Pamilyar naman na saakin yung daan ng village kaya mabilis din akong nakaalis. May tinuro rin si Poline na shortcut saakin.
Nakita ko naman na umilaw phone ko kaya binuksan ko 'to. It was a message from Azheaya.
[Wag ka muna kaya pumasok?] She texted. I ignored it. I'm fine. No harm.
Habang naglalakad papunta sa school ay nagulat ako ng makitang natakbo si Chi at nabunggo pa niya ako. Nagulat din siya ng makita ako.
Hingal na hingal na siya. May humahabol siguro sakanya. Panay ang tingin niya sa likod.
"Anong problema mo?" Tanong ko.
"Itago mo ako, bilis!" Sabi niya. Gusto kong tumakbo kasi kinakabahan ako pero buntis ako! Hindi ako pwede tumakbo baka mapahamak si baby.
Pumasok na lang kami sa isang cafe. Nakita ata nila si Uchille kaya pumasok sila. Dahil sa dami ng tao ay nawala si Uchille sa paningin nila. Pinahanap agad siya dito sa loob.
Pumasok kami sa girl's bathroom. Pinasok ko siya sa cubicle kasama ang bag ko ng marinig yung mga boses nila.
"Dyaan ka lang," sabi ko.
Hinubad ko coat ko at tumalikod at nagkunyari na nag aayos ng polo. Bumukas ang pintuan at nilagay ko ang coat sa harapan ko at sumigaw.
"Bastos! Pervert!" Sabi ko. Kinuha ko yung mop at hinampas sakanila.
"Putangina, boss wala dito!"
"Yasaha, doko ni iru nda!" Sigaw nung lalaki. Binalibag nila yung pinto at umalis. Naghintay pa muna kami ng 10 minutes bago kami lumabas ng cr.
Napaupo si Uchille sa semento at hingal na hingal talaga siya. Inabot ko tubig ko sakanya. Inabot ko sakanya tubig ko. Kinuha niya naman 'yon at ininom. Halos paubos na nga ng ibinalik niya saakin. Bibili na lang ako para samin ni baby.
"Oh ano, okay ka na?" Tanong ko at nag thumbs-up siya. "Sino ba sila?"
"Sila yung mga inutangan namin ni Mama nung nasa Japan pa kami. Kailangan namin ng pera para makapag tago dito, anak ng chanak, nahanap kami!" Sabi niya. Tumayo siya at pinagpagan sarili. "Loan sharks sila."
YOU ARE READING
Into The Wild (Mafia Series #2)
General FictionMafia Series #2 Fliona Creja Quintala a teenage girl with a teenage love had to marry someone else? Her parents beg to Lenuel, marry their daughter, Fliona.