Halos paliparin ko na yung sasakyan ko para lang makaabot aa board meeting! Tangina, bakit kasi ala una na ako ng hapon nagising! Tapos traffic pa.
Ayan napapala ng alas tres na ng madaling araw natutulog. Lesson learned.
"Good morning, Ma'am." Bati nila ng makasalubong ako. Hindi ko na sila pinansin dahil nga late na ako!
Papasok na sana ako sa elevator kaso nandoon na naman si Lenuel kasama yung babae at may iba pa siyang kasama. Hinihintay ata nila ako pumasok kaya ngumiti ako.
"I... I forgot that I need to pee. Go ahead." I smiled and turned my back to them. I sighed in relief nung marinig ko ang pag sara ng elevator.
Nandito na naman si Lenuel!? Ano bang ginagawa nila dito?! Aalis na sana ako kaso bumukas ulit ang pintuan ng elevator. Lumabas ang mga kasama ni Lenuel at pumunta sa kabilang elevator.
"Get in." He said.
Umiling ako. "N-No-"
"Fliona Creja, get in." Madiin na aniya. Para akong robot na sumunod sa gusto niya.
Nasa harapan na nila akong dalawa. Kinakabahan ako! Hindi ako makahinga ng maayos. Inamoy ko si Lenuel at impit na kilig ang nailabas ko dahil sobrang bango niya! Agad ko rin binago ang hitsura ko ng marealize na nasa likod ko lang pala yung kumag na 'to.
"You too, Kia. Get out." Nagulat ako ng palabasin din ni Lenuel yung babae!
"M-Me? Why me?! Ayaw ko!" Reklamo nito.
"I said, get out. Sumabay ka sakanila."
"Len-"
"Kia!" Lenuel shouted. Hindi naman ako si Kia na yon pero nagulat ako! Luhaan na lumabas yung babae at sinara ni Lenuel and elevator.
Napalunok ako. Tinitignan ko lang ang reflection niya sa salamin. Hala, mas tumangkad siya? Oo, tumangkad siya! Dati hanggang baba niya lang ako tapos ngayon hanggang balikat na lang?!
Unfair.
Tatlong taon lang akong nawala pero ang dami nang nagbago sakanya. Isa na yung temper niya. Alam ko naman na mainitin talaga ulo niya pero ngayon sobrang init na ng ulo niya!
"Are you a robot?" Aniya.
Dahan dahan ko siyang hinarap. "A-Ako ba kausap mo?"
"Ay hindi, baka kausap ko sarili ko." Pabalang na aniya. I laughed nervously and awkwardly. "What?"
"H-Hindi ako robot. Gandang robot ko naman..."
"Tumabi ka nga saakin." Hinila niya ako papunta sa tabi niya. Hawak hawak niya pa rin ang braso ko. I expected him to hold me tightly but it's the opposite. He held me softly like I'm a fragile and should be held carefully.
Nakagat ko ang labi ko. Hindi ko siya matignan ng maayos kaya naman sa harapan ako nakatingin. Napabuntong hininga ako.
"Lenuel..."
"Ano?"
"Gusto mo bang ano..." napalunok ako. Sabihin mo na! Babawi ka pala e'. Panindigan mo.
"Ano?"
"Ano, kasi..."
"Kasi?"
"Ano gusto mo bang..."
"Ano nga?"
Bumukas ang elevator kaya inalis ko na ang braso niya saakin at lumabas. Sinara ko na ang elevator at nakangiting humarap sakanya.
"Do you want to have date with me?" I said. The door closed exactly. Napatakip ako sa bibig ko at dumiretso sa conference room.
Naglakad ako na para bang hindi ako late.
Sorry everyone. I know my priorities in life. Landi muna bago work.
I told them to start the meeting. Halos wala akong naintindihan. Sabog sabog ako ngayon. Tapos sinabi ko pa kay Lenuel kung gusto niyang makipag date saakin.
I adjoured the meeting and went to my office. Napasandal ako sa swivel chair ko at pumikit.
Nakakapagod kahit wala naman akong naintindihan.
Alas otso na ng gabi ng makauwi ako. Sinalubong ako ng yakap nung tatlo. I kissed them in their cheecks.
"Mommy, we baked a cake!" Nauel said happily.
"Really?"
"Yes, we baked it for you." Auleona giggled. She held my hand. "Come to the kitchen!"
I saw the cake they baked. They gave me fork and I taste the cake they baked. I nodded and it's too sweet but... ok.
"Ang galing naman!" Sabi ko. "Patikim niyo kay Tita Chi!"
"Tita!" Sigaw nila.
"Oh ano?!" Sigaw rin ni Chi.
"May cake here, nag bake us!" Auleona shouted. Agad naman na tumakbo palapit si Chi saamin at inagaw ang tinidor ko. Tinikman niya yung cake at napapikit siya.
Pinanlakihan ko siya ng mata. "Ayusin mo sasabihin mo." I mouthed.
"A-Ano, good job! Yummy! Cr muna ako." Sabi niya at tumawa. "Ang tamis." Rinig ko pang bulong niya.
Nag paalam ako na aakyat muna sa kuwarto ko para maligo at mag bihis. Pagkatapos ko ay kumain na ako. I'm doing office work while eating.
Hinugasan ko ang pinagkainan ko pagkatapos kumain. Bumalik na ako sa kuwarto ko at naupo sa kama. Uminom ako ng gamot dahil nahilo ako bigla. Hindi naman ako jontis no. Three years na akong tuyo.
"Hoy, bilis!" Sigaw ni Ylona saakin.
"Sandali, mag lilipstick pa ako!" Sigaw ko rin sakanya. Kinuha ko ang nude lipstick ko at nilagay yun sa labi ko. Inayos ko rin ang buhok ko at boots na suot ko bago bumaba sa sasakyan niya.
"Daming arte." Bulong niya.
"Excuse me," maarteng sabi ko sakanya at tumawa siya bago ako irapan.
Pumasok na kami sa loob ng mall at pumunta sa venue. May mga guards na humarang sa mga tao para di nila ako mabunggo.
"Daming fans." Asar na bulong saakin nung isa kong admin.
"Maganda e'."
"Yuck."
Nagsigawan lahat ng mga tao ng makita ako. Feel na feel ko naman ang pag kaway ko sakanila. Feeling artista kasi ako e'.
"Ate Faorani!"
May mga nakikita pa akong tarpauline na mukha ko ang nakalagay. Grabe naman 'to.
The event started. We did the introductions and such. Marami pa silang kineme bago simulan ang book signing.
"Ate, pwede po bang pa picture?!" Excited na tanong nung batang babae.
"Sure, come!" Pinapunta ko siya sa tabi ko at nag picture kami. Yinakap pa niya ako at pinaalis na siya ni Ylona dahil sunod naman daw. Sinamaan ko siya ng tingin at inirapan ako.
Sungit!
"Ate, mag kakastory po ba yung anak ni Julia at Yno?" Tanong nung isa.
"Pag iisipan ko pa."
"Gawan mo, Ate!"
"Ikaw na mag sulat." Kunwaring inis na ani ko sakanya. Tumawa naman siya. Nag papicture pa siya bago umalis.
Demanding!
"Name?" Tanong ko sa lalaki.
"Lenuel Vince po,"
"Ah, Lenuel Vi- huh?" Napatingin agad ako sakanya. Ngiting ngiti siya saakin. Naka white turtle neck lang siya at pantalon. May shades pa si gago! "A-Ah.. hello."
"Fan na fan niyo po ako." Sabi pa niya. Hindi ko siya sinagot at binigay ko na lang sakanya yung libro niya. Kinuha niya yon at may binigay na papel saakin.
Taka ko siyang tinignan at kumindat lang siya bago naglakad paalis. Kinua ko yon at binasa.
"Ok. Let's date then, Mrs. Lustivera."
YOU ARE READING
Into The Wild (Mafia Series #2)
General FictionMafia Series #2 Fliona Creja Quintala a teenage girl with a teenage love had to marry someone else? Her parents beg to Lenuel, marry their daughter, Fliona.