Eighth

52 1 0
                                    

Breath deep, breath clear

Know that I'm here, know that I'm here

Waiting...

Nakarating ako sa school ng almost an hour. Kinapa ko ang bulsa ko at saka ko lang napagtanto...

"Paksyet! Naiwan ko ID ko! Ang tanga mo, Blue Jay! Syeet ka!! Manhid ka na nga! Tanga pa! Bwisit!" pagmumura ko sa sarili ko.

Stay strong, stay gold

You don't have to fear

You don't have to fear

Waiting...

Sinisipa sipa ko na ang kung anong bagay na nakikita ko. Nakakabanas!

May mas gaganda pa ba sa araw na to?! Tch! Gaaah! Bwisit!

"B?" lumingon ako sa likod at nakita ko si Max nakatayo na may naguguluhang ekspresyon. Naka navy blue oversized jeans jacket siya tapos may white tshirt sa pangilalim. Sa pangibaba naman, nakaitim na jeans siya with matching white sneakers.

Dugdug. Dugdug.

Syeeet, ayan na naman. Etong epekto na to.

"Sorry, kakadating ko lang. Kanina ka pa ba dito? Nagtext ako sayo ehh, nataranta tuloy ako. Akala ko kung ano na ang nangyari. Bakit bigla mong naisipang magkita? Himala ah! Ikaw ang unang nakikipagkita! Hahahaha."

I'll see you soon

I'll see you soon

Ewan ko kung bakit pero sa panahong ito, umiikot ang buong paligid ko. At parang nasa telenobela lang na pag nakita mo 'siya' nagiging blurred ang background at nagsoslow-mo.

Tapos parang ang init ng pakiramdam mo.

Tapos biglang...

WAPAK! Mahihimatay ka.

....................

"Beeee! Beeee!" rinig kong sigaw ng isang lalaki.

Pilit kong minumulat ang mata ko pero ang bigat sa pakiramdam. Nakakatamad. Matutulog na lang ako. Good night, guys. Hahaha.

"Shit! Patay na naman ako kay kuya CJ neto. Bakit pa kasi lumabas na kakalagnat lang eh! Tch, ang kulit mo naman, Blue Jay."

Pilit ko pa ring minumulat ang mata ko at umabot pa ng ilang minuto para mamulat ko eto. Nasa greenhouse na pala kami.

"Bubuyog." sambit ko pagkamulat na pagkamulat ko.

"Huh? Saan?" nakita kong balisang balisa si M.

"Bee." sambit ko ulit.

"Asan nga??" tanong niya habang nagpalinga linga na parang may hinahanap nga.

"Eulb."

Sa pagsabi ko ng katagang iyon, napatigil siya sa paghahanap. Napaharap siya sakin at napatitig sa mga mata ko.

"You..." tanging sambit niya.

"Yeah. Just this morning."

"Ahh.. I-I see."

Shit! I hate this awkward atmosphere. Maybe this is a bad idea after all. I should just tell him I was just kidding and uhhh... think of something to joke about.

"Nakwento ko na sa iyo lahat, diba? Kahit sa pagkwento ko, wala ka talagang naalala?" pagtatanong niya.

Now that he mentioned it.... I never recalled those memories or events he talked about.

Less Than a Slash and ThreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon