Saan ba ako? Bakit walang tao?
Kanina pa ako naglalakad wala akong nababanggang kahit ano.
Ang puti! Nakakasilaw. Wala akong makita kundi puti. Am I in heaven??!
Nagpatuloy akong maglakad at nung may natapakan akong asul na rosas, nagbago ang paligid ko.
Pinaikot ikot ko ang mata ko at saka ko lang napagtanto na ang kaninang puting paligid ay naging isang malaking maze at nakatayo ako sa gitna neto.
Pagtingin ko sa paa ko, nandun pa rin yung rosas. Pinulot ko at nagpatuloy na maglakad.
Kainis naman oh! Paikot ikot ako sa kalalakad at nababagot na sinusubukang hanapin ang exit.
Para hindi ako mawala, lahat ng nadaan kong mga daan, hinuhulugan ko ng isang petal galing sa asul na rosas na dala ko.
Nang may nakita akong maliwanag na ilaw, hindi na ako nagdalawang isip pa at tumakbo sa pagkat alam ng isipan ko na yun na ang exit.
Pagdating ko sa exit, may nakatayong lalaki. Hindi ko masyado makita mukha niya kasi against the light siya.
Nung aakma ko na sanang hawakan ang balikat niya, bigla siyang nagsalita.
"Nahanap mo din ang labasan. Pero habang hinahanap mo yung labasan, nawala na ang kagandahan at ang kahulugan ng rosas na dala dala mo. Ginamit mo lang ang rosas para sa benepisyo mo. Dahil sa sabik mong paghahanap ng labasan, yung nasayo, nawala. Hindi mo ba inisip na baka yung rosas na yan ay biyaya o regalong binigay para lang talaga sayo? Hindi mo ba napagtanto na ang maze na to ay ang storya ng buhay mo? Habang hinahanap mo ang labasan, ginamit mo at binalewala mo ang rosas na yan. At habang hinahanap mo ang labasan, yung taong nakataan sayo, unti unting nawawala sa harap mo. Hindi mo rin ba napagtanto? Na ang rosas na yan ay simbolo.... ng puso ko at ang mga petals na hinulog mo ay piraso ng puso ko? "
Whaat?! Sino ba tong lalaking to?
"Teka, sino ka ba? Kilala ba kita?" tanong ko sa lalaking nakatayo sa harap ko na hanggang ngayon hindi ko makita mukha niya.
Unti unting dumilim ang paligid at unti unti din siyang lumalayo.
"Te-Teka!! Hindi mo sinagot ang tanong ko!" Tumakbo ako at hinabol ko siya. Yung ilaw na lang na nakikita ko ay yung nakapaligid sa kanya.
"Ako... ang taong una mong minahal. At ikaw... ang taong una kong minahal."
Unti unting nawawala ang ilaw pati na rin siya.
Ang taong unang minahal ko? Sino?!
"Teka!" sigaw ko.
"MISS KIMURA!" Napagising ako sa sigaw na narinig ko at agad na tumingin sa harap.
Ang talim ng tingin ni Ma'am Sado, maths teacher namin.
"Aba ang lakas ng loob mong tulugan ang klase ko. Go outside!" sigaw niya sabay turo sa labas.
Na feel kong may laway sa bibig ko kaya pinahid ko yun at napayuko ako. Wala pa ako sa huwisyo ng oras nato. Nahiya din ako ng konti at napagisipang tumayo na at lumabas sa silid aralan.
Ako nga pala si Blue Jay Kimura. Currently in my second year in high school. Tinatawag nila akong one of the boys kasi lahat ng barkada ko lalaki at parang lalaki na daw ako kumilos. Paki alam ko. Half British, half japanese, half pinoy ako. Ang dami kong half noh? Haha. Half British ako dahil yung mama ni papa is British while yung papa naman ni papa is Japanese. Strange huh? Si mama naman is full pinoy pero half tagalog-half bisaya haha.
Palabas pa lang sana ako sa silid aralan ng may sumigaw,
"Teka!" nilingon ko kung saan nanggagagaling yung boses at nakita ko ang lawak at mapanglokong ngiti ni Max at inacting niya pa talaga, yung tipong naka unat yung kamay na parang may hinahabol.
Siya naman ang bestfriend ko, si Max Red Shunji. Nakakatawa kasi parehas kaming may kulay sa pangalan namin. See what I did there? Hahaha. Elementary pa lang kami, siya na ang palagi kong kasama. Nagkakilala kami nung pauwi ako ng school at may nakita akong away. Binubogbog si Max nung oras na yun. Buti na lang at nakita ko sila kundi baka nasa hospital na siya nung oras na yun at nanganganib ang buhay. Dahil papa niya ay japanese, half japanese siya. Lumaki na siya dito sa pilipinas dahil nagtayo ng malaking kompanya ang tatay niya dito.
Napatawa ang buong klase sa ginawa ni Max pero ang nakakatawa pinalabas din si Max ni Ma'am sa ginawa niya.
Nakatayo na kami sa labas ng biglang tumawa si Max.
"Hahaha, pre! Da best yung teka mo! Sino pinaginipan mo? Ako no?"
"Sapak gusto mo? Pagkain pinaginipan ko. May hayop na lalaki na bumili ng huling sushi. Tch! Kakabanas."
"Ang takaw mo talaga, pre! Kaya lumalaki yang pisngi mo kasi lahat ng kanin na kinakain mo, imbis na pumunta sa tiyan, pumunta sa pisngi mo." sabay kurot sa pisngi ko.
Inalis ko ang pagkakakurot niya sa pisngi ko at sinuntok ang tiyan niya.
"Aray!"
"Wag mo kong pagalitin. Nababanas ako."
Tumawa na lang si Max habang ako'y patuloy na iniisip ang mysteryosong panaganip.
Sino ba yun? Nakakabanas ah!! Tsaka, medyo naguluhan ako sa kahaba habang essay- este sa sinabi niya. Pramis. Hindi ko na gets sinabi niya hahaha.
Pero nakakabanas lang... yung feeling na alam mo may kahulugan yung paniginip mo at yung taong nagpakita sa paniginip mo pero hindi mo mapagtanto kung sino.
Nakakabanas. Grbe. Level 99999 na ata to.
BINABASA MO ANG
Less Than a Slash and Three
JugendliteraturIt was going great. We thought this would last forever. We were in love. Well, I thought you were in love. Turns out you were only in love with the feeling. We were a perfect match. But I guess that's main reason why we quickly burnt out. Is it sti...