Blue's POVAs I woke up, I grab my head in pain. Uggh... Ang sakit ng ulo ko, takte!! Ano bang nangyari kagabi?!! I can't remember a thing, damn it! At pano ako nakauwi?? Tch.
May kumatok sa pintuan ko at napabalikwas ako sa gulat.
Pumasok si kuya na may dalang tray na puno ng pagkain.
Lumapit siya at saka ko lang nakita ng maayos ang kaniyang ekspresyon. Nakakunot noo at parang may lalabas na usok sa butas ng ilong niya.
"Kumain ka para malamanan yang tiyan mo. Puro alcohol lang nandyan." Ok. Nakakatakot yung tono ng boses ni kuya. Yung nice but deadly?
"Umm..." pagsisimula ko.
"Ano?!" Wow!! Ok! Just wow! Ginaganito na niya ako. To be honest, first time niya akong sigawan ng ganito, yung pa seryoso. Sinisigawan niya ako pag nagbibiro kami or yung normal naming away pero iba ngayon ehh.. Ibang iba talaga.
"What happened at parang galit na galit ka sa akin kuya? Don't just yell at me ng walang rason."
"I do have a reason. Look, I'm sorry, that was a bit too much... It's just that last night you..." hindi pinatuloy ni kuya ang kaniyang sinabi at yumuko lamang. Napabuntong hininga din siya sabay kamot sa batok niya.
"How are you feeling right now? Masakit pa ulo mo? Let me check if you still have a fever." tanong niya at hinawakan niya ang noo ko.
"May lagnat ka pa oh." pagaalala ni kuya.
"I'm fine. Nakakagalaw pa naman ako. What really happened kuya?" tanong ko ulit.
"I'll talk about it pag nasa huwisyo ka na."
Tumango na lang ako dahil wala akong lakas para pilitin pa si kuya.
"Kainin mo na lang yan. Tapos magbihis ka na. Eto oh, towel. Basain mo na lang yan at punasan mo na lang muna katawan mo dahil hindi ka pa pwede maligo. Tapos labas ka ha? Wag kang magkulong dito sa kwarto. Kahit sa sala ka lang manood ng tv."
"Ok po."
"Kailangan mong gumaling kaagad, schoool pa naman ulit bukas. Labas ka lang pagkatapos ha?"
Tumango ulit ako.
Lumabas na si kuya at kinain ko na ang lugaw at mango.
(I think I'm starting to become aware of my feeling towards that person.)
Sa paggising ko, yan na ang mga salitang paulit ulit sa utak ko.
What exactly happened last night? Oo, I admit. Nalasing ako. Yun lang ang natandaan ko, nung naginuman kami ni M tapos before nung mahihimatay na ako bigla na lang pumasok si.....
Sino nga ulit yung pumasok?? AHHH!! TAKTE!! Yan kasi!! Ang hilig masyado sa white wine!! Hindi pala alam na ang lakas ng alcohol level nun!!!
Pero isa lang ang natatandaan ko eh.. Umiyak si M nung gabi na yun. Naalala ko nagyaka- umm.. kinomfort ko siya at yun nauwi sa inuman.
Pagkatapos kong kumain ay pumunta na ako sa banyo at nagpunas ng katawan. Nagbihis na din ako ng pangbahay at lumabas na patungo sa sala kung saan nandun si kuya naglalaro.
"B!! Multiplayer!!" sigaw niya habang seryosong nakatingin sa nilalaro ng hindi man lang ako nilingon.
Umupo ako sa tabi niya at kinuha yung second controller.
"Wait... When did you-" pagsisimula ko ng napansin kong iba yung nilalaro ni kuya.
"Oh this game? Nagkataon lang na nagsale yung shop noong pumunta ako. You've been wanting to buy this game, right? Kaya binili ko. Gusto ko din laruin eh haha."
BINABASA MO ANG
Less Than a Slash and Three
Teen FictionIt was going great. We thought this would last forever. We were in love. Well, I thought you were in love. Turns out you were only in love with the feeling. We were a perfect match. But I guess that's main reason why we quickly burnt out. Is it sti...