Tenth

13 0 0
                                    

Anong nangyari sa prinsipyo mong "friends are friends"?


Since may 20mins left pa before class time, pumunta ako ng library para hanapin si kuya.

Ng makarating ako sa library, nakita ko yung apat magkasama sa iisang table at parang tinutukso tukso ata si kuya dun sa babaeng nagbabasa ng libro.

She's wearing those cute but not geeky glasses with her hair fish tailed in two. Nasa kasulok sulokan ng library siya nakaupo... isolated. While yung mga unggoy nakaupo malapit sa pintuan.

Lumapit ako sa table nila kuya at umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni R.

"Uyyy! Himala... nagpunta ng library!" pagbati ni K sakin sabay tawa.

Nagsmile naman si R sakin while kuya just nodded at me.

"Wala pang tao eh." pagsagot ko kay K.

Nakita kong tulog si J habang nakikinig ng music kaya pinagtripan ko siya.

Maingat kong kinuha yung phone sa kamay niya at pinalakas yung volume ng music.

Napabalikwas siya at tinanggal niya ang earphones sa tenga niya.

"WHAT THE FCUK?!!" sabay tayo at tumingin sa naghawak ng phone niya. Which is me. Buti na lang wala pa yung librarian kundi masusupend talaga tong Jael na to hahaha.

"Tulog pa moreeee! Hahahaha" sabay halakhak at napahawak sa tiyan ko.

"Hahaha adik neto. Iba trip neto ngayon oh, CJ! Good mood ata ngayon. Nangtitrip na." sabay nakipag high five sakin si K. Natawa din sila kuya at R pati na rin si J natawa sa sarili niya. Kaya ang naririnig na ingay sa library ay ang halakhak naming lima.

Napalingon kami sa direksyon kung saan yung malakas na tunog  ng pagserado ng libro ay rinig na rinig.

Nakita namin yung babaeng nagbabasa sa sulok ay nakatayo na habang nagliligpit ng mga libro niya.

Tumingin siya sa gawi namin at tinitigan kami ng masama.

"Ohhhhh~! Nagalit si ateng maganda!" bulong ni J sa amin.

Nagsimula ng maglakad yung babae papuntang pintuan pero tumigil siya muna ng mahawak na niya yung door handle.

"Library. Nagtatawanan. Hindi naman arcade. May mga utak naman sana." sabi nung babae na hindi man lang tumingin sa amin. Lumabas na siya pagkatapos at padabog na sinara ang pintuan.

"Huwaaaw! Intense si ateng!" sabi ko sabay tawa.

Napansin ko na si kuya lang ang hindi tumatawa pero sinusundan niya ng tingin yung babae hanggang sa pagbaba niya ng hagdanan.

Anong trip neto?! Kakabreak nga lang nila Aisha tapos naghahanap na kaagad ng babae?! Huwaaaaw! San ang hustisya?!

"Hoy! Yung tingin mo kung san na napupunta! May bagong mylabs ka na naman?! Kakabreak niyo nga lang nung 23?! WALANG POREBER KASI!" pagbibiro ni J sabay tawa naming apat pati si kuya napatawa na din. Pero iba yung tawa niya sa tatlo... yung tipong shy laugh. With matching blushed face.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 30, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Less Than a Slash and ThreeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon