"Oi!! Chorizo oh!! May meatloaf pa at pancit canton! Bait naman ni C kahit hindi siya nakapunta hahaha." puna ni K.
Naglulunch na kami ngayon sa hideout namin, which is sa likod ng school na may abandoned na greenhouse at dahil tito ni K ang principal namin sa school, nakahingi siya ng pabor para ayusin tong abandoned na greenhouse.
Kami lang talaga ang may gamit neto at hindi alam ng ibang estudyante dahil medyo may pagkalayo sa main area ng school. Tagong tago din siya kasi may mga punuan at may malaking field sa harap, which is papuntang main area.
"Kumain lang kayo jan." sambit ko.
"Oh, bakit? Hindi ka kakain?" tanong ni R.
"Busog ako."
"May problema ka ata ngayon ah? Akalain mo, binaon ng kuya mo yung paborito mong hot and spicy pancit canton tapos hindi ka kakain?? Yung totoo B?" seryosong tanong ni K.
Pakshet. Eto na... Eto na.. Eto na.. Haa haa! Doobidoo bi doo. Haaaay, may gana pa talaga akong makipagjoke sa sarili ko.
"Porket busog, may problema na kaagad? Busog nga eh! Do you want me to state the definition of FULL or BUSOG? I'm pretty sure it doesn't state that being full means the person has a problem. Tch." naainis kong sabi.
Nang napansin kong walang nakipagaway o wala man kahit sa kanila na nagkomento, bigla akong kinabahan.
"B.." simula ni R.
"WALA NGA SABI EHHH!! ANG KULIT NIYO! BAHALA KAYO JAN!" galit kong pagsabi at tumakbo ako palabas galing sa greenhouse.
Hindi ko namalayang, sinundan pala ako ni M.
"Woi! Anyare? Bad trip ka ata ngayong araw ah? Obvious na obvious kasi hindi ka pa namin nakitang tumawa o nakisali sa mga joke namin." Sabay hawak niya sa balikat ko at tinitigan ako ng maigi.
"Wala nga sabi-"
"Blue Jay. Umayos ka. Alam mo yung kasunduan natin sa barkada." seryosong tugon ni M.
Napabuntong hininga ako. Siguro, mas mabuti kong sasabihin ko na sa kanila kaysa damdamin ko to magisa.
"Oo na. Sasabihin ko na."
"Good. But let's go back inside first. Sabihin mo sa lahat."
Tumango ako at naunang pumasok si M.
Papasok na sana ako nang biglang lumakas yung hangin at rinig ko ang tunog ng mga puno at ng mga dahon.
May bigla akong naalala. Unti unti akong lumingon sa likod at minasdan ang palagid.
Teka. This place resembles... the maze in my dream. Ang kulang lang yung maze. A big green field with trees surrounding it.
Bigla akong kinilabutan kaya nagmadali akong pumasok sa greenhouse.
Medyo may kalayoan din from the entrance of the greenhouse to the table or kung saan kami kumakain at kung saan yung mga leisure items.
Nakita kong naghihintay sila at nakatayo habang nakacrossed arm.
"Kindly explain the problem with thesis and conclusion, Blue Jay Kimura." pagbibiro ni J.
Napailing na lang ako at umupo ako sa tabi ni M.
"So..." sambit ni K ng makaupo na kaming lahat. Pwede na talaga tong maging interrogator. Palaging siya yung magtatanong basta may napapansin siyang problema o ka weirduhan sa amin.
Tumingin ako kay M at tumango siya sakin.
Kinwento ko na sa kanila ang nangyari.
P.S. ang sarap talaga sapakin tong Jael na to. Ang O.A. ng mga reaksyon.
BINABASA MO ANG
Less Than a Slash and Three
Teen FictionIt was going great. We thought this would last forever. We were in love. Well, I thought you were in love. Turns out you were only in love with the feeling. We were a perfect match. But I guess that's main reason why we quickly burnt out. Is it sti...