Manuel Vicenticus Valdenor
"Coz I'm leaving on the jet plane don't know when I'll be back again, oh, babe I hate to go." Nagpatuloy siya sa pagkanta habang ako ay naka higa sa kaniyang hita.
Pinipilit ko ang sarili ko na maging matatag, hindi umiyak at maging malakas sa kaniyang harapan. Kung mayroon mang dapat ang magdusa ako dapat at hindi si Charlie.
I've been an ass to her for a years. I hurt my friend. My source of strength becomes weak because of me. Ang nag-iisang mahal ko ay umiiyak na ngayon. Hindi na dapat ako nagpadala sa konsensya ko noon, sana talaga nag focus nalang ako kay Charlie.
Talaga nga naman na mapagbiro ang tadhana. Ano ba ang nagawa namin at bakit ganito ka?
"Charlie, anak!" Napabaling ako sa babae ng sumigaw ito. Bakit hindi na lang niya lapitan ang anak niya? Kailangan sumigaw?! "You forgot this."
Lumapit sa kaniya ang isang babae na kasing edad ko rin. I slowly averted my eyes but I swiftly look back. Chick 'yun, a?
Saglit na nag-usap ang dalawa kapag kuwan ay umalis din ito. Agad kong sinundan ang babae kung saan ito pupunta. Halata naman na sa ibang school ito nag-aaral. Masaya siyang pumasok sa gate ng school nila habang ako naman ay nilagpasan ito.
Sana makita ko ulit ang babaing iyon at makilala.
After that, I always find myself walking alone in that street. Inaabangan ko ang paglabas at pagpasok niya hanggang sa isang araw ay hindi na iyon nangyari dahil lumipat na ako ng school.
"Introduced yourself, Miss."
Muntik ko ng malunok ang candy na nasa bibig ko ng makita ang ang babaeng nasa harapan namin ngayon. Saglit kaming nagka titigan bago siya nagpakilala.
"My name is Charlotte Inna Aragonza but you can call me charlie."
Ang ganda naman ng pangalan. Charlie. C. C like Chococat?
Ngumiti ang Professor namin. "Thank you Ms. Aragonza, you can seat beside Mr. Valdenor."
Napa-ayos ako ng upo ng mag lakad siya papunta sa akin. Ilang taon na rin ang lumipas mula ng makita ko siya noong highschool palang ako. Ngayon college na kami at same course pa! Bait naman sa akin ng tadhana.
Mukhang mag-eenjoy ako sa course ko kahit hindi ko gusto.
Kinuha ko ang pballpen na may tatak ni chococat at inabot sa kaniya. Napansin ko kasi na wala siyang ballpen.
"Bakit ganito ang ballpen mo?" Takang tanong niya.
Minsan kapag may nagtatanong sa akin nito ay sinasagot ko agad. Wala naman kasi akong pakialam sa mga sasabihin ng iba, pero dito kay charlie bigla akong kinabahan.
"P-paborito ko si Chococat." Pinagpawisan ako ng tumawa siya.
"Cute naman."
Lihim akong napa nguso. Sino ang cute? Si chococat o ako?
"Ako?"
Umiling siya at inangat ang ballpen. "Si chococat," aniya na ikinapahiya ko. For the first time in my life I feel jealous towards chococat.
Matapos ng klase ay palihim ko naman siyang sinundan papunta sa canteen. Nagdarasal nalang talaga ako na sana ay wag ko munang makita ang mga asungot kong kaibigan. Magpapalakas muna ako kay Charlie.
"Kung ako sa 'yo 'di ko pipiliin 'yang cornbeef." Gulat siyang napatinggin sa akin. I chuckled. "Matubig kasi." Aniko.
"Ah, ganon ba? Sige, salamat. Wala kasi akong ibang mapili dahil karamihan puro manok— alergic ako." Aniya.
BINABASA MO ANG
The Boundaries Between Us ( Sanrio Boys 1)
Cerita PendekEvery pain you felt is a blessing in disguise. That's what Charlie believes. Whenever she's in pain, she finds renewed strength, knowing that a beautiful morning is on the horizon. Charlie is a sweet girl with an incredibly loyal heart that beats on...