TG: abuse
Umaga pa lang dinig na dinig ko na ang nakakasawang sigaw ni papa kasabay ng mga nagbabagsakang gamit sa aming sala. I immediately walk out of my room and notice my little brother on the corner of our small living room, shaking in fear. Agad ko siyang dinaluhan at tinakpan ang magkabilang tainga niya para di niya maririnig ang pagmumura ni papa.
"halika, pumunta muna tayo sa kusina, ipaghahain kita," ngumiti ako sa kaniya kahit bakas din sa mukha ko ang takot. Umiling siya kaya naman bumuntong hininga ako.
Palagi nalang ganito ang eksena, nakakasawa. Palagi nalang lasing si papa, palagi niya rin kaming sinasaktan. Minsan ko ng sinabi sa mama ko na lumayas na kami sa bahay na'to, pero sa hindi malamang dahilan, hindi niya magawa. Kaya narito kami, naghihirap, nagtitiis.
"Diego naman, kailan ko ng pera! Paano ko babayaran ang mga utang na'tin?" hapong hapo na tanong ni mama.
"Utang na'tin? Baka utang mo, Susan! Dinadamay mo pa talaga ako!" sigaw ni papa.
Wala na akong narinig na boses ni papa matapos niyamg sabihin 'yon. He went out of our house and slammed the door to mama's face. Napaupo si mama sa sahig kasabay ng mahina niyang paghikbi na palagi kong naririnig sa tuwing nag-aaway sila. Kagaya ng nakagawian, tumayo siya at pumunta sa kusina kasabay ng pagtawag niya sa pangalan ko.
"Ady, kakain na. Dalhin mo rito si David."
I breath heavily as I walk towards our kitchen with my little brother. As usual, dalawang piraso ng itlog at dalawang bowl ng noodles na madami ang sabaw at nilagyan ng konting asin para pampalasa.
"Anak, may lista kana ba ng mga requirements requirements mo sa school? Ibigay mo lang sa'kin at bibili ako sa bayan," she smiled sweetly despite her swollen eyes. "Nga pala, grade 11 kana anak, malapit ka nang mag kolehiyo! Sobrang proud ako sa'yo!" she the hug me from the back and kiss the top of my head.
"Salamat mama. Wala pa po akong lista ng mga kailangan ko eh," I lied.
May lista na ako pero ayokong sabihin sa kaniya. I will just use my old notebooks last school year. Pwede pa naman iyong sulatan at makapal pa ang papel. David is now in grade one, ako palagi ang naghahatid sundo sa kaniya dahil palaging may trabaho si mama, kahit anong raket pinapasok niya maitawid lang namin ang araw-araw na pangangailangan namin.
"Magpakabait ka sa school, bunso ah? Gayahin mo sa ate mo na mabait sa school," I smirk. Ginulo ko ang buhok niya.
"Bait naman ako, Ate!" masiglang sagot niya, na para bang hindi siya umiyak kanina dahil sa away ni papa at mama. "Aral ako mabuti, tapos bigay ko kayo mama ng madaming medalya!" ngiti niya.
Ngumiti ako, pinipigilan ang emosyon na namumuo sa puso ko. Bakit kailangang makita at maranasan ng inosenteng batang ito ang kasakiman ng ama namin?
Nang makitang nakapasok na siya sa clasroom niya, ako naman ngayon ang naglakad patungo sa school ko dahil magkalapit lang naman ang school namin. Madami akong nakakasalubong na estudyante nang may biglang umakbay sa'kin.
"Ito naman pala ang maganda kong kaibigan," Paolo smirk.
Mahina akong tumawa at sinapak ang braso niyang nakaakbay sa'kin.
"Nagawa mo na ba yung project na'tin? 'yung infographics sa oral communication?" tanong niya, tumango ako. "Nagpa-print ka? ako nagpaprint ako doon kina aleng lucy," kwento niya.
"Ginuhit ko lang ang akin, Pao."
Inalis niya ang braso niya sa'kin, at ngumuso.
Alam ko na 'yang nguso na 'yan.
YOU ARE READING
To weather the storm
RomanceUnder revision Start: May 17, 2021 End: December 30, 2021