Chapter 7

19 6 8
                                    

"Ma! hindi mo sinasagot ang tanong ko!" I hissed.

Ang cake na pinadala raw ni Cohen, ito kinakain na ng kapatid ko. Nagulat pa ako dahil kilala niya si Cohen. Mama couldn't even hide her mischievous smile, kanina pa siya ngumingiti pero hindi niya naman ako sinasagot.

"Kapag sinagot kita, hindi ka ba magagalit?" she ask, tumango ko. "Namasukan akong kasambahay sa bahay nila, sakto namang naghahanap sila edi sinubukan ko, wala namang ibang kakailanganing mga papeles, dapat lang masipag," she smiled proudly.

Hindi agad ako nakapagsalita. I eventually smiled. Sa wakas, may matatawag na ring trabahong permanente si mama. Hindi kasi permanente ang trabaho niya, kung ano ang meron ay pinapasukan niya para lang magkapera. Naging labandera, kusinera, tindera at iba pa.

I'm proud of her.

Natutuwa na lang din akong pagmasdan ang kapatid ko. Hindi kami palaging may cake kapag may birthday, kaya naman magana siyang kumakain ngayon. 

Sana kung kaya ko na, nandito pa sila.

There are lots of uncertainties in life. Ngayon kasama mo pa sila, baka bukas hindi na. Kaya naman kahit mahirap ang sitwasyon namin, palagi kong tinatanim sa puso't isipan ko lahat ng panahong masaya at magkasama kami.

What's life without struggles anyway?

Nang mag-umaga na, David finally decided to go to school kaya inayos ko ang uniporme niya at ang kaniyang baunan, may natira pang isang piraso ng fried chicken kagabi kaya iyon ang ipinabaon ko sa kaniya. 

"Belated happy birthday, Dabid," Paopao greeted with a small box in his hands.

Gulat akong napatingin sa kaniya. I couldn't even utter a word nang makita ko ang laman ng box.

"Salamat sa madaming tsokolate, Kuya Paopao!" my brother smiled widely at him.

Maiisip na talaga ng batang ito na ito lang ang birthday na madami siyang natanggap at madami siyang handa. Sa tuwing kaarawan niya kasi ay bumibili lang si mama ng sardinas at nilalagyan niya ng itlog, sa panghimagas naman ay bumibili lang siya ng malagkit na kanin at hinahaluan ng asukal na tinunaw sa kawali.

"Salamat, Pao," I finally said afterwards. 

Para siguro sa iba ay hindi namin dapat ikatuwa dahil tsokolate lang iyan, pero ang mga tsokolateng bigay niya ay mga imported, mga mamahalin! tanging barnuts na tig tatlo lima lang ang kaya naming bilhin kaya naman ang makatanggap ng tsokolate galing ibang bansa ay malaking bagay na sa amin.

As usual, hinatid namin ang kapatid ko bago kami pumasok sa mismong school namin. Everyone is weirdly looking at me. I couldn't comprehend their whispers kaya hinayaan ko nalang. I'm sure, it's about the fight we had with Synchia yesterday.

"A-ady, Synchia's parents are here. Gusto ka nilang makausap, they're inside the principal's office," Yameia said, worry is visible on her face, si Haleya naman ay naawang nakatingin sa’kin.

I sigh. Kailan ba matatapos ‘to? Will I be humiliated again? 

“Samahan na kita,” Paolo, who did not even put his bag said.

“Kaya ko,” I assured him.

Wala akong ibang nagawa kung hindi ang pumunta sa principal’s office. Indeed, they are here with Synchia with the same look she has everytime she wants all the people to be on her side.

“ Are you the vice president of the ssg?” 

I look at the man in front of me who looks like in his mid 40’s. Tindig niya pa lang alam mo nang may sinasabi, alam mo nang mayaman. He is wearing a formal suit with a gold necklace on his neck and an expensive watch on his wrist. He has this arrogant look on his face while staring at me from head to foot. 

To weather the storm Where stories live. Discover now