Chapter 6

21 7 15
                                    

It was one of my core memory. Masaya akong dumalo sa kaarawan ni Yameia. I felt at peace that time while having a short conversation with Cohen outside the hall. Masaya rin akong umuwi.

"Kinakabahan ako, bebe," Paolo said while holding his hands together as if he was praying.

Hinampas ko ang balikat niya kaya napanguso siya habang hinihimas himas ang braso niya. The result will be posted any minute now. Lahat ng estudyante nakaabang sa may bulletin board, unang una na roon si Synchia. She has this worried look on her face. Ako? I don't really care about the results.

"Ayan na! naglalakad na si Miss Tine papunta rito," Paopao said.

Mula sa di kalayuan ay nakita ko si Miss Tine na naglalakad, halos kasabay niya lang ding maglakad si Cohen na nakatingin na rin pala sa'kin. Nag-iwas ako ng tingin at napatikhim.

"Alright, make some space for me," Miss Tine instructed.

Umatras ang lahat at naghintay na mailagay sa bulletin board ang resulta. Nang mailagay ay halos dumugin iyon nang mga estudyante, nakakuha tuloy sila ng sermon kay Miss Tine. I did not bother going there to see the result, si Paolo lang.

"Panalo ka," Yameia smiled.

She is just holding my hand tightly, para siyang kinakabahan.

"Hindi ka naman pumunta roon ah?"

"I can feel it," sagot niya.

Nang konti nalang ang estudyante sa harapan hindi ko na maiwasang makita ang resulta. Bigla akong kinabahan, Cohen won and....I won?

"Ano? malabo yata ang mata ko," kinakabahang sambit ko bago lumapit ng tuluyan.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang resulta. WHAT?! nanalo ako?! I am not even that popular to win! hindi ko maintindihan pero masaya ako. I am happy that somehow I am recognize not just an average student, but with the dedication and encouragement that I have.

"Naks, panalo ang bebe ko na 'yan!" Paolo screamed dramatically and hug me.

Napaubo ako sa ginawa niya kaya humiwalay siya sa akin. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya, he did not won.

"Proud ako sa'yo, Paolo," tanging nasabi ko. Ngumiti siya. Nagpaalam siya saglit na may pupuntahan.

On the other hand, Cohen is looking at us a few inches away. Nakangiti siya ng konti sa'kin kaya hilaw akong napangiti. He then mouthed.

"Congrats!"

He walked away after that, putting his hands on his pocket. He looked so chill. As if a presiden'ts responsibility is easy. 'Yun ay kung irresponsable.

I hugged Yameia and Florenelle, they did not win and I am still proud for the both of them. They are still happy though.

"Naks naman bff namin ang vp ng ssg organization," Florenelle laugh.

"So that means you'll let us mag cutting class?" Yameia chuckled.

"Mga siraulo," tumawa ako.

Habang masaya kaming nagtatawanan at pinag-uusapan kung ano ang mga balak ko sa susunod na buwan, biglang may humablot sa braso ko kaya hindi agad ako nakapag-react. Gulat akong napatingin kay Synchia na ngayon ay basang basa ang mukha sa luha niya. She look so angry, disappointed, scared and defeated.

"Wow? ito talaga ang ibinoto niyo?" sabay turo niya sa'kin. "You all know that she did not deserve to win!" naiinis na aniya.

Some students saw her and began whispering. Mayroong natatawang nakatingin kay Synchia mayroon namang nakatingin ng masama sa'kin. Talagang nahahati talaga kung sino ang may ayaw sa'kin at kung sino ang may gusto.

To weather the storm Where stories live. Discover now