Dalawang araw nang hindi umuuwi si papa, kaya dalawang araw ding maginhawa ang buhay namin. Maaga akong nagising para mag-saing at magluto ng ulam.
"Oh anak? ang aga mo palang gumising, ako na sana ang magluluto," lumapit si mama sa'kin at hinalikan ako sa pisnge.
Napangiti ako at pumunta sa maliit naming lababo at kumuha ng tubig sa balde gamit ang luma naming tabo para hugasan ang mga pinggan na hindi nahugasan kagabi.
"Oo nga pala, nakita ko yung lista ng requirements sa palda mo 'nung nilabhan ko noon nakaraan. Nabili ko na kanina, anak, nasa sala."
Gulat akong napalingon sa kaniya at napahinto saglit sa paghuhugas ng pinggan.
Ugh! bakit ba hindi ko iyon tinapon?
"Mama naman, salamat, pero hindi mo na dapat sana binili kasi meron pa naman akong mga gamit last year na pwede ko pang magamit ngayon," mahinahong saad ko at pinagpatuloy ang paghuhugas ng pinggan.
"Hangga't kaya kong maibigay lahat ng kailangan mo, Ady, ibibigay ko ang mga 'yan sa iyon, huwag kang mag tipid lalo na sa mga bagay na magagamit mo naman sa pag-aaral mo," sagot niya habang naghihiwa ng mga gulay na sa tingin ko'y pinamili niya sa palengke.
I sighed and remained silent. Nagagalit siya kapag sa mga ganiyang bagay sumasagot ako. Ayaw niya na hindi ako magsabi ng mga kailangan ko. Kahit nga ang kapatid ko ay palaging may bagong polo, pantalon, bag, sapatos at gamit sa skwelahan kada simula ng klase.
She loves to provide things kahit hindi naman iyon talagang importante kasi may magagamit pa naman.
Pero kapag nagbalak siyang bumili ng uniporme sa'kin ay agad ko iyong tinatanggihan dahil maayos at masusuot pa naman ang uniporme ko kahit kupas na. Ang uniporme ko nga ngayong senior high na ako ay bigay lang ng ate ni Paolo sa'kin kaya kahit paano ay nabawasan ang gastosin namin.
"Ady!"
Saglit akong napahinto sa paglalakad, kakatapos ko lang ihatid ang kapatid ko sa classroom niya. Nilingon ko ang taong tumatawag sa'kin. He is smiling widely while holding a bunch of candies on his hands. Tumakbo siya palapit sa'kin at excited na pinakita sa'kin ang hawak niya.
"Masisira ngipin mo niyan, Pao."
Ngumiwi siya sa sinabi ko at tumikhim.
"Diba ngayon na ang campaign? mamimigay ako ng candy bawat classroom," ngumisi siya na para bang proud na proud siya sa ideya niyang iyon.
Sabay kaming naglakad patungo sa school namin, habang siya naman ay pinaplano na kung ilang candies ang ibibigay niya per student. Natigilan ako at tinanong siya.
"Bakit ka nga pala doon bumili ng candy malapit sa school nila David? eh mas malapit naman 'yung kina aleng Sita."
He pursed his lips, scratching the back of his head and sigh lightly.
"W-wala lang, mas masarap ang candy doon--mas madaming pagpipilian," he looked away.
"ah," tanging tugon ko. Kahit alam ko naman na parehas lang ang candy na binebenta doon at dito sa school nila David.
Nang makarating kami sa classroom. Nagkakagulo ang mga kaklase namin dahil may pinamigay na mga gamit ang other parties each classroom. Nakatanggap ng mga relo ang mga kaklase naming lalake habang make up kits naman sa mga babae.
Seriously?
"Uy Ady, di ka nalang daw bibigyan ni Synchia kasi magkalaban naman daw kayo," sabi ng isa kong kaklase habang nilalapag ko ang bag ko sa upuan.
"Di ko naman kailangan," sagot ko at umupo.
Nakita ko naman si Paopao na tumataas baba ang kilay at biglang sumigaw ng...
YOU ARE READING
To weather the storm
RomanceUnder revision Start: May 17, 2021 End: December 30, 2021