Today is teacher's day. Umaga pa lang ay ipinatawag na kami ni Cohen para sa gagawin namin ngayon araw. We will be decorating the stage at gagawa ng games for teachers. Hindi ko na pinakealaman ang part na 'yan since magdedecorate kami at naka-assign kami sa technical production team.
"Kindly hand me the pack of balloons, Ady?" Cohen requested, agad ko namang inabot iyon. "Thanks."
Nakakapanibagong tignan siya ngayon na naka sleeveless lang. Kitang kita ko tuloy ang mga braso niya, ang puti niya pala. Sabagay, maninit naman rito at mga officers lang ang nandito kaya ayos lang siguro?
Sa kabilang banda naman ay nagsusulat ng script ang mga emcee para sa program na sisimulan mamayang 1PM.
Habang busy ako sa pagdidikit ng mga printed texts na gagawin naming paper tarp, may narinig kaming sumisipol sa likuran ko, agad naman akong lumingon at nakita ang grupo ni Jerson, magcu-cutting class na naman.
"Ngayon lang kita napansin, Ady, ang ganda mo pa, maputi pa," he smiled, looking at me from head to foot.
Hindi ko maitago ang inis ko, pero para hindi na niya ako kulitin ay pinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko at hindi na lang siya pinansin. Malayo sa'kin ang ibang officers kaya hindi nila ako masiyadong napansin.
"Naks, dedma," tumawa siya pati ang mga kasama niya. "Mga ganiyang babae talaga ang tipo ko, nakakagigil."
Hindi ko siya ulit pinansin dahil kapag pinansin ko siya mas lalo siyang mang-aasar. Pinagpatuloy ko na lang ang pagdidikit ng mga papel ngunit natigil din ng maramdaman ko siyang nakatayo sa likuran ko.
"Ano ba, Jerson? wala ka na bang ibang maasar at ako naman ngayon ang pinunterya mo?" naiiritang tanong ko at tuluyang tumayo.
Tumawa siya at lumingon sa mga kasama niya. Di hamak na mas matangkad siya sa'kin kaya medyo nakatingala ako sa kaniya. He has these bruise and scars on his face, moreno rin siya at medyo malaki ang pangagatawan halatang takaw gulo.
"Hindi ba puwedeng sabihin ko na nakuha mo ang atensyon ko?" he asked.
Agad naman silang nagtawanan ng mga kasama niya at nag apir. Akala ba nila nakakatuwa at nakakaaya silang tignan?
"Alam mo, Jerson? bagay sa'yo ang mag-aral ng mabuti hindi ganito na palagi ka na lang nanggugulo," nauubusan ng pasensya wika ko.
"Gusto ko ngang guluhin ang buhay mo," he smirked and took a step forward. "Sa ganda mong 'yan, baka kahit mundo ko ang guluhin mo ay hindi ako magrereklamo."
Hinawakan niya ang baba niya at ngumisi, nagtawanan ulit sila ng mga kasama niya. Ako naman ay hindi alam ang sasabihin nang makita ang ginawa niya.
"Umalis na nga kayo, may ginagawa kami," kalmadong sagot ko.
Itinuro ko ang entrance ng covered court, laking gulat ko naman ng hawakan niya ang kamay ko ng mahigpit at inilapat sa dibdib niya.
"Bitaw!" sigaw ko.
Pilit kong hinihila mula sa kaniya ang kamay ko pero mas malakas yata talaga siya at hindi ko man lang ito nabawi.
"Ang lambot ng kamay mo, wala ka sigurong trabaho sa inyo noh? naks prinsesa," humalakhak siya.
Gamit ang isang kamay, hinampas ko ang braso niya para mabitawan niya ako, that made him smirk more. Dahil sa paghampas ko na iyon ay nahawakan niya rin ang kabilang kamay ko kaya dalawang kamay ko na ang hawak niya.
"Bitaw sabi!" sigaw ko.
Idinikit niya ang katawan niya sa'kin kaya napaatras ako at pilit na binabawi ang mga kamay ko mula sa mahigpit na hawak niya. Nararamdaman ko na rin ang sakit sa mga kamay ko kaya hindi ko na ito iginalaw at tinignan siya ng masama. Ano bang problema ng lalaking 'to?!
YOU ARE READING
To weather the storm
Storie d'amoreUnder revision Start: May 17, 2021 End: December 30, 2021