Chapter 8

28 7 6
                                    

"Okay class, I'm gonna be assigning you today a group task!"

Our teacher announced, teacher namin sa oral communication.

"You will be reporting about the different kinds of communication and also the different kinds of communication barrier that we may face," she instructed. "You will be reporting tomorrow. Please prepare a powerpoint presentation."

Our teacher gave us the topic and started to group us by pair. Luckily, I have Yameia as my groupmate.

"Sa bahay niyo nalang tayo," sabi ko agad para hindi na niya tangkain pang sabihin na sa amin niya gawin ang group task na ito. "Tsaka may laptop ka, ako nga kahit cellphone wala."

Paolo is paired with Haleya, napag-usapan nilang dalawa na sa bahay nila Paolo sila gagawa. Gusto pa ni Paolo na magpalit sila ni Yameia, Yameia only stuck her tongue out and laugh at him, si Haleya naman ay nakikisabay lang din sa pagtawa namin.

Nakatambay kami ngayon sa likurang bahagi ng covered court. Kahit mainit ang panahon ay malamig naman ang hangin dito. Ipinikit ko saglit ang mga mata ko habang pinapakinggan ang kwento ni Florenelle tungkol kay Synchia.

"Alam niyo ba? nanalo ang team ko kanina sa volleyball laban sa grupo nila, at ang ate niyo nagalit na naman!" naiinis na aniya. "Kailan ba papasok sa utak 'non na hindi sa lahat ng panahon eh mananalo siya, na dapat siya palagi ang nasa taas."

Wala akong ibang ginawa kung hindi ang bumuntonghininga. Wala na talagang ginawang tama 'yang si Synchia. Gusto niyang manalo palagi, gustong nasa taas, kapag may mas nakakaangat sa kaniya, hinihila niya pababa. Tsk, crab mentality.

"Talunin mo lang 'yan lagi, tamo uusok ilong niyan sa galit," humalakhak si Paolo.

"Tatalunin talaga, hindi niya naman deserve manalo eh kasi palagi niyang pinapagalitan team niya kapag nagkamali eh kapag siya ang nagkamali dedma," patuloy ni Florenelle habang kinakain ang dala niyang ginisang mani na may sili at asin. "Pet peeve ko talaga mga ganiyan."

Inalok sa'kin ni Florenelle ang kinakain niya, umiling naman ako at nagpasalamat. Hindi ako mahilig sa maanghang.

"Ikaw Paolo, ano pet peeve mo?" tanong ni Florenelle habang kinukuha ang baunan niya ng tubig at uminon.

"Ang hirap pumili eh," tumigil siya at tumingala na animo'y nag-iisip." Ah minsan mahilig ako sa aso, pero mas mahilig ako sa pusa," he replied.

Naibuga ni Florenelle ang iniinom niyang tubig at umubo bago tumawa ng malakas, napaupo pa talaga siya sa damuhan at nakahawak sa tiyan niya. Hindi ko na rin mapigilang matawa nang makita ang mukha ni Paolo. Nakakunot lang ang noo niya at nakanguso. Ipinikit ko ulit ang mga mata ko at pinakinggan ang tawanan nila.

I noticed Yameia's silence. Alam kong may alam siya kung bakit ganiyan ang behavior ni Synchia, they're close families anyways.

"Teka tama na muna 'yang pet peeve. Nakita ko nga siya kagabi sa sitio namin, ewan ko kung anong ginagawa roon eh," Florenelle whispered.

That caught my attention. Idinilat ko ang mga mata ko at diretsong tumingin kay Florenelle. Yameia's eyes grew bigger, para bang pinapahiwatig niya kay Florenelle na manahimik, but Florenelle's mouth would not stop talking.

"Nakita ko siya, kasama niya 'yung Jerson."

Yameia close her eyes tightly, para siyang may tinatago. She then sigh heavily.

To weather the storm Where stories live. Discover now