Halos sumakit ang mata ko dahil sa nakikita ko, makita mo ba naman na sweet na sweet ang crush mo at ang babaeng umaaligid sakanya, kung di ba naman sumakit mata mo ewan ko nalang talaga. Kaya naman agad ko ng iniwas ang mga mata ko sa kanilang dalawa. Ngunit nasa dibdib ko parin 'yung kirot, yung pakiramdam na gusto kong sumigaw at sabihing 'Blaize! layuan mo si Hedrix, dahil sa'kin s'ya!' ang kaso, may nakaharang na 'May label ba kayo? girlfriend ka ba n'ya?'.
Nakayuko akong naglakad sa gitna ng tirik na araw, ngunit napaangat ako ng aking ulo ng marinig ang sigaw ng isang estudyante tungkol sa magandang ibon. Nakita ko ang ibon na kulay puti na may pakpak na kulay berde na tila papalapit sa direksyon ko kaya napatigil ako sa paglakad. At habang papalapit sa'kin ang ibon ay napansin ko rin ang tila papel na nasa kanyang tuka.
Hindi ko batid ngunit parang kusa nalang tumaas ang kanang kamay ko ng nasa tapat ko na ibon at kinuha ko ang papel na nasa tuka n'ya.
Pagkatapos ay kaagad din lumipad papalayo ang napakagandang ibon. Ang mga estudyante naman ay nagtatakang nakatingin sa'kin.
Napatingin naman ako sa papel na hawak ko. Kaya agad ko 'yung binuksan at tignan ang nilalaman nito. Ngunit hindi ko maintindihan ang nakasulat. Hindi naman 'yun baybayin pero kakaiba 'yung paraan ng pagkakasulat. Kaya napailing na lamang ako at mas binilisan ko nalang ang lakad ko dahil sa tindi ng sikat ng araw.
——
“Ano? nahanap mo na ba?” pangungulit kong tanong kay Devyne matapos kong ipa-search sakanya kung anong klaseng lengwahe ba 'yung nakasulat sa papel.
“Sandali lang.” saad n'ya habang tutok na tutok sa screen ng laptop n'ya habang nakapatong ito sa arm-desk n'ya.“Gottcha!!” may excitement sa tono ng boses ni Devyne.
“A-Ano?” intresadong tanong ko.
“Enchant.“ sagot n'ya habang kinukompara ang nakasulat sa papel at ang lumabas sa sini-search n'ya.
“Anong ibig mong sabihin?” labis na pagtataka ko saka nakisilip sa binabasa n'ya.
“Enchant, 'yun yung salitang ginagamit ng nga diwata o mga myths.” paliwanag ni Devyne.
“May translation ba d'yan? para alam natin kung anong ibig sabihin nito.” saad ko sabay turo sa papel.
“Eh bakit naman kasi kinuha mo pa 'yung sulat na 'to? 'yan tuloy pati ginagawa ko naaabala na.”
“Galit kana n'yan? ito naman, naabala ka lang ng kunti eh. Isa pa, nagtataka din ako bakit ko kinuha 'yan. Kaya sige na, i-translate mo na ng magkaalaman tayo.”
“Nahanap ko na.” saad ni Devyne.
“Oh? anong ibig sabihin?” intresadong tanong ko.
“'Mahal kong anak, sigurado akong nasa wastong gulang kana ngayon. Sobrang nananabik na akong mayakap ka.' 'yan ang translation. Teka, para kanino kaya talaga 'tong sulat na 'to? for sure hindi 'to sayo. Dahil hindi ka naman ampon ng mga magulang mo.” saad ni Devyne matapos. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, tila may tumusok sa dibdib ko matapos n'ya bigkasin ang ibig sabihin ng nakasulat sa papel.
At ang labis kong pinagtatakahan, hindi rin 'yun ang unang beses na may ibon na lumapit sakin na may papel sa kanyang tuka. Ngunit kanina ang unang beses na kinuha ko ang papel sa tuka ng ibon. Bata pa lamang ako ay napapansin ko narin ang kakaibang nangyayari sa'kin, mga pangyayaring sobrang hirap ipaliwanag. Isa na doon ay mahawakan ko ang patay ng halaman ng lola ko, at ilang saglit lang ay may umusbong ng dahon mula sa patay na katawan nito. Inilihim ko 'yun kay lola dahil baka hindi rin s'ya maniwala sa'kin.
“Natahimik kana yata Maureen, ayos ka lang?” may pagtatakang tanong sa'kin ni Devyne.
“Huh?”
“Ang sabi ko natahimik kana. Ayos ka lang ba? bigla kana lang natulala eh.” pag-uulit n'ya.
“O-Oo, ayos lang ako. May sumagi lang bigla sa isip ko.” saad ko.
“Ano?”
“Wag na, baka hindi karin maniwala.”
“Kailan ba ako hindi naniwala sayo?”
BINABASA MO ANG
THE LONG LOST FAIRY (RAINBOW SERIES #4)
Fantasy[Rainbow Series #4: Color Green] Paano kung isang araw, bigla mo na lamang matuklusan na isa ka palang diwata mula sa isang kaharian. Ganyan ang nangyari sa isang senior high school student na si Maureen Hera Valera.