CHAPTER 13

167 12 4
                                    

Few days has been passed, nakabalik na nga sa school si Blaize. Medyo pipilay-pilya parin siya pero siguro pinilit lang niyang pumasok dahil periodical exam na namin by next week at kailangan niyang maka-habol sa mga discussions. We're not classmates, pero halos magkatabi lang ang room namin. May pagitan  lang na isang classroom.

Pasado alas-siyente na ng umaga pero wala parin si Devyne, na-traffic siguro. Kaya naisipan ko munang magpunta sa ladies room kung saan ay nagkita nga kami doon ni Blaize.

“Magaling kana pala.” nakangiting bati ko.

“Oo naman, magaling kasi 'yung doctor ko.” tila pagmamayabang niya pa habang nakaharap siya sa malaking salamin sa tapat ng wash-area.

“Doctor? I heard na sa isang albularyo ka daw pinagamot.” sarcastic na saad ko agad naman akong nilingon ni Blaize.

“What do you think of me? cheap katulad mo?” inis na tanong ni Blaize.

“Alam mo sana hindi kana lang gumaling eh, kasi ang gaspang parin ng ugali mo. No wonder kung bakit ka nagkaganyan, kasi ikaw 'yung naglagay ng bato sa tatakbuhan ko kaya muntik na akong mapilayan dahil sa kagagawan mo. Sabihin na nating, karma mo 'yan.” sarcastic na pagkakasabi ko.

”What did you just say?!” singhal ni Blaize sakin.

“Hindi ka naman siguro bingi para hindi mo 'ko marinig diba?” sarcastic kong pagkakasabi.

Dahil sa pagkapikon sakin ni Blaize ay mabilis niya akong napagbuhatan ng kamay. Ramdam ko ang init ng pisngi ko dahil sa pagkakasampal niya.

Nanggigil ako kaya akmang pagbubuhatan ko na rin sana siya ng kamay ng bigla nalang humampas ang katawan niya sa tiles na pader ng ladies room at tumama ang ulo niya.

HEDRIX POV:

“Bakit humahangos ka?” nagtatakang tanong ko kay Queenie.

“Si Blaize at Maureen nag-aaway sa ladies room, narinig ko rin na pinagbabantaan ni Maureen si Blaize!” hinihingal pang saad ni Queenie.

“What?!“ pagkabigla ko at nagmamadaling tinungo ang ladies room.

Nadatnan ko si Blaize na nakahandusay sa sahig at dumudugo ang noo nito. Habang si Maureen naman ay nakatitig lamang sa nakahandusay na si Blaize at nanginginig ang mga kamay nito.

Agad kong tinungo ang nakahundasay na si Blaize saka ko hinawi ang buhok na nakaharang sa kanyang mukha.

“What did you do?!” pasigaw kong tanong kay Maureen.

“W-Wala akong ginawa.” nauutal at naiiyak na sagot ni Maureen.

Hindi ko na inintindi kung ano pa ang idadalihan niya at agad ko ng binuhat si Blaize palabas ng ladies room, agad ko siyang sinakay sa kotse ko at dinala sa pinakamalapit na hospital.

Pagdating sa hospital, agad naman inasikaso ng mga nurse at doktor si Blaize.

Hindi parin ako makapaniwala na magagawa 'yun ni Maureen, dahil iba ang pagkakakilala ko sakanya. Pero nagkamali ako. Dahil totoo pala ang laging sinasabi sa'kin ni Blaize noon, na palagi siyang sinasaktan at pinagbabantaan ni Maureen. Pagbabayaran niya ang ginawa niya kay Blaize.

MAUREEN POV:

Naiiyak akong lumabas ng ladies room. Sobrang nabigla parin ako sa nangyari, wala naman talaga akong kasalanan eh. Hindi ako ang nananakit kay Blaize.

“Anong nangyari sa'yo? bakit ka umiiyak?” may pag aalalang tanong sakin ni Ryker.

“A-Alam mo ba kung saan hospital dinala ni Hedrix si Blaize? pwede mo ba akong samahan doon?” naiiyak kong tanong ko.

“Oo, pero may klase ka pa diba?” saad niya.

“Pero kailangan ko makapagpaliwanag kay Hedrix, wala akong kinalaman sa nangyari kay Blaize. Hindi ako ang nanakit sakanya.” paliwanag ko.

“S-Sige, sasamahan kita.” pagpayag ni Ryker.

Agad nga kami nagtungo sa hospital kung saan dinala si Blaize, wala naman ibang malapit na hospital dito sa school kaya sigurado kaming doon siya dinala ni Hedrix.

Pagdating sa hospital, agad namin tinanong sa nurse information desk kung saan dinala ang pasiyenteng si Blaize Grace Moroso, at agad naman itong itinuro samin.

Pagdating sa ward, una kong nakita si Hedrix na halos hindi mapakali habang palakad-lakad sa tapat ng emergency room. Kaya agad ko siyang nilapitan.

“Anong ginagawa niyo dito? at bakit sinama mo pa ang babaeng 'to?” bakas ang matinding galit sa mga mata ni Hedrix habang binibigkas niya ang mga katagang 'yun.

“H-Hedrix, let me explain ple---”

“Hindi ko kailangan ang paliwanag mo Maureen, malinaw na sakin ang lahat. Nagkamali ako ng pagkakakilala sa'yo, inakala ko pa naman na mabait ka at hindi mo kayang manakit. Pero ano 'tong ginawa mo kay Blaize? dahil sa'yo critical ang condition niya ngayon. Dahil 'yun sa kagagawan mo. Kaya sisiguraduhin kong magbabayad ka sa batas.” mariing pagkakasabi ni Hedrix agad naman pumagitna si Ryker upang ipagtanggol ako kay Hedrix.

“Mali naman yatang huhusgahan mo nalang bigla si Maureen na hindi mo pa naman nalalaman ang totoo.” seryosong pagkakasabi ni Ryker.

“At anong katototohanan pa ba ang dapat kung malaman kung malinaw na sakin ang lahat? criminal ang babaeng 'yan Ryker.” mariing pagkakasabi ni Hedrix sabay duro sakin.

“Umalis na tayo.” malumanay na sabat ko ng hawakan ko si Ryker sa braso niya.

“Yan tama 'yan, umalis na kayo. Lalo kana Maureen, dahil hinding hindi ko mapapatawad ang ginawa mo kay Blaize.” banta sakin ni Hedrix.

“Hindi ko rin naman hahayaan na pagbayaran ni Maureen ang kasalanang hindi naman niya ginawa. Ikaw dapat ang mas higit na nakakakilala kay Blaize, pero ikaw pa 'tong bulag sa katototohanan.” huling salitang binitawan ni Ryker kay Hedrix bago kami umalis. Ngunit tuloy sa pag agos ang luha ko habang naglalakad kaming dalawa. Hanggang sa makalabas na kaming dalawa ng hospital.

“Wala akong kasalanan.” naiiyak na saad ko.

“Alam ko at mas higit akong naniniwala sa'yo.” malumanay na saad ni Ryker saka niya 'ko niyakap.




THE LONG LOST FAIRY (RAINBOW SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon