CHAPTER 9

172 13 0
                                    

Nagsimula na nga ang activities namin at isa na doon ang relay games, ewan ko ba bakit may pa ganon pa. And as leader ng pangkat uno ako ang unang sumalang sa relay games. Kalaban ko ang iba pang leader sa magkakaibang pangkat.

“Ang unang relay games na ating gagawin, ay ang obstacle relay. Is there anyone na alam kung paano laruin ang relay games na nabanggit ko?” seryosong tanong ni Ryker ngunit sa'kin nakantingin. Hala, wala akong alam d'yan.

“Yes, Ms. Mercado?” tanong ni Ryker kay Devyne matapos nitong magtaas ng kamay.

“Obstacle Relay Players run the course from the head of the team to the turning point and back to the head of the team. They follow the course as to whatever you have set-up. The use of hoops, skipping ropes, Indian clubs, mats, low vaulting boxes, basketball hoops, or what-have-you offer an almost endless selection of obstacles.” confident na sagot ni Devyne. Ok, nice one.

“Very good.” nakangiting saad ni Ryker. Nasulyapan ko naman si Hedrix na katabi si Blaize at pasimple 'tong kumaway sa'kin at tinanguan ko lamang 'to.“Mga leaders ng bawat pangkat, puwesto na linyang 'to.” saad ni Ryker.

“Good luck Maureen! kaya mo 'yan!!” pag-cheer sa'kin ni Devyne at nginisihan ko lamang siya.

Puwesto na nga ako sa sinasabing linya ni Ryker, habang nasa likod ko ang mga ka-grupo ko. Paglingon ko sa likod, si Blaize ang nakita ko at nasa likod n'ya si Devyne kaya kumunot ang noo ko.

“Bakit? may problema ba?“ seryosong tanong sa'kin ni Blaize ngunit hindi na ako kumibo.

“Ok..ready..get..set..go!” ani Ryker at nagsimula kaming tumakbo.

Ngunit hindi pa ako nangangalahati ay may napatid akong bata na tila sinadya na ilagay sa gitna kung saan ang direksyon ko na naging dahilan upang mawalan ako ng balanse at mapasubsub sa lupa.

“Maureen, are you ok?!” magkasabay na rinig kong sigaw nila Hedrix at Ryker na may pag-aalala. Pag angat ko ng ulo ko nakita ko silang dalawa na nakalahad ang kamay sa'kin kaya napatitig na lamang ako sa kanila habang hindi ko alam kung kaninong kamay ang aabutin ko upang alalayan ako tumayo.

Pero nagulat na lamang ako ng bigla akong akayin ni Ryker at alalayan na makatayo. Napatingin ako kay Hedrix na halos hindi makatingin ng diretso samin ni Ryker. Inakay ako ni Ryker patungo sa tent kung saan doon ang Head Quarters ng mga teachers at SSG Officers na kasama sa camping.

Pinaupo niya ako sa isang upuan habang siya ay nakaluhod ang isang tuhod sa paanan ko at nakatingala sa'kin.

“Saan ang masakit?” may pag aalalang tanong ni Ryker habang nakatingin sa mga mata ko.

“D-Dito.” nauutal na saad ko habang itinuturo kung saan banda ang masakit sa paa ko. Mapipilayan pa yata ako.

“Hindi ka kasi nag-iingat.” sermon niya.

“H-Hindi ko naman alam na may bato pala doon sa tatakbuhan ko eh.” saad ko.

“B-Bato? pero nilinis ng mabuti ang tatakbuhan niyo bago ang relay games.” saad ni Ryker. At hindi na ako kumibo pa.“Wag ka mag alala, papaimbestigahan ko sa ibang SSG Officers ang nangyari.” dagdag niya pa.

“H-Hindi na kailangan.” mahinahong saad ko.

“Pwede ba wag ka ng komontra.” seryosong saad niya.“Dito ba banda 'yung may masakit sa'yo?” tanong niya habang hawak ang binti ko. Agad naman akong tumango. Pagkatapos ay dahan-dahan niya 'yun pinisil.

“Aaah!” aring-ing ko dahil sobrang sakit talaga.

“Relax.” saad niya habang nakatitig sa'kin. At pakiramdam ko ay para akong malulusaw.

“Wala naman siguro akong pilay, baka pwede na akong makabalik sa relay games. H-Hindi ko pwedeng pabayaan mga ka-grupo ko.” mahinahong saad ko.

“Anong wala? eh halos hindi mo na nga maihakbang 'yung paa mo.” sermon niya.“Ako nalang bahalang pumalit sa'yo habang hindi ka pa makakalad. Hindi mo pwedeng pwersahin ang sarili mo dahil baka lalo lang lumala ang pilay mo.” seryosong pagkakasabi niya.

“Maureen! my god ok ka lang?!” humahangos na tanong ng kararating lang na si Devyne na kasama si Hedrix. Agad naman akong nilapitan ni Hedrix.

“Saan banda ang masakit sa'yo?” may pag aalalang tanong niya sa'kin. Totoo ba 'to? nag aalala sa'kin ang crush ko.

“Maureen bakit ka namumula?” nakangising biro ni Devyne sa'kin. Agad ko naman hinawakan ang magkabilang pisngi ko gamit ang mga palad ko.

“H-Hindi ah.” pagsisinungaling ko pa habang iniiwas ang tingin kay Hedrix.

BLAIZE POV:

“At ang nag-wagi sa ating obstacle relay games...walang iba kundi ang pangakat tatlo!” masayang announce ng SSG Vice President.

“Yan nakita mo na 'yung resulta ng ginawa mo? natalo tayo.” inis na sambit ni Queenie.

“Ok lang, atleast nakaganti ako sakanya at kulang pa nga 'yon.” sarcastic na pagkakasabi ko.“Akala niya siguro hindi ko napapansin 'yung pasimpleng panghaharot niya kay Hedrix, pwes! nagkakamali siya!” dagdag ko pa.

“Paano kung may makaalam tungkol sa ginawa mo? paano kung pati si Hedrix malaman niya na ikaw ang naglagay ng bato doon sa tatakbuhan ni Maureen bago ang games. At kakutsaba mo pa talaga 'yung SSG Vice President.” pangamba ni Queenie.

“Bakit ba natatakot ka? para naman hindi ka expert sa pag gawa ng kwento at pagsisinungaling.” sarcastic na saad ko.

“Sige nga, ngayon mo sa'kin sabihin na nakaganti ka nga kay Maureen. Tignan mo si Hedrix kung saan siya papunta kasama si Devyne, sa tent kung saan dinala ni Ryker si Maureen.” tila pang iinis sa'kin ni Queenie.“Girl, kahit anong gawin mo hindi mo makukuha si Hedrix kung una palang ay si Maureen na ang gusto niya.” dagdag pa ni Queenie.

“Pag hindi ka pa nanahimik, baka pati ikaw madamay sa inis ko.” pagbabanta ko kay Queenie.

Mag wo-walk out sana ako ng bigla nalang kumirot ang binti ko at hindi ko 'to maihakbang.

“OMGGGG Blaize 'yung paa mo.” gulat na saad ni Queenie habang nakatingin sa paa ko.

Agad naman ako yumuko at tinignan ang paa ko. Maging ako ay nagulat sa nakita ko, ang maputi at maganda kong binti ngayon ay tila namamagang kamatis na at medyo kulay violet na. Dahil sa pagkabigla at takot ay napa-sigaw na lamang ako.

THE LONG LOST FAIRY (RAINBOW SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon