“Kung meron dapat hindi sumama, ikaw 'yun Ryker.” banat naman ni Hedrix.
“Bahala nga kayo d'yan. Para walang away at gulo, ako nalang. Ako nalang ang maghahanap sa kaibigan ko. D'yan na nga kayo.” sabat ko at saka nagmamadaling umalis.
“Sandali lang!“ rinig kong sigaw nilang dalawa. Sandali ko silang nilingon at nagmamadali silang sundan ako.
Hay naku naman kasi Maureen, baka naman kasi ngayon mo pa naisipan gumala.
Hindi pa man kami nakakalayo sa camping site ay napansin na naming tatlo ang tila katawan ng babae na nakahiga sa gitna ng talulot ng mga makukulay na bulaklak at wala itong malay.
“Si Maureen ba 'yun?” pagtataka ni Hedrix ng mapatigil kami sa paglalakad at mapatingin sa nakahigang babae. Hindi na kami ng intay ng sagot ng isa samin at agad na namin tinungo ang kinaroroonan ng babae at hindi kami nagkamali, si Maureen nga iyon.
“Maureen. Maureen gising.” saad ko habang tinatapik ang pisngi ni Maureen ngunit hindi parin s'ya nagkakamalay. Agad na hinawakan ni Hedrix ang pulso ni Maureen.
“May pulso pa naman s'ya.” ani Hedrix.
“Tumabi ka d'yan.“ seryosong pagkakasabi ni Ryker saka n'ya tinabig si Hedrix. Pagkatapos ay saka n'ya binuhat si Maureen. Parehas kaming hindi nakakibo ni Hedrix at tinignan lamang si Ryker na buhat-buhat si Ryker.
Pagkatapos ay agad na kaming bumaling sa camping site kung saan may mangilan-ngilan naring gising.
“Saan kayo nanggaling? at anong nangyari kay Maureen?” may pag-aalalang tanong ng aming guro.
“Nawawala po kasi si Maureen kanina, hinanap namin s'ya then ayon, nakita namin s'yang nakahiga sa mga petals ng bulaklak.” sagot ko.
Dahan dahan naman inihiga ni Ryker si Maureen sa folding bed na inilabas ng aming guro. Ngunit hindi parin nagkakamalay si Maureen.
“B-Bakit hindi parin s'ya nagigising?” may pagtataka at pag aalalang tanong ni Hedrix.
“Halikan mo kaya, parang sa sleeping beauty.” mahinang nakangising saad ko.
“Huh?”
“W-Wala, sabi ko baka masyadong mahimbing ang tulog n'ya.” palusot ko.
Lumipas pa ang ilang saglit ay unti unti ng idinilat ni Maureen ang mga mata n'ya. Inilibot n'ya ang paningin n'ya habang isa-isa kaming tinitignan.
“Mabuti naman at nagising kana, alam mo bang pinag-alala mo ako...K-Kami, pinag-alala mo kami.” saad ni Hedrix ng kaagad s'yang umupo sa gilid ng folding bed.
“Maureen ayos ka lang ba?” tanong ko, dahan-dahan naman s'yang bumangon mula pagkakahiga sa folding bed at hawak-hawak pa ang ulo n'ya habang mariing nakapikit na animoy pilit na inaalala ang napanaginipan n'ya.
“Uminom ka muna ng tubig.” mahinahong saad ni Ryker ng iabot n'ya kay Maureen ang bottle water.
“S-Salamat.” saad ni Maureen ng kunin n'ya ang inaabot na tubig ni Ryker.
“Ano bang ginagawa mo doon sa gitna ng kagubatan? at doon mo pa talaga naisipan matulog. Paano kung may nangyaring masama sa'yo? sa tingin mo ba kakayanin 'yun ng konsensya ko?” panenermon ni Ryker kay Maureen kaya lahat kami ay napatingin sakanya.“S-Siyempre, ako 'yung SSG President. Kaya kahit sino sainyo, kapag may hindi magandang nangyari. Konsensya ko 'yun. Hindi na kayo bata, wag naman kayong pasaway.” dagdag n'ya pa. Pero napailing na lang ako, confirm may lihim na gusto nga s'ya kay Maureen. At marahil na siya rin 'yung madalas mag-iwan ng love letter at chocolate sa locker ni Maureen noon. Bakit kasi hindi pa s'ya umamin kay Maureen. Baka mamaya, maunahan pa s'ya ni Hedrix.
“Pasensya na kung pinag-alala ko kayong lahat, pero hindi ko talaga alam kung anong nangyari. Ang naalala ko lang, bandang alas-onse ng gabi, lumabas ako ng tent namin ni Devyne upang magpahangin sana. Tapos may nakita akong ibon..”
“I-Ibon?” saad ng guro namin, at tumango naman si Maureen.
“Sinundan ko 'yung ibon, haggang sa hindi ko namamalayan napapalayo na pala ako sa camping site. Pagkatapos non, wala na akong maalala sa mga sumunod na nangyari.” pagpapatuloy ni Maureen.
“Hindi na sana maulit 'to, ikaw pa man din ang leader ng pangkat uno. Pero ganyan ka, dapat maging responsableng leader ka.” muling sermon ni Ryker kay Maureen.
“Pwede bang wag mo ng sermonan si Maureen? oo may pagkakamali s'yang ginawa pero hindi rin naman n'ya 'yun sinasadya.” pagtatanggol ni Hedrix kay Maureen.
Ay I smell something's fishy ah.
“Pasensya na ulit. Pangako, hindi na mauulit.” paghingi ni Maureen ng paumanhin.
MAUREEN POV:
Hindi ko nalang sinabi sa kanila ang nakita kong babae kanina na nagpakilala bilang ina ko, dahil baka tawanan lang nila at hindi sila maniwala sa'kin. May mga pangyayari din na sumagi sa isip ko at hanggang ngayon ay gulong-gulo parin ang utak ko kung anong ibig sabihin ng lahat 'yun.
Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang mga nangyari kagabi, o iisipin ko nalang na nanaginip lang ako. Pero yung lalaking nag ngangalang Edwin, pamilyar ang kanyang mukha sa'kin, dahil ilang beses na akong bumibili sakanya noon ng tinda n'yang taho. At noong bata pa ako, s'ya rin ang nagtatanggol sa'kin sa mga nang-aaway sa'kin.
Hindi nga kaya, totoong anak ako ng reyna ng mga diwata? ako nga kaya ay isang long lost fairy? pero hindi, hindi totoo ang mga faires. They are not real, mga bata lang ang naniniwala sa mga faires, at hindi na ako bata para maniwala pa.
BINABASA MO ANG
THE LONG LOST FAIRY (RAINBOW SERIES #4)
Fantasy[Rainbow Series #4: Color Green] Paano kung isang araw, bigla mo na lamang matuklusan na isa ka palang diwata mula sa isang kaharian. Ganyan ang nangyari sa isang senior high school student na si Maureen Hera Valera.