“Ate, totoo po ba ang mga fairies?” clueless na tanong sa'kin ng walong taong gulang kong pamangkin na si Yoshie.
“Of course not.” seryosong pagkakasabi ko.
“Eh diba sabi ni Lola sa'tin, fairies really do exist?” mahinahong saad ni Yoshie. Agad ko naman ibinaba ang librong binabasa ko saka ako tumingin sa kanya ng seryoso.
“Bed time stories lang 'yun sa'yo ni Lola. Hindi 'yun totoo. Saka c'mon Yoshie, 2021 na. Hindi kana dapat nagpapaniwala sa mga fairies na 'yan. Kahit pa sabihin na eight years old ka palang. Dapat mulat kana sa katotohanan.” paliwanag ko.
“Pero what if nga po totoo 'yun? what will you do?” nakangising tanong n'ya. Pasaway talaga, sarap tirisin kung 'di ka lang talaga anak ni Ate Minerva.
“Gigising ako, kasi for sure panaginip lang 'yun.” sarcastic na pagkakasabi ko.
“Eh?”
“Alam mo Yoshie, kaysa kinakausap mo 'ko maglaro kana lang sa labas. Dahil pag dumating ang mama mo, hindi kana naman papayagan na maglaro sa labas ng bahay.” mahinahong pagkakasabi ko.
“O-Ok po.” saad ni Yoshie at kaagad narin 'tong umalis.
Saka ko muling tinuon ang sarili ko sa pagbabasa ng libro. Teka, anong chapter na nga ako? Yoshie kasi ang kulit eh, nawala tuloy ang binabasa ko.
——
Pagpasok ko ng gate ng school, unang nakita ng mga mata ko ay ang long-time crush kong si Hedrix na katatapos lang yata n'ya maglaro ng basketball dahil medyo pawisan ang suot n'yang damit at awtomatikong gumuhit ang matamis na ngiti sa labi ko.
Lalapitan ko sana s'ya upang siya'y batiin ngunit napatigil ako ng lapitan s'ya ni Blaize at abutan s'ya ng puting bimpo at bottle of water.
Para tuloy may tumusok sa dibdib ko, habang minamasdan ko silang dalawa. Alam ko naman na noon pa man ay gusto na ni Hedrix si Blaize, ngunit nagpatuloy parin akong mahalin s'ya. Kahit walang ibang naidulot ang pagtingin ko kay Hedrix kundi heartache, heartbreak, wasak na puso, hinagpis, puot at dalamhati.
Nagpatuloy ako sa aking paglalakad na kunwari ay hindi ko sila nakita. Tuloy-tuloy kasabay ng pagpatak ng luha ko. Ewan ko ba, bakit kahit hindi kayang suklian ni Hedrix ang pagtingin ko sakanya ay hindi ko parin magawang iwasan s'ya.
Siguro kung totoo lang ang mga fairies, hihiling ako sa mga ito na sana bigyan nila ako ng kapangyarihan upang magustuhan din ako ni Hedrix. Ang kaso, hindi naman sila totoo. So, paano na?
BINABASA MO ANG
THE LONG LOST FAIRY (RAINBOW SERIES #4)
Fantasy[Rainbow Series #4: Color Green] Paano kung isang araw, bigla mo na lamang matuklusan na isa ka palang diwata mula sa isang kaharian. Ganyan ang nangyari sa isang senior high school student na si Maureen Hera Valera.