“Hi Ate.” masayang bati sa'kin ni Yoshie pagdating ko sa bahay.
“Anong Ate? ikaw Yoshie, nasasanay ka ng tawagin ng Ate lang ang Tita mo.” saway ni Ate Minerva sa anak n'ya.
“Hayaan mo na Ate, ako rin naman nagturo sakanya. Para kasing ang bilis maka-tanda 'yung Tita, eh eighteen palang naman ako.” depensa ko kay Yoshie.
“Pero mali parin 'yun, saka hindi ka naman mukhang matanda eh. Masyado kang baby-face kung ihahalintulad sa edad mo, so anong kinakatakot mo?” saad ni Ate Minerva.
“Ate, wag mo na akong bolahin dahil wala akong pera.” saad ko.
“Kailan ka ba nagkapera?” sarcastic na saad ni Ate.
“Tsk.”
——
“Nagawa ka ng Assignment Ate?” pangungulit sa'kin ni Yoshie ng pumasok s'ya sa silid ko.
“Yes, baby. Kaya medyo busy si Ate.” malambing kong saad ko.
“Oh! sa'yo 'to Ate? marunong ka magsulat ng enchat?” pagtataka ni Yoshie ng makita n'ya ang papel na naka-ipit sa notebook ko, 'yun ang papel na galing sa ibon kanina.
“Alam mo 'yung enchat?” pagtataka ko rin.
“Opo, kasi sa mga napapanood kong fantasy stories nagsasalita sila ng enchat pero parang mas maganda lang 'yung pagkakasulat ng gawa mo. Hindi kasi ganito 'yung enchat na nakikita ko sa mga palabas eh.” ani Yoshie.“Saan ka po At natuto magsulat ng enchat?” pagtataka ni Yoshie.
“H-Hindi ako ang nagsulat n'yan.” saad ko.
“Si Ate Devyne po ba?” muli n'yang tanong.
“No, It wasn't her too.” saad ko.
“Eh sino po?” pagtataka n'ya muli.“May manliligaw kana po ba ate?” gulantang na tanong ni Yoshie at nanlalake pa ang bilugan n'yang mata habang nakatakip ang dalawang kamay sa bibig n'ya.
“Ikaw, ang bata-bata mo pa alam mo na 'yang ligaw-ligaw?” sermon ko.“Hindi rin 'to galing kay Hedrix.” saas ko.
“Bakit? nanliligaw po ba sa'yo si Kuya Hedrix?” nakangising tanong n'ya.
“H-Hindi rin.” saad ko.“Alam mo Yoshie, ginugulo mo na ako sa ginagawa ko. Lumabas ka nga muna ng kwarto ko. Mamaya nalang tayo mag-usap ok? tatapusin ko muna 'to.” saad ko muli.
“Ok po, Tita.” nakangising saad n'ya, kaya tinignan ko s'ya ng masama.“A-Ate.” pagpapatuloy n'ya at natatawang lumabas ng kwarto ko.
Nang lumabas s'ya ng silid ko ay muli kong tinignan ang papel at ang nakasulat dito. Labis parin ako nagtataka kung kanino 'to nanggaling, at isa pa sa pinagtataka ko ay tila may pag-iisip ang ibong 'yun at alam na alam n'ya kung sino ang lalapitan n'ya.
Muli kong inipit ang ang papel sa notebook ko at itinuon na ang atensyon ko sa paggawa ng takdang aralin. Habang nagsusulat ako sa study table ko, napansin ko ang makukulay na paru-parong umaaligid sa tapat ng bintana ko. Kaya napako ang atensyon ko sa mga 'ito, unti unti akong tumayo sa kinauupan ko at mas lumapit ako sa bintana upang pagmasdan ang mga makukulay na paru-paro. Iniunat ko ang kamay ko ng dahan dahan palapit sa mga paru-paro, nakakapagtakang imbis na umalis sila ay lumapit pa ang isang paru-paro sa kamay ko at dumapo sa daliri ko. Nakakatuwa silang pagmasdan, kaya naman nakalimutan ko ng may gagawin pala akong takdang aralin.
Nang may kumatok sa pintuan ng silid ko ay nagmamadali silang nagsiliparan papalayo. Ako naman ay agad bumalik sa study table ko.
Ilang saglit pa ay pumasok si Ate Minerva na may dalang food tray.
“Mag meryenda ka muna, nagluto ako ng paborito mong sopas.” saas ni Ate atsaka ipinatong ang food tray coffee table ko sa loob ng silid ko.
“Salamat.” saad ko at muling tinuon ang atensyon ko sa ginagawa kong takdang aralin.
“Kumain kana, bago pa 'to lumamig.” saad n'ya.
“Sige po, tatapusin ko lang 'to. Madali nalang naman na 'to.” saad kong muli.
“Oh sige, lalabas na ako.” paalam n'ya at tumango lamang ako.
BINABASA MO ANG
THE LONG LOST FAIRY (RAINBOW SERIES #4)
Fantasy[Rainbow Series #4: Color Green] Paano kung isang araw, bigla mo na lamang matuklusan na isa ka palang diwata mula sa isang kaharian. Ganyan ang nangyari sa isang senior high school student na si Maureen Hera Valera.