CHAPTER 5

185 10 0
                                    

Kinabukasan...

Habang naglalakad ako patungo sa room napansin ko ang mga estudyanteng tila hindi magkamayaw sa pagtingin sa bagong paskel sa Bulletin Board. At dahil curious ako, ay agad din akong nakitingin.

ANNOUNCEMENT!!

“Student Educational Camping”
When: September 26-30, 2021
Where: San Vicente Mountain
Prepared By: SSG Officers

“Uy Maureen nandito kana pala.” masayang pagbati sa'kin ni Devyne na kararating lang siguro.“Anong meron d'yan?” pagtataka n'ya ng mapatingin s'ya sa Bulletin Board.

“Student Educational Camping daw.” sagot ko.

“Oh!? kailan naman? at saan?” bakas sa boses n'ya ang excitement.

“September 26 to 30, four days 'yun. San Vicente Mountain daw.” seryosong sagot ko.

“Exciting! sama tayo ah.” masayang saad ni Devyne.

“Parang ayaw ko nga eh.” saad ko.

“Huh? bakit naman? eh diba matagal mo ng pinapangarap na magkaroon tayo ng camping?” pagtataka n'ya.

“Oo, kung ang school mismo natin ang nagplano no'n. Eh hindi naman eh. Mga SSG officers lang ang may gusto, and for sure pakana naman 'to ni Ryker. Wala na talagang nagawang maayos ang SSG President na 'yun.” seryosong pagkakasabi ko.

“Ano sabi mo?” sabay kami ni Devyne na lumingon mula sa nagsalita.“Grabe naman yata ang pang iinsulto mo sa'kin, Ms. Valera? baka nakakalimutan mo, may atraso ka pa sa'kin.” sarcastic na saad ni Ryker.

“Ako pa talaga ang may atraso sa'yo, mahiya ka naman sa balat mo. At ano naman ngayon kung iniinsulto kita? eh totoo naman ang sinasabi ko. Magmula ng maging SSG President ka, wala ka naman talagang nagawang maayos kundi ang mag-yabang.” matapang na pagkakasabi ko, kung kayat ang mga estudyanye ay hindi na sa bulletin board nakatingin kundi sa'min na.“Anong tini-tingin n'yo? may artista ba?” sarcastic kong tanong sa mga estudyanteng nakatingin sakin, kaagad naman sila nagsiyukuan.

“R-Ryker, pasensya kana dito sa kaibigan ko ah.” mahinahong paghingi ng paumanhin ni Devyne kay Ryker.

“Hoy Devyne, bakit humihingi ng sorry sa lalakeng 'to? kaya lalong lumalaki bungo nito eh.” saad ko.

“Maureen that's enough. S'ya parin ang SSG President natin, tara na punta na tayo sa room.” saad ni Devyne sabay hila sa'kin pero nanatiling nakatindig ang mga paa ko sa lupa habang masama ang tingin ko kay Ryker.

“Wala akong pakealam kung SSG President s'ya. Walang dahilan para matakot ako.” mataray na saad ko at saka ko inalis ang kamay ni Devyne mula sa pagkakakapit sa braso ko at nauna na akong maglakad patungo sa room.

“Maureen sandali!!” sigaw ni Devyne habang hinahabol ako kaya tumigil ako sa paghakbang at nilingon s'ya, hanggang sa makalapit na s'ya sa kinatatayuan ako.

“Sorry, mainit lang talaga ang dugo ko sa lalakeng 'yun. Ang yabang kasi, nakakainis.” saad ko.

“Naiintindihan naman kita, pero sana bawas-bawasan mo 'yung kasungitan mo kay Ryker. Mabait naman 'yung tao eh, hindi mo lang 'yun nakikita dahil 'yung atensyon mo nasa maling tao.” ani Devyne.

“May gusto ka ba kay Ryker?” pagtataka ko.

“Wala akong gusto sakanya, pero kasi hindi rin naman sa lahat ng pagkakataon ay tama lang na insultuhin mo s'ya. Tao rin si Ryker katulad mo, siyempre nakakaramdam din ng kahihiyan 'yung tao sa tuwing iniinsulto mo s'ya. Pasalamat ka nga hindi ka pinapatulan physically.” ani Devyne. “Sinasabihan mo si Rkyer na wala s'yang nagawang mabuti bilang SSG President without knowing na noong bigla ka nalang nawalan ng malay dahil sa sobrang taas ng lagnat mo, si Ryker ang agad na bumuhat sa'yo para dalhin ka sa clinic. S'ya rin nagbantay sa'yo habang iniintay ang Ate Minerva mo na dumating, pero ng alam n'yang magigising kana binilin ka n'ya sa'kin. At pinakiusapan n'ya akong wag ko ng ipaalam sa'yo 'yung totoo. Sinasabi ko lang 'to sa'yo ngayon kasi hindi ko narin ma-take 'yung ginagawa mo doon sa tao na mabuti naman ang pakikitungo sa'yo.” pagki-kwento ni Devyne at halos hindi ako makapagsalita dahil sa pagkabigla. Ngunit isa lang ang nasa utak ko, ang makahingi ng sorry sa kanya.

——

“Ryker.” mahinang tawag ko sa pangalan n'ya ng makita ko s'yang nakaupo sa ilalim ng puno ng Narra at nakatingin sa malayo.

“Anong ginagawa mo dito?” seryosong tanong n'ya ngunit hindi parin s'ya tumitingin sa'kin.

“G-Gusto ko sanang..gusto ko sanang humingi ng sorry.” sincere kong pagkakasabi, saka n'ya ako tinignan.“Pasensya kana sa inasal ko, hindi ko sinasadya.” mahinahong saad ko.

“Siguro nga tama ka, wala nga akong nagawang mabuti. Kasi kahit sarili kong pamilya sinasabi sa'kin 'yan. Kahit ginagawa ko na 'yung best ko, pero parang hindi parin sapat 'yun.” bakas ang lungkot sa bawat salitang binibitawan ni Ryker kaya mas lalo akong nakonsensya. Hindi ko alam na hindi pala maayos ang pagtrato sa kanya ng mga pamilya n'ya.

“Nasabi ko lang 'yun dahil naiinis ako, pero ang totoo wala lang 'yun sakin. Maniwala ka.” saad ko, tumayo naman s'ya sa kinauupan n'ya saka naglakad papalapit sa kinatatayuan ko.

“I don't think so.” seryosong pagkakasabi n'ya at agad narin nag-walk. Kaya naman napabuntong hininga nalang ako habang tinatanaw s'yang naglalakad papalayo.



THE LONG LOST FAIRY (RAINBOW SERIES #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon