CHAPTER 25: Dangerous Move

272 30 5
                                    

ALEXANDER DOUGLAS V

ALEXANDER DOUGLAS V

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


👑 NOAH'S POV 👑

Nakadating na kaming unit nila Ace at nadatnan namin iyon mga kasama niya. Apat sila sa isang unit ngunit hindi maipagkakaila na malawak ang tinitirahan nila. Mabuti na ding dito ako pumunta ng sa ganoon ay mahiya akong magalit.

Kasi kung mag-isa ako o kaya sila Amber kasama ko, baka hindi ako makapagtimpi at kung ano na lang magawa ko. Lalo na't madami ding nabibigay na opinyon mga babae kaya baka makaapekto sa pagiisip ko.

My mind is still processing what I saw earlier. Para siyang napakalinaw na bangungot na hindi ko kayang takasan. Masakit para sa aking makita si Alexander na ganoon ang ginagawa. Gusto ko din magalit kay Jonas pero ngayon, naka-focus lang lahat kay Alexander. Ayokong kamuhian silang dalawa pero ano pa bang magagawa ko? Pinag-laruan nila ako.

Kaya ganun na lang ba pag-iinsist ni Jonas na bagay kami ni Yuki? Si Alexander, busy ba talaga sa responsibility niya as a Prince o busy sa iba? Kaya ba ganoon na lang niya hindi sagutin mga tawag ko?

Mahal ko silang dalawa lalo na si Alexander. Mahal ko si Jonas bilang kaibigan, madami na akong nagawa para sa kaniya bilang kaibigan, pero bakit hindi niya ako ininform na sa ganoong paraan niya pala ako gustong bayadan. 'Yong totoo, wala naman kasalanan si Jonas dito dahil in the first place, hindi niya alam kung anong relasyong namamagitan sa amin ni Alexander. Sadyang naghahanap lang ako ng rason para magalit sa kaniya.

"Ohh Ace, may kasama ka yata ngayon?" Sabi ng isa niyang kasama o kaibigan.

"Gago pre, si Noah 'yan." Dali-dali silang tumayo at lumapit sa akin. Pamilyar mga mukha nila pero hindi ko alam pangalan.

"I'm Ethan Grayson, at your service your higness." Nagbow ito habang nasa tyan ang kanang kamay at sa likod naman ang kaliwang kamay.

"Kit Leandro." Sinubukan nitong makipag-kamay kaya naman kinamayan ko din. "Uy gago pare, ngayon ko lang 'to nakita sa malapitan." Pinaghahampas na nito si Ethan.

"Tristan Santiago, your number 1 fan." Sobrang lawak ng ngiti nito kaso hindi ako makangiti pabalik. Ang sasaya nila pero hindi nila magawang hawaan ako. Kahit gusto ko magpahawa ng kasayahan nila, no effect.

"Sige, balik na kayo doon." Sabi ni Ace na sinunod naman nilang tatlo.

"Ba't mo sila pinabalik?"

"Baka kasi... gusto mo ba sila kasama o kakwentuhan?"

"Hindi 'wag na."

Bright Light Academy: Page Two [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon