CHAPTER 40: Flame of Life

418 32 22
                                    

👑NOAH'S POV👑

Everyone was in a panic shock after of what we heard. Hindi nagtagal ay sunod-sunod tumunog ang mga alarm na mas lalong nagpakabog ng bawat dibdib dito sa loob ng penthouse. Lumipat ang atensyon namin sa Caroline building na katabi lamang ng Arthur, at mula sa reflection ng salamin nito, kita namin kung gaano kabilis kumalat ang apoy.

As of the moment, wala akong nagawa kundi ang maghintay ng instructions ng iba. Walang magagawa ang pagpapanic sa mga gantong bagay. Binilang ko kung sino pa ang mga natitirang tao dito sa unit at halos mapamura ako nang hindi makita si Alexander. Where did he go?

"Si Alexander? Nakita nyo?" I tried asking Elyse kaso pati sya ay halos hindi makapagsalita sa mga nangyayari. Wala kaming kasamang mga mas matatanda sa amin kaya't sila-sila na lamang ang nagpapakalma sa bawat isa.

Rather than adding panic to them, ako na mismo naghanap kay Alexander. Mas lalo lang sila matatakot kung malaman nilang wala si Alexander dito lalo na't siya pa naman ang inaasahan ng lahat na maglelead sa amin.

Parang kanina lang, sobrang saya namin tapos ngayon, kulang na lang mag rosary kami para mailigtas. Seeing them crying and begging for help makes me wanna blame myself for everything.

But no, I don't have time to do it. Instead of blaming myself, I should be helping. Dapat tinutulungan namin isa't-isa para makalabas sa building na 'to. Any minute from now, pwedeng gumuho ang tinatapakan naming sahig.

Malakas ang pagsabog kanina, mas malakas pa sa pagsabog na nangyari noon sa Architecture building. Pasalamat nga kami at mayroon pa kaming time para magevacuate.

Pero paano? Paano kung buong lower floors ng building ay tinutupok na ng apoy!

Nang malibot ko na ang bawat sulok ng penthouse ngunit hindi ko parin nakikita si Alexander, nilakasan ko na ang loob ko lapitan ang main door ng unit. Ito na lamang ang natitirang side ng penthouse na hindi ko pa nachcheck. Kahit natatako ako na baka biglang may bumugang apoy sa akin, binuksan ko na iyon. Laking pasasalamat ko nang makita si Alexander na nandoon.

"Alexander, ano bang ginagawa mo dyan?!" Hinila ko iyon papasok sa unit dahil pansin ko ang pagpasok ng usok mula sa fire exit. Pansin ko din na hawak nito si Peter. So kaya siya lumabas kasi nandoon si Peter?

"The bomb defusers are not working."

"Bomb defusers?" I asked.

"Yes, since the bomb incident happened, lahat ng buildings dito ay nilagyan na ng bomb defuser. When that device detected the bomb, maglalabas iyon ng some kind of smoke that will automatically defuse the bombs. But the weird thing here is, how did they remove all of those devices if every floor of this building has tons of it?" Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis dahil halos lahat kami dito buhay namin iniisip tapos siya, bomb defusers?

"Ano naman kung hindi gumana?! Hindi lahat ng devices gumagana everytime! Alexander naman!" Sinarado ko ang pinto nang sa ganoon ay limitado lang ang makapasok sa usok. Binitawan niya si Peter at mabilis iyong tumakbi papunta kay Dan.

"No, that's not what I meant. They didn't used bombs. Gas tanks." Napakamot na lang ako sa noo dahil s amga sinasabi niya. Oo na, gas tanks na. Pero ano pa bang magagawa namin?! Maya-maya lang matutusta na kami dito. "Limitado lang ang nakakaalam na mayroong bomb defuser na nailagay. And given the fact na matagal bago mashipped ang mga gas tanks dito, it's most likely not a coincidence that Bright Light was closed at the same time as this explosion."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 05, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bright Light Academy: Page Two [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon