👑THIRD PERSON'S POV👑
Isang araw matapos ang pagkakahuli kay Ms. Sharon, nagawang bumisita ng isa sa mga pinakamalapit na tao sa kaniya. 'Yon ay ang anak nito.
Jonas has been aware of what his mother have done at he knows that this time will come. Ngunit masakit parin sa kaniya ang masilayang halos lahat ng tao sa bayan ay gusto itong makulong.
Kung tutuusin, malaki din ang kasalanang nagawa nito. Kung nagawa niya lang sanang isumbong, o 'di kaya ay hindi sinunod ang utos ng kaniyang magulang, eh 'di sana lumala pa ng ganto ang sitwasyon. He didn't know what his mom's plan, wala siyang alam bukod sa isa.
Nanliwanag ang buong mukha ng magulang nito nang makapasok siya ng visiting area ng kulungan. Hindi niya mapagwari na aabot ang oras na makikita niyang nakasuot ng damit ng mga kriminal ang nanay niya.
"Mom..." Halos mangiyak-iyak ito nang makita ang kaniyang ina. Isang araw na ang nakakalipas pero hindi parin puampasok sa utak niya ang nangyari. Dahil na din siguro sa ibat-ibang gamot na iniinom niya kaya't sobrang gulo ng isipan nito.
"What are you doing here? Diba sabi ko hinatayin mo ako? How's your studies? Si Alexander? Nakausap mo na ba siya?" Nagawang hawakan ng kaniyang ina ang magkabilang kamay nito mula sa maliit na butas. Nanginginig ang kamay ni Jonas na para bang nababaliw na ito sa kakaisip.
"I heard the news. I-Im sorry, mom. I'm sorry, I can't do anything." Tuluyang tumulo ang mga luha niyon.
"Jonas, no. It's not your fault, it's mom's fault. Don't worry, my son. Makakalabas ako dito, just wait for me. Babalik tayo sa dati nating buhay." Kahit gusto nilang yakapin ang isa't-isa, hindi nila magawa dahil sa salaming nasa pagitan nila.
"Mom, I miss you. If I can just do anything to get out of you here then I'll do it."
"Really?" Biglang nagbago ang awra ng mukha nito. Na para bang kanina niya pa hinihintay sabihin ni Jonas ang mga katagang iyon.
Just like her son, they're both crazy.
"You're really willing to do anything?" Tumabgo iyon habang nagpupunas ng luha. "Then do me a favor. Help me."
"How?"
"I need to talk to Noah. Gawin mo lahat ng kaya mo basta makapag-usap kami ni Noah. I really need to tell him something."
"I'm expelled, hindi na din ako pwede lumapit sa kanila or else makakasuhan din ako."
"What?!" Napansin ni Jonas ang paglakas ng boses ng kaniyang ina. Iyon ang unang beses niyang marinig itong pagtaasan siya ng boses kaya't hindi nito alam ang mararamdaman niya. Iniisip nito na baka dahil lang sa stress. Napakamot iyon sa kaniyang noo at tila nag-isip ng malalim. Tumingala iyon at tinignan ulit ang anak niya. Ngayon ay sa may pananakot na tingin.
"Ano? May sasabihin ka pa? What a useless." Tila hindi iyon makapaniwala sa narinig.
"Mom."
"Kung wala kang sasabihin, pwede ba lumabas ka na lang. Wala ka din naman silbi, sayang lang mga luha ko." Halos hindi niya maihakbang ang mga paa nito dahil sa sinabi ng kaniyang ina. Ngayon, hindi niya maisip na dahil lang sa stress iyon.
BINABASA MO ANG
Bright Light Academy: Page Two [BXB]
Teen FictionI have three things to consider when entering Bright Light. First, I need to make a lot of friends. Second, be careful of whom I want to be friends with. And most importantly, never be associated with the Golden student.