ALEXANDER DOUGLAS V
👑 THIRD PERSON'S POV 👑
"Do I have any important schedule today?" Tanong ni Alexander.
Ilang buwan na din ang nakalipas nang mahuli nilang may ninanakaw ang personal secretary ni King. Matapos nun ay hindi na siya basta-basta nagtitiwala sa mga secretary na ina-asign sa kanya, kaya naman ay napagdesisyunan nilang si Jack at Aiden na lang ang tumulong sa kaniya sa loob ng Bright Light.
"Why don't you hire a new secretary? Kami nahihirapan sa'yo." Pagrereklamo ni Jack.
Noong una ayaw pa ng dalawa pero dahil nga ito ang utos ng itaas ay wala na silang nagawa. Wala namang balak patagalin ni King ang pagiging secretary ng dalawa dahil sa anumang oras ay puwede itong mag-hire ng bago kung gugustuhin nya.
"Masyadong mahirap ba architecture?" Hindi nya iyon pinansin at siya na mismo nagabot ng tablet na naglalaman ng mga schedule nilang tatlo.
Madalas si Aiden ang nagmamanage ng mga kailangan ni King kaso dahil sa hiwalayang naganap sa pagitan niya at ni Elyse ay halos hindi na ito makausap. Sinubukan na nilang kausapin ito pero nang malaman nilang kasalanan nya kung bakit sila naghiwalay ay 'di na din nila ito pinansin.
"Anong gusto mong malaman Alexander? You've been asking me that lately." Halata sa kinikilos ni Jack na bad mood ito, siguro dahil nag-away na naman sila ng girlfriend nya.
Itong tatlong 'to, sinwerte nga sa pera, minalas naman sa lovelife.
"Just don't answer if you want." Hindi napigilan ni King ang mapangiti. Umarko naman sa mukha ni Jack ang pagtataka.
"He's doing great. His plates are better that I expected, his grades? Sakto lang. Hindi sya nalalate pero anong oras na sya umuuwi. Don't worry, lagi namang may suumusundo sa kanya." Tinignan ni Alexander iyon ng nagtataka.
Hindi na nagtanong kung bakit alam iyon lahat ni Jack. Pero ang nakakapagtaka lang ay kung sino sumusundo sa kanya.
"Kilala mo ba kung sino?"
"Kung hindi 'yung pinsan nya, si Dan o Ace, you know Ace Florence."
"And why would he do that?" Tumabi ito kay Jack.
"Hindi ko alam, ano namang alam ko sa relationship nilang dalawa."
"What do you mean relationship?" Hindi alam ni Alexander kung bakit medyo kinabahan ito sa maririnig na sagot.
"Umamin ka nga, do you have any feelings for Noah?" Nanlaki ang mga mata ni Alexander sa 'di inaasahang tanong ng kaibigan.
"Why is it so easy for you to ask that question!?" Seryosong tanong nito.
"C'mon Alexander, it's obvious. Sagotin mo na lang tanong ko, may feelings ka nga para kay Noah?" Isang katahimikan ang pumasok sa bahay nila, hindi nya alam ang isasagot.
BINABASA MO ANG
Bright Light Academy: Page Two [BXB]
Teen FictionI have three things to consider when entering Bright Light. First, I need to make a lot of friends. Second, be careful of whom I want to be friends with. And most importantly, never be associated with the Golden student.