CHAPTER 33: Officially Yours

312 28 1
                                    

👑 NOAH'S POV 👑

"Royal News, update!"

"Isang magulang sa Bright Light Academy, pinatungan ng kasong attemted murder ng Sullivan Family matapos pagtangkaang patayin ang isa sa tagapagmana ng Sullivan Industries."

Alasais ng gabi, nandito kami sa bahay nila Alexander, sa backyard ng bahay to be exact. Lahat ng diamond 10 nandito, may mangilan-ngilang teachers din, at sina Ace, Yuki at Elyse ay nandito din. Madaming pagkain at inumin, at nakasindi ang firepit habang dinadama ang magandang tanawin sa tabi ng beach. Alam nyo kung anong meron?

Celebration.

"Umaga ng ikatlo ng Nobyembre, inaresto ang isa sa mga tinitingalang ballerina ng bansa na kilala bilang si Sharon Loyola, apatnapu't limang tanong gulang na isa din sa mga magulang sa Bright Light Academy. Gabi bago ang opisyal na pagbubukas ng Royal District Games, ang biktimang si Noah Sullivan ay umanong naglaho na parang bula. Hindi alam ng lahat ay ito ay nasangkot sa isang car accident na kagagawan umano ng suspect na si Sharon Loyola. Hindi pa namin alam ang dahilan kung paano at bakit iyon nagawa ng suspect dahil sa mahigpit na pagbabantay sa kasong kinabibilangan ng isa sa pinakamahalagang pangalan sa Sullivan Kingdom. Sa ngayon, ang nakakalap pa lang naming impormasyon ay malaki ang tyansa manalo ng Sullivan Family sa korte matapos ang sunod-sunod na ebidensya at testigong nakukuha nila."

"For Bright Light!" Isang malakas na pagbukas ng champagne ang umalingawngaw sa labas. Bukod sa pagkahuli kay Ms. Sharon, we're celebrating the succes of RDG's opening.

Sinabi ko na sa kanila Amber kung anong nangyari kaninang umaga. Kung bakit ako nawala at kung anong ginawa nila Ms. Sharon. Kwinento ko lahat bukod sa kambal ni Alexander na si Nick, hindi ko kasi sikreto 'yon para sabihin pa sa kanila. Kaninang umaga din ay sinundo ako dito nila Lady Margaret para maging testigo sa nangyari. Hindi kasi ako na-inform na sinabi na pala ni Alexander lahat-lahat sa kanila Lady Margaret.

After no'n, meeting kasama sina principal, director, at malalaking pangalan sa Bright Light. Humingi sila ng tawad sa nangyari kahit wala naman silang ginawang mali. Humingi din ako ng tawad kasi kung tutuusin, ako 'yong may nagawang kasalanan. Kung hindi dahil sa akin, hindi na sana nasangkot pangalan ng school. Ngayong nasa kulungan na si Ms. Sharon, sana naman ay maging mapayapa ang pagdaraos ng RDG.

Kanina din ay in-expel na si Jonas. Balak pa sanang kasuhan sya nila Lady Margaret kaso sabi ko 'wag na, naniniwala naman akong naimpluwensyahan lamang sya ng magulang niya. Kami na lang nagprovide ng psychiatrist niya ngayong wala na syang matatakbuhan. Binigyan din namin sya ng bahay sa isang probinsya nang sa ganoon ay makagawa sya ng panibagong simula para sa kaniya.

Naging kaibigan ko parin si Jonas. Hindi man ganoon kalalim pagsasamahan namin, mayroon paring connections ang nabuo. Hindi man ako nakapagpaalam sa kaniya ng maayos pero sana ay sapat na ang itutulong namin para guminhawa buhay niya.

"Ano? Naka-upo ka na naman? Hindi mo lang ba susubukan uminom?" Pangungulit sa akin ni Elyse. Syempre kung nandito 'yong isa, sumunod na din 'yong dalawa.

"Try mo champagne or wine." Si Amber.

"Tequila, maragarita?" May inilapag na si Elyse sa harapan ko.

"Mojito with lime, masarap 'to!"

Sounds familiar. Natawa na lang ako sa pinaggagagawa nila. Balak ba nila akong lasingin? Bukod sa ayaw kong sumayaw o uminom katulad nila, gusto ko lang magpahinga kasi para sa akin, kulang pa pahinga ko. Bawi na lang ako mamaya kasi siguradong bukas, wala na kaming gagawin bukod sa klase.

Bright Light Academy: Page Two [BXB]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon