Shane
Nagkwentuhan lang kaming dalawa hindi na kami nakakanta ni Aleson. Hindi ko alam kung bakit naging interesado ako bigla sa kwento niya.
"Halika na Shane baka tapos na manuod sila mama."
"Sige tara."
"Ayy wait andyan pa kasi si Sasha mauna kana tietiempo lang ako."
"Sabay na tayo hayaan na lang natin siya."
Nung una ayaw niya pa pero nung hinila ko siya palabas wala na siyang nagawa.
"Ales love."
"Oh hi. Sasha."
"At sino naman yang kasama mo love?"
"Ah si Shane nga pala. Shane si Sasha."
Tinaasan lang ako ng kilay kaya tinaasan ko din siya akala niya magpapatalo ako.
"Love samahan mo ko sa bahay wala yung parents ko nalulungkot ako."
Wow! As in wow. Ang landi niya infairness to her. Kaya naman umandar ang isang isip ko ng kapilyahan.
"Sorry my dear hindi na makakasama si Aleson sayo."
"At bakit hindi?"
Mataray niyang tanong sakin. Si Aleson tahimik lang na nakikinig.
"Dahil ayoko."
"At sino ka para pangunahan si Ales?"
"Because she's mine. I'm Aleson's girlfriend."
Shock is written all over her face. At ganun din si Aleson na ngayon ay parang ewan dahil sa itsura niya.
"Love hindi yun totoo di ba? Hey Ales tell me."
"Uhm... *gulp* yes shane is my.... My girlfriend."
"Let's go babe." Ako.
Hinila ko na palayo si Aleson habang nakatulala pa yung Sasha na yun.
"Bakit? Aleson.
"Anong bakit?"
"Bakit mo sinabi kay Sasha na girlfriend kita?"
"Oh. Para di ka na mahirapan *smirk* so wala bang thank you?"
"I owe you this one."
"Your welcome."
"So friends?" Siya.
"Friends ^___^"
Pagdating namin sakto naman na palabas na sila tito at tita Alice. Nagpaalam na rin kami sakanila pero bago yun hiningi ni Aleson yung number ko at sabi niya pag kailangan ko ng tulong isanv tawag lang andyan na daw siya para naman makabawi siya dun sa ginawa ko kanina.
BINABASA MO ANG
She Is She [Short Story]
RomanceLahat tayo may karapatang lumigaya. Karapatang mabuhay ng masaya kasama ang taong totoong magmamahal sa atin. Pero paano kung yung taong mamahalin mo e kapareho mo? Isang babae. Pipiliin mo ba ang kaligayahan mo o bibitawan mo dahil mali daw ang gan...