Ch. 20 Work Hard Play Harder

2.8K 66 1
                                    

Aleson

Pagkatapos ng mainit na session namin ni Honey dumirecho ako agad sa sala para tapusin yung mga dala dala kong office works. Kailangan matapos ko na to dahil siguradong hahanapin na sa akin ito ni boss pagsapit ng monday. Kailangan ko rin paghandaan yung presentation namin sa investor na darating next week.

Fully loaded ang schedule ko this week sasamahan ko pa si mama sa isang gathering na pupuntahan niya. Tapos tutulungan ko pa si Adam sa gagawin niyang proposal sa long time girlfriend niya. At syempre papaligayahin ko pa yung mga playmates ko sa kama. Kill me now schedule diba?

Hindi ko na namalayan ang oras dahil nakaidlip na rin ako sa sobrang pagod. Nagising na lang ako ng may isang mainit na labi ang dumampi sa akin.

"Goodmorning baby. Tara mag breakfast na tayo."

Tumayo na ko sa sofa at dumirecho sa mesa. Kumalong naman sa lap ko si Honey at saka nag-umpisa na kaming magkainan if you know what I mean.

Kung papansin ang relasyong namamagitan samin ni Honey ang maaring sabihin kulang na lang sa amin ay kasal.

"Uhmm. Babyy....ahhhh.. i love you."

Maraming beses na niyang sinabi sa aki  yan pero kahit kelan hindi ko siya nasagot.

Bigla siyang tumigil sa mainit naming halikan bago nagsalita.

"Baby.... A-alam kong pang kama lang ako. At alam ko din na hindi uso sayo ang commitment p-pero sana hayaan mo na kong makapasok sa puso mo. Mahal na mahal kita Aleson."

Bigla niya kong niyakap ng mahigpit. Hindi ko alan kung anong sasabihin ko.

"Honey---"

"Sshh.. Don't say anything. If you're not ready I am willing to wait. Ganyan kita kamahal."

Tumayo na siya sa lap ko at hinila na ko papasok ng cr.

Bago pumasok sa office si Honey hinatid niya na muna ko sa work ko. Yung kotse niya kasi yung gamit namin kaya magtataxi nalang ako mamaya.

"Aleson may meeting daw kayo with Mr. Wang of Wang Internationals."

"Ganun ba Mam Janice. Sige I'll prepare myself thanks."

Hindi man lang ako na inform kahapon na may meeting pala kay Mr. Wang. Isa rin siya sa pinaka importanteng kliyente ng kompanyang pinapasukan ko.

Ilang sandali pa inumpisahan ko ng makipag bolahan kay Mr. Wang. Inilahad ko sakanya ang isang magandang proposal na hindi niya tatanggihan. Kaya nag invest siya sa amin ng 25 percent.

"Good job Aleson."

Ayan ang paulit ulit na sinasabi nila saakin lalo na yung boss ko kaya paulit ulit din na pag ngiti ang ibinibigay ko sakanila.

--------------------------

A/N: Sorry short update lang nabigla kasi ako sa balitang patay na si Jam Sebastian ng Jamich. My deepest condolences with Sebastian family and also with his fiance Michelle Liggayu.

-Jujuming

She Is She [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon