Ch. 30 Till We Meet Again

5.2K 113 44
                                    

Shane

Dalawang taon ng naghihirap ang mahal ko sa sakit niya. Ibang-iba na rin ang itsura niya. Hindi na siya kakikitaan ng kasiglahan sa buhay. Yung dating masayang aura niya ay napalitan na ng mga mapanglaw na ngiti. Ang dating malagong buhok niya ay wala na. At dahil na rin sa traydor niyang sakit nagbago na ang katawan niya. Kung dati ay sexy siya ngayon ay ang payat niya na pero kahit ganun pa man hindi nabawasan ang pagmamahal ko sakanya.

"Ma-hal...."

"Bakit mahal ko? May masakit ba sayo?"

Umiling lang siya at binigyan ako ng isang ngiti sabay hawak sa kamay ko.

"Ma-ha-l.....hin-di ko na k-aya. Pakawalan mo na ko."

"Hindi mahal. Di ba hindi tayo susuko? Lalaban tayo. Gagaling ka."

Hindi ko na maiwasang maging garalgal ang boses ko dahil alam kong mamaya iiyak na ko.

"Ramdam k-o na ma-la-pit na ko. Nahihirapan na ko....a-lam ko nahihirapan ka na rin..pati sila mama. Please Shane pag nawala na ko ha-yaan mo u-li a-ang puso mo na magmahal. Wag mong itali ang sarili mo sakin.... Mahal na mahal kita at gusto ko pag umalis na ko bitawan mo na lahat ng tungkol sakin... W-wag mong hayaang pati ang puso mo ay tumigil sa pagtibok pag wala na ko... Shane Mari Wenceslao mahal na mahal kita higit pa sa iniisip mo."

Dahan dahan niyang binitawan ang kamay ko at kasabay nun ang pagpikit niya at paghinto ng tibok ng puso niya. Dinampian ko siya ng halik sa labi niya. Gusto kong madamang muli ang init ng labi niya. Pero hindi ko na maramdaman ang init nun. Lumapit na rin saakin sila tita at nakisabay sa pag-iyak ko. Wala na ang mahal ko.

Matapos na ilibing si mahal pinilit nila tita Alice na maging matatag dahil yun ang gusto ni Aleson nagpatuloy uli sila sakanilang buhay. Pero ako eto patuloy pa rin na binabalikan ang mga nakaraan namin ng mahal ko.

Parang kailan lang mula nung magkakilala kami. Hindi kp inasahan na mapapalapit siya sakin. Lahat ng mga nagdaan sa amin ay sariwang sariwa pa sa alaala ko hindi ako sanay na wala siya sa tabi ko.

Dati rati hawak ko pa yung mga kamay niya. Malaya pa kong halikan siya at maramdaman siya. Dati rati niyayakap niya pa ko pag nalulungkot o naiiyak ako. Dati rati siya yung kasama ko buong araw mag mall at mag movie marathon. Dati rati siya yung walang humpay na nagsasabi sakin na mahal na mahal niya ko. Dati rati sinosurpresa niya ko sa kanyang mga simpleng paraan lang. Dati rati sabay pa kaming tumitingin sa kalangitan at sabay na nangagarap para sa aming future. Dati rati ganado akong kumakain dahil sabay kami at kahati ko pa siya sa iisang plato. Dati rati ang masasaya niyang ngiti ang sumasalubong sakin. Dati rati paggising ko sa umaga yung mukha niya agad ang makikita ko. Yung kaligayahan na kasama ko siya ay hindi kailanman matutumbasan ng kahit ano.

Ngayong wala na ang mahal ko nalulungkot ako at labis na nasasaktan. Wala na kong hahawakang mga kamay. Wala na kong mahahalikan ng sobrang sarap. Wala ng yayakap sakin pag umiiyak ako. Wala na kong kasamang magpunta ng mall at manuod ng movie. Wala ng magsasabi sakin na mahal na mahal niya ko at ako lang talaga ang babaeng nagmamay ari sakanya. Wala ng mag aabalang surpresahin ako. Wala na kong kasabay mangarap habang nakatingin sa kalangitan. Wala na kong kasabay sa pagkain. Wala ng sasalubong sakin ng matatamis na ngiti. Pag gising ko sa umaga hindi ko na makikita yung maganda niyang mukha.

"Hindi ko alam kung pano ko sisimulan ang buhay. *sigh* sinanay mo kasi akong lagi kitang kasama."

Alam kong para akong baliw na kinakausap ang puntod niya pero wala na kong pakialam pa.

"Alam mo naman na ikaw *sniff* lang ang kumukumpleto araw ko. Mahal ko *sniff* ikaw lang ang tangi kong mamahalin. Antayin mo ko ha? Wag kang mambababae. Malilintikan ka sakin... Hanggang sa muli mahal ko."

Ilang minuto ko rin sinulyapan ang puntod niya atsaka na ko nagpasyang umalis na at tahakin na ang buhay ko na ako na lang mag-isa.

Nagpapasalamat pa rin ako dahil sa maikling panahon na nagkasama kami pinaramdam niya sakin ang totoong pagmamahal. Ang pagmamahal na alam ko sa sarili ko na siya lang at wala ng iba pa ang makapagbibigay sa akin.

Aleson Lazaro. You will always be in my heart. I love you mahal ko.

-----------------------------

A/N: Sorry kung hindi ko na reach ang expectations niyo. Sabi ko naman sa inyo ayoko ng happy ending e haha chos! Sana nagustuhan niyo ang napili kong ending. Kung gusto niyo po ng book 2 sabihin niyo lang po sa akin ang gusto niyong flow at pangako ayun ang gagawin ko. Thanks mga loves.

-Jujuming

She Is She [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon