Ch. 7 Undefine Feelings

4.4K 85 1
                                    

Shane

Dahil saturday ngayon meron lang akong isang subject at hanggang 10am lang yun. Sa buong subject namin hindi ako nakikinig ang boring kasi napag-aralan ko na yung topic.

"Hi Shane. Pwede ba kitang maaya mag mall?" Arthur.

"Sorry Arthur may aasikasuhin pa kasi ako e."

"Ganun ba. Sige hatid na lang kita sa inyo." Arthur.

"Naku wag na. May susundo sakin. Wait lang ha tawagan ko lang."

Tapos tinalikuran ko na siya at dinial ang number ni Aleson.

Leche ang tagal naman niya sagutin.

"Buti naman sinagot mo."

Bungad ko sakanya. Nakakaasar amg tanggal sagutin.

"Shane si Adam to. Tulog pa kasi Ales. Ngayon ko lang nasagot kasi ka skype ko yung girlfriend ko."

"Ganun ba. Andyan ba si tita Alice?"

"Umalis si mama may lakad ata sila ni tito Louie. Punta ka na lang dito aalis din kasi ako."

"Ahh sige Adam salamat."

"Okay bye."

End Call.

Pagharap ko andun pa rin si Arthur. Tsk ang kulit niya talaga.

"Shane mukhang wala kang sundo tara hatid na kita."

"Thank you na lang Arthur pero may pupuntahan pa ko. Kbye!"

Dali-dali na kong umalis at nagpara ng taxi. Pagdating ko sa bahay nila Aleson sinalubong ako agad ni Adam tsaka siya umalis.

Pag-akyat ko sa kwarto ni Aleson ang himbing ng tulog. Tanghali na naka hilata pa rin.

"Aleson gising na."

DEDMA

"Aleson gumising ka na tanghali na."

Inaalog alog ko na siya pero DEDMA pa rin siya.

"Aleson bangon na."

Tumalon talon pa ko sa kama niya para lang gisingin siya.

"Shane tama na. Ang sakit sa ulo."

Bumangon din siya at grabe ang hot niya tignan sa messy hair niya. Shit! Erase erase. Hindi siya hot panget siya. Pero hindi naman siya panget. Ayy anuba yan ang gulo.

"Tayo ka na dyan."

"Eto na nga e. Tsk."

Tumayo na siya kaya sumunod na din ako sakanya. Nagpunta lang siya sa cr para maghilamos saka siya pumunta sa pwesto ko.

"Namiss mo ko kaya ka nandito noh?"

"Kapal mo! Hindi kaya."

"Ang aga-aga ang sungit mo."

"Samahan mo ko sa mall. May bibilhin ako."

"Ano naman bibilhin mo?"

"Ang daming tanong. Basta samahan mo ko."

"Oo na. Maliligo lang ako."

Hindi na siya kumain sa mall na lang daw kami kakain dahil ayaw niyang paghintayin ako ng matagal.

@themall

"Shane cr muna ko antayin mo na lang ako dito."

"Sama na lang ako."

"Okay."

Yung mga babae napapatingin sakanya. Poging maganda kasi e. Ang lakas talaga ng hatak niya kahit san siya magpunta.

"Tara na bilhin na natin yung bibilhin mo."

Pumasok kami sa isang jewelry shop para tumingin ng necklace.

"Aleson which one do you prefer?"

Pinakita ko sakanya yung dalawang necklace yung isa may pendant na heart shape at sa loob nun merong star then yung isa naman ay may pendant na susi.

"Ito yung may pendant na heart shape na merong star sa loob."

"Okay. Thanks. Ahh miss I'll buy this one."

Matapos kong bayaran unalis na din kami at pumunta sa isang restaurant.

"Kanino mo naman ibibigay yan?"

"Birthday gift ko to sa bestfriend ko si Nikkie. Pwedeng bang samahan mo ko sa birthday niya?"

"Nakakahiya. Ikaw na lang."

"Ano ka ba sige na. Samahan mo na ko."

"Tsk. Lagi mo na lang akong ginagawang alalay e."

"Uyy hindi naman e."

"Kaya pala tuwing mag-aaya ka mag mall yung mga pinapamili mo ako nagbubuhat."

"E kinukuha mo rin naman sakin e."

"Psh. Kelan ba yung birthday ng bestfriend mo?"

"Sa wednesday na. Sasamahan mo na ko?"

"Oo. Dahil may utang ako sayo na hindi ko pa nababayaran."

"Uyy hindi naman yun counted."

"Hahaha syempre joke lang di rin kita matitiis tara na nga."

Buong araw lang kami nagkulitan at nagkantahan ni Aleson. Hindi ko talaga alam kung bakit may kakaiba kong nararamdaman pagkasama ko siya basta alam ko lang masaya ko pag andyan siya sa tabi ko. Ano ba tong nararamdaman ko?

She Is She [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon