Ch. 21 The Come Back

2.8K 69 0
                                    

Shane

It's nice to be back. Limang taon ang matuling lumipas. Limang taon ang nawala sa akin. Limang taong hindi naging kumpleto ang buhay ko simula ng iwan ko ang pinaka mamahal kong tao. Sa loob ng limang taon ginugol ko ang buong panahon ko sa pagpapatakbo ng negosyo namin sa Spain.

Kahit nasa Spain na ko alam ko pa rin ang mga nangyayari sa mahal ko dahil na rin sa tulong ng tito Louie ko. Siya ang naging mata at tenga ko para malaman ang mga pinag gagawa ni Aleson. Nakiusap ako sakanya na wag ipaalam kay tita Alice ang tunay kong dahilan.

Nalaman kong simula ng umalis ako kung sino sino ng babae ang kasama ng mahal ko. Sobra sobra kong iniiyakan yun sa bawat araw at gabing nagdaan. Isipin ko pa lang na may kasama siyang iba nadudurog na yung puso ko sa sakit lalo na nung sinabi sakin ni tito na lahat ng babaeng napapalapit sakanya ay kalaro niya sa kama. Gusto ko ako lang yung magpapaligaya sakanya pero dahil na rin sa kaduwagan ko noon nag-iba na ang lahat. Siya rin naman ang dahilan ko kung bakit ko yun nagawa para mabasbasan na ni daddy yung pagmamahalan naming dalawa.

After five long years pinayagan na rin ako ni dad na makabalik dito sa Pilipinas at tinupad niya yung pangako niya sa akin. Natanggap niya ng si Aleson lang talaga ang magpapaligaya sakin at ang tanging mamahalin ko. Kaya sinuportahan pa niya ko sa pagbabalik kong ito. Isa kami sa pinaka mahalagang investor ng kompanyang pinapasukan ng mahal ko kaya ni-request ko kay dad na gusto kong si Aleson ang isama ng boss niya sa luncheon meeting namin.

Lahat gagawin ko mabalik lang sakin ang mahal ko. Kaya nung nalaman kong nagsasama na sila ni Honey minadali ko ang lahat ng kailangan at gawin sa Spain. Akin lang si Aleson akin lang siya. Alam kong ipagtatabuyan niya ko kaya hindi ako susuko para mabalik yung pagmamahal niya sakin.

"Princess magpahinga ka na muna. Next week pa naman yung meeting."

"Yes dad. Thanks."

"Basta wag kang susuko kung ipagtabuyan ka niya. Just bring home the bacon."

Natawa na lang ako sa sinabi ni dad. Ang sabi pa nga niya nung nasa Spain pa ko kung sakaling magkabalikan kami ni mahal mag propose na daw ako agad at madaliin na namin ang pagkakaroon ng anak. Kung may mabubuo nga lang sana nuon pa nabuntis na ko dahil na rin sa pagiging hyper ni Aleson sa kama. Napapangiti ako pag naaalala ko yung mga sandaling pinagsaluhan namin limang taon na ang nakakalipas.

"Baby handa ka na ba sa pagkikita niyong muli?"

"Yes mom. Sobrang handa na po ako. Sobrang miss ko na siya at gusto ko ng makita at mayakap ang mahal ko."

"Basta princess pag nagpakipot siya pikutin mo na ha? Then mamamanhikan na tayo sakanila."

"Dad. Bakit tayo yung mamamanhikan? Dapat po sila."

"Just in case lang naman princess. Gusto ko kasing mabawi niyong dalawa ang limang taong pinagkait ko sa inyo. I'm sorry anak. I'm sorry kung sana noon ko pa sinuportahan ang relasyon niyo edi sana masaya na kayo ngayon."

"Dad tapos na po yun. Nangyari na at isa pa po tinupad niyo rin naman yung pangako niyo sa akin noon. Kaya ayos na po yun sakin. I love you dad."

"I love you too princess."

Then niyakap ko si dad. Nakiyakap na rin si mommy sa amin. Ngayon masaya na ko dahil wala na kong problema sa family ko. Si Aleson na lang ang kulang at sa pagbabalik ko sana mabalik na rin siya sa akin.

She Is She [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon