Ch. 29 Grow Old With You

2.9K 72 6
                                    

Shane

Isang taon na ang lumipas at mas lalong naging masaya ang pagsasama namin ni mahal. One year of love. Hihi. Pero hindi pa rin siya nagppropose sakin. Ang daming pasabog ni Aleson kagaya ngayon nag file siya ng leave sa trabaho para lang sa pagpunta namin dito sa isang island somewhere in Palawan.

"Mahal....pag sinabi ko ba sayong hindi na kita mahal. Papalayain mo ba ko?"

"Seryoso ba yan? Wag mo nga ko niloloko Aleson."

"Sagutin mo na lang mahal."

"*sigh* fine! Kung.......*gulp* kung mawala man yung pagmamahal mo sakin... Handa akong palayain ka kahit sobrang sakit para sakin."

Nagulat ako ng bigla niya kong yakapin ng sobrang higpit.

"Mahal palayain mo na ko."

Bumitaw ako sa pagkakayap namin at tinignan ko siya ng taimtim sakanyang mga mata.

"Mahal ano bang sinasabi mo?"

"Palayain mo na ko Shane."

"B-bakit? M-may nagawa ba k-ko n-na a-ayaw mo?"

"Basta palayain mo na ko."

"A-re you having an affair? Tell me Aleson! Are you cheating on me?!"

"Hindi...hindi Shane wala akong iba."

"Then what?"

Naiiyak na ko sobra. Bakit niya nasasabi sakin yun. Akala ko ba mahal niya ko?

"Gusto kong maging masaya ka kahit wala na ko."

"Bullshit! Pano ko magiging masaya kung wala ka ha?! Alam mo naman ikaw lang ang kaligayahan ko!"

"Shane listen to me. Palayain mo na ko ayokong masaktan ka."

"Tingin mo sa mga sinasabi mo sakin hindi ako nasasaktan? Damn you Aleson!"

Nagpakawala siya ng isang malakas na buntong hininga. Nakikita ko sa mga mata niya na nahihirapan siya pero bakit gusto niyang palayain ko siya?

"Shane may taning na ang buhay ko. Ayokong matali ka sakin. Ayokong mahirapan ka sa piling ko. Ayokong masaktan ka ng sobra pag nawala na ko. Ayokong mamatay din ang puso mo pag nilisan ko na ang mundo ito. Kaya......kaya gusto kong palayain mo na ko. Gusto kong maging masaya ka....magmahal kang muli. Palayain na natin ang isa't-isa."

Hindi ako makapaniwala sa lahat ng mga sinasabi niya sakin. Patuloy pa rin ang pagdaloy ng masaganang luha sa aking mata.

"Shane please...palayain mo na ko. I'm begging you."

Nakaluhod na siya sa harap ko at umiiyak na din. Kaya napaluhod na rin ako at niyakap ko siya ng sobrang higpit. Mahal na mahal ko siya wala na kong pakialam kung ano ang mga mangyayari.

"I'm sorry mahal....pero ayokong palayain ka. Sabay tayong lalaban. Wala akong pakialam kung masaktan man ako dahil hindi na ko magmamahal pa dahil yung puso ko ay pagmamay-ari mo na."

Magkasama naming hinarap ang sakit niya. Sampung buwan na rin ang nakakaraan ng inamin niya sakin ang sakit niya. Blood cancer o leukemia ang tumamang sakit sakanya. Last year lang siya na diagnose na stage four na ang cancer niya. Tuwing may session siya sa theraphy niya hindi ko mapigilang umiyak lalo na pag nakikita kong nasasaktan siya parang dinudurog ang puso ko. Ako yung mas nasasaktan pag naririnig ko yung mga impit niyang paghikbi dahil sa sakit na nararamdaman niya.

Monthsary namin ngayon at may hinanda akong surpresa para sakanya. Kasabwat ko sila tita Alice at si Adam pati na rin sila mommy at daddy at pati si Honey. Oo si Honey nga. Simula ng malaman namin ang sakit ni mahal napagdesisyunan ko na maging kaibigan si Honey ganun din naman siya sakin.

"Princess ayos na ang lahat. Ready ka na ba?"

"Yes dad."

Nakapwesto na ang lahat. Ready na ko.

Nakita ko na ang pinaka mamahal ko na banayad na nakangiti sa akin. Kitang kita ko ang magandang mukha niya na sobrang nagpatibok ng puso ko. Halata man sakanya ang pamumutla at unti unting pagkalagas ng kanyang buhok hindi pa rin mababawasan ang taglay niyang ganda. Patuloy pa ring lumalaban ang mahal ko sa pesteng sakit niya.

Unti-unting pumailanlang ang isang mabining tunog. Grow old with you ang napili kong kanta na gusto kong ialay sakanya.

"Ehem..... Mahal marami na tayong napagdaanan. Limang taon tayong nawalay sa isa't-isa. Limang taon tayong nabuhay na wala ang presensya ng bawat isa. Limang taon ang matuling nasayang sa pag-iibiga  natin.... Kaya ngayon *sigh* Aleson Lazaro. Mahal ko please GROW OLD WITH ME."

Hindi ko maiwasang umiyak dahil andami na naming napagdaanan. Hindi ko siya bibitawan ng ganun-ganun na lang dahil sobra ko siyang mahal.

"Mahal... *sniff* bakit nagpropose ka pa? *sniff* alam mo naman saglit na lang ako dit----"

"Sssshhhh... Wala akong pakialam mahal ko. Gusto kong tumanda na ikaw ang kasama wala ng iba pa.".

Lumapit na ko sakanya at niyakap ko siya. Nanghihina na ang katawan ng mahal ko at tinapat na rin kami ng mga doctor sa kalagayan niya. Saglit na nga lang daw ang itatagal niya dahil kumalat na ang cancer sa katawan niya. Pero kagaya ng sinabi ko gusto kong tumanda na siya ang kasama. I can't imagine my life without her.

---------------------------------------

A/N: Alam kong masyadong hard ang chapter na to. I'm sorry mga loves. Sorry din pala kung hindi specific yung sa cancer eklavu. Hindi kasi medicine ang field ko. Marine yung course ko e. Sana nagustuhan niyo vote-comment lang po. Isang chapter na lang. Thanks.

-Jujuming

She Is She [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon