Ch. 26 My One and Only

3.1K 63 0
                                    

Aleson

Sa ikalawang pagkakataon muli kong naangkin ang kariktang taglay ng pinakamamahal kong dyosa. Sobrang kinasabikan ko ang sandaling ito. Nagpasya na rin akong dito na muna tumuloy sa bahay nila at kakausapin ko na lang si Honey tungkol dito. Alam kong masasaktan siya pero kailangan kong gawin to.

"Uhmm...mahal may isang hiling lang ako."

"Ano yun mahal ko?"

"Wag ka ng mambabae.....please. Gusto ako lang."

"Mula nuon hanggang ngayon ikaw lang naman talaga yung nasa puso ko."

"Pero nagawa mo pa ring mambabae. Alam ko kaya lahat ng mga naging kalandian mo dito."

"Masisisi mo ba ko e poging maganda ko. *smirk*"

Bigla niya kong kinagat sa balikat ko kaya napa sigaw ako sa sobrang sakit.

"Grabe ka napaka sadista mo pa rin talaga."

"Ikaw kasi nakakainis ka. Ano pala plano mo? Sasabihin mo na ba kay Honey na nagkabalikan na tayo?"

"Hahanap pa ko ng tamang timing para sabihin sakanya."

Pagkasabi ko nun tinalikuran niya na ko saka tumayo at pinulot ang mga damit niya na binalibag ko lang kung saan.

"Intindihin mo naman ako Shane. Hindi naman ganun kadaling bitawan si Honey."

"So pag si Honey na Shane na lang ako sayo? Ha?!"

Kakaayos pa lang namin pero heto at nag-aaway na agad kami. Ayokong makipag away sakanya at nagbihis na din ako. Palabas na ko ng kwarto niya ng hinila niya ko pabalik.

"Iiwan mo ko? Tapos pupuntahan mo yung Honey mo?"

Pasigaw niyang sabi sakin na halos lumabas na yung ugat niya at lumalabas yung pagka tisay niya dahil namumula na siya.

"Bukas na lang tayo mag-usap ayoko makipag talo. Kakaayos pa lang natin tapos inaaway mo ko."

Niyakap niya ko mula sa likuran ko at umiiyak siya. Shit talaga.

"Sorry...sorry...sorry mahal ko wag ka na magalit. Wag mo ko iwan hindi ko na kakayanin pa."

Himarap na ko sakanya at hinalikan ko siya para kumalma. Nasasaktan ako pag umiiyak siya.

"Husshh...tahan na mahal ko hindi ako galit at hindi kita iiwan mahal na mahal kita. Bukas na bukas bago tayo pumunta sa birthday ni tito Louie kakausapin ko na siya. Wag ka ng iiyak ha?"

Tumango lang siya at niyakap ako ng sobrang higpit kaya dinala ko na siya sa kama para makapahinga na rin dahil alam kong napagod siya sa araw na ito.

Nakahiga na kami nang bigla siyang magsalita at pumatong sakin.

"Mahal sobrang saya ko dahil magkasama na tayo ulit. Alam mo ba sabi ni dad pikutin na kita para wala kang kawala."

May pagkapilya siyang ngumiti sakin at binigyan ako ng isang smack sa labi.

"Pag natapos ko na ang mga dapat kong gawin pormak kong hihingin ang kamay mo sa parents mo."

"Talaga mahal?"

"Oo ayaw mo ba?"

"Siyempre gusto ko. Gustong gusto ko. Ikaw lang ang gusto kong makasama pag pumuti na ang buhok ko at kumulubot ang mga balat ko."

"Ako rin mahal ko. Gagawin ko lahat para magka baby tayo yung sariling atin. Maghahanap ako ng sperm donor."

"Gusto ko mahal kahit dalawa lang ang hirap kasi manganak."

"Kung ilan ang gusto mo mahal ko masusunod."

Buong gabi lang kami nag usap tungkol sa future namin. Ang saya sa feeling na kasama mong bumuo ng mga plano para sa future ang taong mahal mo. Kailangan ko ng maayos lahat sa buhay ko kakausapin ko na lahat ng mga chixx ko lalo na si Honey. Kahit hindi ko namab siya pinangakuan ng kahit ano naging malaking parte pa rin siya ng buhay ko. Nung iniwa  ako ni Shane siya yung bukod tangi na nagtyaga sa isang tulad ko. She had me at my worst side. She knows all my imperfections and my flaws. She's been there for me when I need her most of the time. She's been my partner and my bestfriend for the last five years of my existence. And I'm very thankful to have her that's why it's not easy for me to break her heart over and over again.

Alam kong sa gagawin ko baka sumpain na ko ni Honey sana mapatawad niya ko. Dahil si Shane lang talaga ang gusto kong makasama. Walang iba siya pa rin talaga. My one and only Shane.

-------------------------------------

A/N: Nasa side po yung poging maganda na si Aleson. Thank you sa pagpayag na maging Aleson. Love you Keith babe haha. Like-Comment  na lang po thanks loves.

-Jujuming

She Is She [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon