Ch. 13 Temptation

3.4K 73 3
                                    

Aleson

Nauna ng umuwi si Adam dahil may date pa daw sila ni Blaire kaya kami na lang ni Shane ang natira hinatid ko lang siya sa bahay nila tinatamad daw kasi siya mag mall.

"Bakit kakaibabe yung kinanta mo?"

"Bakit hindi mo ba nagustuhan?"

"Nagustuhan ko. Pero bakit nga kakaibabe?"

"E kasi isa kang kakaibang babae. Iba ka sa mga babaeng nakilala ko."

"Totoo ba yan?"

"Oo totoo yun... Shane Mari Wenceslao hayaan mo lang akong mahalin ka. Araw-araw liligawan kita dahil seryoso ako sayo."

"Tara kumain na tayo."

Langya di man lang siya kinilig dun? Tahimik lang akong kumain mamaya aalis na din ako kasi may pasok pa ko sa restau.

"Aleson wag ka na muna kaya pumasok. Mag movie marathon tayo whole day."

"Hindi pwede mahal ko. Magagalit yung manager namin."

"Ngayon lang naman e. Sige na."

"Sorry mahal ko. Hindi talaga pwede. Ganto na lang pag out ko dito ko agad pupunta. Okay ba yun?"

"*sigh* sige. (-__ -)"

"Wag ka na magtampo mahal ko. Sige na mag smile ka na."

"Oo na pero utang na loob Aleson layuan mo yung Honey na yun. Sasakalin talaga kita pag nakipag landian ka na naman dun."

"Oo mahal pipilitin kong lumayo sa kanya."

"Wag mo pilitin gawin mo."

"Opo magandang dyosa."

"Nambola pa."

"Hindi kita binobola. Sige na aalis na ko see you later mahal ko."

"Layuan mo yung Honey na yun at kahit sinong babae na lalapit sayo kundi...."

"Kundi ano? Anong gagawin mo mahal?"

"Paslang ka! *smirk*"

Grabe napalunok nalang ako sa sinabi niya. Napaka brutal pala ng mahal ko ngayon ko lang nalaman. Sobrang hinhin kasi niya halos hindi nga makabasag pinggan yan. Pero pag nagseselos siya para siyang monster. Scary!

Pinipilit ko talagang iwasan si Honey pero siya talaga yung lapit ng lapit sakin.

"Ales sabay na tayo pag-uwi." Honey.

"Ahh Honey kailangan ko na kasing mauna e. Ingat ka na lang ha."

"Ales iniiwasan mo ba ko?"

"H-hindi bat mo naman nasabi yan?"

"Kapag lumalapit kasi ako sayo lumalayo ka agad. May problema ba tayo?"

"Honey kasi... "

"Kasi ano?"

"Ayokong magalit si Shane. Sorry Honey."

"Ako ang nauna sakanya Ales. Nagawa ko ng ibigay sayo yung sarilu ko tapos iiwan mo ko. Gago ka ba?"

"Honey kusa mong binigay yun hindi kita pinilit."

"Oo kusa kong binigay sayo dahil mahal kita. Mahal na mahal kita Ales."

Umiiyak na si Honey buti na lang madilim dito sa parteng bahagi ng daanan at walang taong dumadaan.

Sa pagkaawa ko sakanya niyakap ko siya para patahanin ayoko kasing may umiiyak sa harap ko.

"Ales willing akong maging other woman mo. Wag mo lang akong iwan."

"Honey wag ako. Mas may karapat dapat sa pagmamahal mo--"

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil bigla niya na lang akong siniil ng halik. Inilalayo ko yung sarili ko sakanya pero ang lakas niya kaya hindi ako makatakas sa halik niya. Unti-unti na rin akong nag-iinit pero alam kong mali to. Magagalit si Shane.

"Ahh. Ales... Make love to me.. Uhhmm."

Hindi ko na rin napigilan yung sarili ko. Kailangan kong mailabas tong init ko. Kaya nagpara kami ng taxi ni Honey at dumirecho sa apartment niya at muli ibinigay na naman niya sa akin. Naangkin ko nanaman ang kariktan niya.

------------------------------------------------------

A/N: Sorry hindi ko na na-emphasize yung BS wala kasi ako sa mood. Haha joke lang. Masyadong marupok si Aleson nagpatangay sa init. Vote-Comment-Like na lang po thank you.

-Jujuming

She Is She [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon