Ch. 25 I Still Love You

3K 74 0
                                    

Aleson

Two months na kong assistant ni Shane isang buwan na lang at matatapos na to. Ilang linggo ko na ring hindi pinagbibigyan yung mga chixx ko lalo na si Honey. Uuwi lang ako sa condo para matulog at sa umaga papasok. Minsan na rin akong kinausap ni Honey dahil nawawalan na daw ako ng oras sakanya.

Nagsimula lang gumulo uli yung buhay ko ng magbalik si Shane at sinabing mahal niya ko. Ganun na lang ba yun? Matapos niya kong hiwalayan at iwanan babalik siya para sabihing mahal niya ko? Bullshit!

Pero kahit galit ako sakanya may isang malaking bahagi ng puso ko ang hawak pa rin niya.

"Anak. Birthday ni tito Louie mo bukas samahan niyo ko ni Adam."

Pag si mama na ang nag-aya hindi ko na talaga matatanggihan kaya kahit ayaw ko napatango na lang ako sakanya.

"At isa pa pala anak. Kung pwede sana wag mo ng isama si Honey dahil alam mo namang andun si Shane."

"Oo na po ma. May iba pa po ba kayong sasabihin?"

"Uhhmm. That's all. Bye anak!"

Hinalikan na ko ni mama at lumabas na siya ng bahay. Dahil wala naman akong pasok andito ko ngayon sa bahay namin. Si Adam naman kinukulit akong lumabas at makipag date dun sa friend daw niya dahil naaalibadbaran daw siya sa mukha ko. Leche to porke mas pogi ako sakanya pinapalayas ako sa bahay namin.

"Aleson lumayas ka na dalian mo na."

"Leche ka Adamson wag mo nga ko yamutin ngayon."

"Dalian mo na kasi baka andun na yung ka-date mo."

"Kung gusto mo ikaw na lang pumunta dun at makipag date."

"Ang daming arte bilisan mo na nga Aleson!"

"Leche ka naman e. Tandaan mo to Adamson pag mukhang hipon yun ipapalamon ko sayo tong raketa ko."

"*smirk* trust me bal. Magugustuhan mo siya. Go na bye!"

Itinulak niya na ko papasok ng kotse ko kaya pinaandar ko na rin ito papunta sa lugar kung saan ang tagpuan namin nung so-called-friend ni Adam.

Nakarating ako dito sa isang garden. Pagbaba ko ng kotse sinimulan ko ng maglakad at sa paglalakad ko may narinig akong isang tinig na kumakanta. At alam kong siya yun.

Mahal Na Mahal
By Sam Concepcion

Kung may taong daratnan
Mahalin ay walang iba kundi ikaw
Wala ni ibang makakapigil pa sa akin
Binuhay mong muli
Ang takbo at tibok ng puso
Sayong pagmamahal

Tumuloy lang ako sa paglalakad habang nakanya din siya. Hindi ko alam kung nasaan siya.

Ang buhay kulay nag-iba
Napuno ng saya
Sa lahat di maari
Hindi maaring iwan
Wala ng makakapigil
Kahit na bagyo man
Pano kung ikaw na mismong
Kusang lilisan
Pano ba?

*Kung mawalay ka sa buhay ko
Kung pag-ibig mo ay maglaho
Pano na kaya ang mundo
Kung sa oras di ka makita
Kung ikaw ay napakalayo na
May buhay pa kayo tong puso
Yan lang ang maari nating sadyang     matatanggap
Habang ako'y may buhay
Mahal na mahal kita
Higit pa sa iniisip mo

Sa paglalakad ko narating ko ang isang  table na para lang sa dalawa. Nasa loob ito ng isang malaking heart shape na puro red petals. Humakbang ako dito para makapasok sa hugis pusong ito.

Binuhay mong muli
Ang takbo at tibok ng puso
Sayong pagmamahal
Ang buhay kula nag-iba
Napuno ng saya

Sa lahat di maari
Hindi maaring iwan
Wala ng makakapigi
Kahit na bagyo man
Pano kung ikaw na mismo
Kusang lilisan
Paano ba?

Repeat *

Mahal na mahal kita
Mahal na mahal kita
Mahal na mahal kita
Higit pa sa iniisip mo

Repeat 2x

Kung mawalay ka sa buhay ko
Kung pag-ibig mo ay maglaho
Pano na kaya ang mundo ohh
Kung sa oras di ka makita
Kung ika'y napakalayo na
May buhay pa kaya tong puso

Bigla siyang lumabas sa kung saan at dahan dahan siyang lumapit sakin habang nakanta pa rin.

Yan lang ang maari nating sadyang matatanggap
Habang ako'y may buhay

Aleson
Mahal na mahal kita
Higit pa sa iniisip mo
Ohhhhhh.

Tapos na siyang kumanta pero nakatitig pa rin ako sakanya. Sa maamo niyang mukha. Sa mga nangungusap niyang mata. Sa mala rosas niyang pisngi. Sa matangos niyang ilong at sa mapang akit niyang labi.

"Akala ko hindi ka na darating mahal ko."

Nanatili akong walang imik. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin. Hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin ang babaeng to.  Ang tanging babaeng pinag alayan ko ng buong puso ko. At siya rin ang babaeng bumasag nito.

"Mahal ko. Walang araw at gabing hindi kita iniyakan. Nung nakipaghiwalay ako sayo para ko na ring pinatay ang sarili ko. Hindi ko na alam kung pano pa mabuhay kung wala ka. Kaya *sniff* kaya ko lang nagawang iwan ka *sniff* kasi yun lang ang paraan."

"Shane bat mo sinasabi to?"

"Sshhh. Let me finish first mahal... Yun yung paraan *sniff* para magawa tayong tanggapin ni dad. Hinamon niya ko na...na *sniff* kung malalayo ako sayo ng limang taon at kung ikaw pa rin ba ang mahal ko hahayaan niya na tayo. *sniff* hahayaan niya na yung relasyon natin. I-I'm so sorry mahal. I'm really sorry kung *sniff* iniwan kita."

Lahat ng sakit sa nakaraang limang taon nagbalik sakin. Pati yung nararamdaman ko sakanya hanggang ngayon. Hanggang ngayon mahal na mahal ko pa rin siya.

Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Ngayong alam ko na ang dahilan niya sa isang iglap nawala lahat ng galit.

"Mahal na mahal kita Shane. Mahal na mahal kita kahit ang sakit sakit ng ginawa mo."

Tumingkayad siya sakin at binigyan ako ng maalab na halik sa labi ko. Isa ito sa pinanabikan ko sa nakalipas na mga taon.

------------------------------

A/N: Maraming salamat sa lahat ng mga nagbabasa ng storyang ito. Sana wag kayo magsawa. Vote-Comment lang loves.

-Jujuming

She Is She [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon