One

247 14 14
                                    

Chapter One. (3rd person's POV)

The door pounds.

"Liz! Bumangon ka na dyan!" sigaw ng tao sa likod ng pintuan.

"No, I don't want to" antok na bulong naman ng babaeng kanina pa kinakatok ng nag-aalaga sa kanya.

Kinuha na ng gumigising sa kanya ang susi ng kwarto nito ngunit di niya mabuksan ang kwarto niya. Lingid sa kaalaman niya na kino-control lamang ito ng babae sa loob ng kwarto, pinipigilan na mabuksan ang doorknob.

Ilang minuto din ang nakaraan ng tuluyan ng magising ang babae at tumayo. Gamit ang kakayahan na mayroon siya, inalis nya ang lock sa doorknob at kasabay nun ang paglipad ng tuwalya sa direksyon niya.

Pagpasok palang nito sa banyo niya ay bumukas na ang ilaw kahit hindi niya hinawakan ang switch. Bumuhos ang tubig sa gripo kahit wala syang ginagawa. Nalagyan ng toothpaste ang kanyang toothbrush ng walang palya.

Lahat ng ito ginawa nya gamit ang abilidad na meron sya. A gift perhaps, but for her, it's nothing but a curse, no more, no less.

Makaraan ang ilang minuto, natapos sya sa early routines nya.

Habang inaayos nya ang mga gamit nya ay tila may sariling buhay ang kama nya at nailigpit ang sarili nito.

Kasunod non ay lumabas na sya sa kwarto at bumaba sa kusina.

Nadatnan nyang naghuhugas ng plato si Renee, ang nag-aalaga sa kanya simula pagkabata.

Pasimple syang ngumiti at pinalutang ang mga plato na nalinis na papunta sa taas ng cabinet kung saan sila nilalagay.

Napatigil naman sa pagtatrabaho si Renee dahil sa nakita.

"Liz, ilang beses ko bang uulitin sa'yo na 'no touching of the kitchen utensils'?"

She shrugged and let one plate float towards her and she started to eat her breakfast.

"The best-est breakfast ever" masiglang batid ni Liz pagkatapos nitong kumain, humarap naman sa kanya si Renee ng may ngiti din sa labi.

"Mukhang maganda ang gising mo ah" sabi nito.

I was dying last night. "Yes, I guess" at tsaka siya ngumiti.

"No nightmares?" nag-aalalang tanong nito.

A lot. "No nightmares, don't worry" then she smiled. A fake one.

"Off you go, then" Ayaw man nyang tumayo pero tumayo pa rin sya.

Now I'm facing a real nightmare. She thought.

Pagkalabas nya ng bahay ay sinalubong sya ng ihip ng hangin na tila kamay na hinaplos hindi lang ang kanyang pisikal na katawan, pati ang kaloob-looban nya.

Ordinaryong 16 year old lang si Liz sa mga mata ng mga tao pero hindi.

Sa totoo lang, kaya nyang pataubin ang mga sasakyang nakikita nya, kaya nyang gumawa ng gulo ng walang nakakaalam. Pero, hindi nya kaya.

Hinigpitan nya ang hawak sa strap ng backpack nya at huminga ng malalim, "School's a nightmare", bulong nya habang naghihintay ng sasakyan papuntang "Doom School" kung tawagin nya.

Kahit naiiba ang mga tulad nya sa mundong ito, namumuhay pa rin sila ng normal hanggang sa maging 17 na sila at haharapin na ang kapalarang nasa harapan nila. Yung ang 'Reaping', iba sa kanila ay mapupunta sa Abandounen, at ang iba ay sa Ethereal.

Lingid sa kaalaman ng mga tao na nahahati ang mundo natin sa dalawa, isa dito ang Ethereal World na katumbas ng langit sa mga tao. At ang isa ang Abandounen World, na katumbas ng hell. Subalit ang paghahati na ito ay para lang sa kanila.

Halos 500 years na ang nakalilipas ng magsimula ang 'curse' ng pamilya Collins. Nagsimula ito sa kanyang great grandfather. Once, her great grandfather fell inlove with a girl, a human girl, and he thought that would leave them a happy ever after. But that was a false hope. The girl fell out of love that left him hanging, miserable and bitter, enough to make his heart sulk. Before the clock ticks 12 on his birthday, he made a terrible mistake. He killed himself and set a curse that no one in the family lineage will make it to Ethereal, and all of them shall rot in darkness.

Simula ng araw na yun, sunud-sunod na ang fall ng apelyidong iniingatan nila. Hanggang sa pamilya nya, ang ate at kuya nya ay nasa Abandounen na, at ang susunod, alam nyang sya na.

Pero bago nya problemahin yun, kailangan nya munang harapin ang isa pa.

School.

-------------
AN: Late UD for so long, sana hindi crappy.

~ Ella x.

BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon