Fourteen

76 4 0
                                    

-



Chapter Fourteen (Elizabeth's)





The sun shines too brightly.



Annoyingly bright.



Pero hindi pa naman 'yung tipo ng sikat na kumikintal sa balat. Basta, nararamdaman 'kong kakaiba ang sikat ng araw ngayon.



Just like the old times, naglalakad ako habang nakayuko at nakalagay sa bulsa ng pantalon na suot 'ko ang mga kamay 'ko. Isang tipikal na araw.



"Liz!" nilingon 'ko kung saan nanggaling ang tawag na 'yun at nakumpirma na si Millie iyon.



"Kamusta? How's your weekend?" tanong nya nang makalapit sa'kin.



"It's pretty normal, I watched something," sagot 'ko naman sa kanya at sabay kaming naglakad papasok.



"What is it?" tanong nya.



"'Yung hiniram 'ko sa'yo," sagot 'ko. Tumango naman sya at ngumiti.



"Oh, right, 'yung 'A Walk to Remember' 'di ba?" tumango naman ako. "So, any movie review?" tanong nya.



"Love is weird," mabilis na naisagot 'ko ng hindi man lang namalayan na 'yun pala ang lumabas sa bibig 'ko.



Makahulugang tingin naman ang ginawad sa'kin ni Millie habang nakangisi. "What?" sabi 'ko sa kanya.



"Nothing. I didn't expect you'll say that," nakangising sagot nya sa'kin.



"Say what?" tanong 'ko naman sa kanya.



"You know, the "love" word," sagot nya kasabay ang air quotes na ginawa nya sa dalawang kamay nya.



Umiling na lang ako at inunahan sya sa lakad.



"Liz, wait up!"



***



Strange things happen every day. Wanna know why?



'Coz Alex didn't spare me a glance. Pero alam 'ko na nakita nya ako, naramdaman 'kong tinignan nya ako kanina, hindi 'ko tuloy alam kung bakit sya hindi namamansin.



You asked for this remember? Of course, siguro sa wakas, lulubayan na nya ako. Sa wakas, nakinig na rin sya sa sinabi 'ko noon pa na layuan nya ako.



Ang hindi 'ko lang maintindihan ay ang nararamdaman 'ko. It felt like there is this twisting kind of thing that is coming from my center. It felt weird, it felt like I lose something. I dunno but, I can remember this feeling when I watched how Jamie avoided Landon.



Nababaliw na ba ako? Baka nagkakamali lang ako sa nararamdaman 'ko. Napakaimposible ng naiisip 'ko eh. I shook off the thought out on my head.



Naglakad ako sa hallway ng nakayuko at nakakunot ang noo. Napakaweird ng paligid.



"What's with the face?" tanong ni Millie ng makita nya ako sa cafeteria.



"Nothing," maikling sagot ko at tsaka umupo sa harap nya.



"Oh, come on, I know that look in your face. It says, "Oh-what's-wrong-with-Alex" or "Alex-is-so-annoying-I-wanna-stab-his-eyeballs-out", there's something in between," sabi niya sa'kin habang nilalagyan nya ng sauce ang pizza na binili nya.



Nanahimik na lang ako habang nakatingin sa pizza na nakahapag sa harapan 'ko. Hindi 'ko namalayan na napalutang ko na pala yung sauce kaya hindi ito nalalagay sa mismong pizza.



"Liz, gusto ko ng kumain, ano ba," pagsabi nun ni Millie ay kusa ng nailagay ang sauce sa pizza nya. Napasabi naman ng, "Oh, I'm starving," si Millie at tsaka nito nilantakan ang pizza.



"So, what's with Alex now?" tanong nito bago kumagat sa slice ng pizza nya.



"He..." nagpalutang muna ako ng isang slice ng pizza sa harapan ko at tsaka ito kinuha bago nagsalita muli, "... avoided me."



Nilunok muna ni Millie ang nasa bibig nya bago sumagot.



"O, di ba yun naman ang gusto mo? Na iwasan ka nya, na lubayan ka nya. Then why do you sound disappointed?" tanong nya sa'kin na nagpasakit ng sentido ko.



"That. I don't know," sagot ko nalang.



Magsasalita pa sana si Millie pero inunahan ko na ito, "Let's not talk about it."



Kaya kumain na lang kami, pero kahit na ganun, nasa isip ko pa rin ang nangyari kanina.



***



Preoccupied pa rin ako hanggang sa matapos na ang huling klase ko for the day.



Naglalakad na ako palabas ng gate ng mayroon akong nabangga dahil sa wala ako sa sarili ko. Muntik ng matapon ang lahat ng hawak nya pero napigilan ko yun via levitation.



"Sorry," sagot ko habang kinukuha ang libro nya na nasa ere pa.



Nabato naman sa pwesto nya ang nabangga ko, inangat ko ang tingin ko at nakita ang gulat na mukha ni Alex.



Ang pinakahuling mukha na gusto 'kong makita ngayong araw. Hay.



"Uh, sorry," sabay abot ko ng libro nya. Kinuha naman nya ito tsaka mabilis na lumabas sa gate ng eskwelahan.



"Wala man lang 'Thank you'? Fine," bulong ko sa sarili ko at pinagpatuloy ang paglalakad.



Pero rumehistro sa isipan ko yung gulat na mukha ni Alex. Hindi ko tuloy alam kung gulat sya dahil ako, na iniiwasan nya, yung nakita nya. O dahil may ibang bagay pa.



Oh, how I wish na hindi nya nakita ang ginawa ko, dahil pag nagkataon, mas lalo syang lalayo sa'kin.



I can't bear that thought.



---



Author's note:



Busy lang these past few weeks dahil sa org at exams. Hahaha.



-Ella.

BetweenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon