Taglish is back. I can still edit this and other Taglish chapters into English ones di ba? Hope you understand.
-
Chapter Ten (Elizabeth's)
∞
"I'm very delighted, Liz. Thank you," pag-uulit na naman ni Millie na kasalukuyang katabi 'kong kumakain. Kanina pa nya sinasabi na sobrang saya at tuwa nya ng pumayag ako. Ako naman, tipid na ngiti lang ang binabalik 'ko sa kanya.
I caught some teens looking at us. Paniguradong nagtataka sila kung bakit kasama ng isang tulad 'ko ang isang tulad ni Millie, why the hell they care now?
Okay, chill now. I need to control. Focus. Control.
"Hey, Liz," napalingon naman ako sa tumawag sa'kin, great, it's Ashley. Buti hindi nya ako tinawag na burner.
"Yeah?" sagot ko naman sa kanya.
"Trying something freaky huh? Kasama mo pa talaga si Millie, too bad for her," sabi nya at binaling ang tingin sa kumakain na si Millie at sinabayan ng pag-smirk.
I smirked back, magsasalita na sana ako ng sagot ko sa kanya nang nagsalita si Millie.
"Oh, shut up Ashley, tahimik kaming kumakain, at ang pinakaayaw ko sa lahat ay yung talak ng talak habang kumakain ako, nakakasira ng mood, mind your own food," tuloy-tuloy na sabi ni Millie habang nafocus sa pagkain nya, kinabigla naman namin ni Ashley 'yung inasta nya. Ako, humangang nabigla, habang sya, nabiglang napahiya.
"Wow, konting oras palang kayong magkasama, nahawa na sya sa ugali mo Liz, napakabad-influence nga naman," at sinabayan pa nya ng pagtingin sa'kin from head to foot. I rolled my eyes.
"I can't do telekinesis Ashley, pero kaya ni Liz na gawin yun at kapag nainis na talaga ako sa'yo, hihilingin 'ko sa kanyang itapon ka nya sa labas ng cafeteria. Ooh, that would hurt sooo bad. And I can assure you something," medyo nilapit nya ang mukha nya at bumulong ng, "I won't heal you," and it's her turn to smirk. Wow, napapahanga ako ni Millie, she's acting like a bitchy innocent girl.
Napanganga na lamang si Ashley at hindi nakasagot, mas lalong lumawak ang ngisi sa mukha 'ko. Gusto ko ngang humagalpak sa tawa pero pinigilan ko nalang. Nang wala na talaga syang masagot pa ay umirap nalang sya at nagmartsa paalis ng cafeteria.
Pagkaalis nya ay napatingin naman ako kay Millie, na bumalik sa pagkain nya.
"Whoa, Millie, why did you act like that?" tanong ko sa kanya.
"Act like what?" tanong nya pabalik sa'kin.
"You do realize na sinagot-sagot mo lang si Ashley right?" tanong ko ulit. Tumango naman sya. "Then, why?" huling tanong 'ko.
"For a very long time, all she did is to act like a superior, akala nya dahil namulat sya sa pagiging Achevens ay kaya na nyang mapanalo ang lahat. Well, she lost one. At tsaka lagi ka nalang nyang dini-dikdik bawat oras na nakikita ka nya, it's annoying," sagot nya at sumubo ng huling kutsara ng lunch nya.
Yumuko ako at nagsimulang kumain.
Matagal ko ng kilala si Millie, she has been a lifesaver with or without her gift. She would know the right things to say, and the right things to do. At palagi din syang nasa likod ko, kinukulit ako about many things. She's always trying her best to reach me out. Hindi ko alam kung bakit ganyan sya sa'kin. Kung bakit sa lahat ng pagkakataon na sinungitan, pinalayo at inayawan ko sya, hindi nya ako sinukuan.
What if all along, pinaniwala ko lang ang sarili ko na I'm better off alone. At dahil doon, natutulak ko na din palayo ang tulad ni Millie.
What if I deserve goodness too? What if I deserve someone to call a friend?
Siguro nga si Millie na yun.
***
Day 90, PE time is fun, especially when you got to control the ball from hitting your nose. Today, were up to volleyball. And doing a perfect serve can give you high chance of winning this thing.
"Mine!" sigaw ni Ashley habang binigyan ng malakas na spike ang bola na napunta sa side namin.
"Mine," normal na sagot ko at kinontrol ang bola na tumalbog sa'kin. Medyo napakalas ata ang naging spike ko sa bola kaya hindi ito nahahol ng sa kabilang team, mabuti nalang at inside pa rin iyon at sa amin napunta ang puntos.
19-10, lamang ang team namin, dahil halos lahat ng naging puntos namin ay ginawa ko lang. Kung hindi dahil sa paghilis ko ng bola para hindi ito matamaan ng kahit sino sa kabilang team ay pagpapahina ng serve ang ginagawa ko para naman imbes na mapunta sa'min ay bola ay hanggang sa net lang ito. Yun lang naman ang mga maliliit na pinapakealaman ng utak ko.
Nang makascore na ang team ko ng 25 ay binigyan muna kami ng time-out ng instructor namin. Kinuha ko naman ang tumbler ko at umupo sa sulok ng court.
Hindi man lang ako pinagpawisan ah.
Luminga-linga ako sa paligid nang makita si Alex kasama sina Luis Evans, family with the gift of strength, at si Vander Athlons, family with the gift of speed, na paakyat sa stage na may dalang materyales na gagamitin ng drama club para sa theater na gagawin nila.
Dahan-dahan nilang binaba 'yon sa stage at inayos. Nang iangat naman ni Alex ang kanyang tingin ay sumalubong ang mga mata nya sa'kin. Kahit metro ang layo nya sa'kin ay ramdam ko ang mata nya na bumabaon sa'kin. We stared at each other for a few seconds, but it felt like years. Inirapan 'ko na lang sya at mabilis na binawi ang tingin ko.
How intimidating is his eyes.
Saktong pagtayo ko ay biglang mayroong sumigaw at kaagad 'kong inangat ang tingin ko at para bang nag-slowmo ang kasalukuyang nangyayari.
Nawalan ng balance si Alex kaya nadulas ang isang paa nya at unti-unting nahuhulog sa stage. Sasaluhin ko sana sya gamit ang telekinesis ngunit nahuli na ako.
Nahulog sya sa stage ng nakahiga. Naunang tumama ang likuran nya.
Tatakbo na sana ako para malapitan sya ng makaramdam ako ng matinding sakit sa likod ko dahilan para mapaluhod ako.
Tatayo ulit sana ako pero gumuhit na naman ang sakit. Kaya nanatili akong nakaluhod, tinignan ko ang direksyon nya ay kinabigla ko ang nakita ko.
Alex is okay. He's standing right there, medyo nag-stretch. He looked so well, like he did not fell, ten seconds ago.
Susubukan ko sana ulit na tumayo pero may humawak sa balikat ko at naramdaman ko ang napakapamilyar na icy feeling.
"I saw what happened," lumingon ako at nakita ang nag-aalalang mata ni Millie.
Trust me Millie, I don't hella saw what happened.
----

BINABASA MO ANG
Between
FantasiLife is a series of metamorphic cycle. Life can sometimes be unfair. Life is always a living matter of choosing who you want to be. Unknown from mankind, extraordinary people live among us for almost a millennia. People like them kept their abilitie...