Chapter 6
Sinag ng araw ang sumalubong kay attorney Lucas pagkagising.
Bigla itong napaupo sa gulat ng makitang pa-late na ito sa trabaho. Bahagya pang sumakit ang ulo nito sa biglaang paggalaw.
Hindi na ito nag-abalang kumain at naligo na lamang bago pumanhik paalis papunta sa kaniyang trabaho.
Napuyat ito kaka-review sa panibagong kasong hawak niya.
This time, he took the defense side.
Linggo na rin ang lumipas nung huling usap nila attorney Collins at attorney Lucas.
Hindi na rin sila nakapag-usap muli sa personal sa kadahilang umuwi na pabalik sa ibang bansa si attorney Lucas.
Doon kasi talaga siya nagtatrabaho. Pumupunta lang ito sa Pilipinas sa tuwing nagkakaproblema ang hospital.
They talked with each other through phone call.
This is how their conversation went, a week ago.
Kinabukasan pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay tinawagan niya ito gamit ang numerong nakapaskil sa calling card na ibinigay ni attorney Lucas.
BRIDGESTONE MEDICAL CENTER
ATTY. LUCAS WINTERLAKE
0905-***-****
Dalawang ring pa ang nangyari bago ito tuluyang nasagot ni attorney Lucas.
"Hello... Is this attorney Lucas Winterlake?" tanong ni attorney Collins.
"Yes, speaking. Who is this please?" magalang at kalmadong sagot ng tao sa kabilang linya. Prente itong nakaupo sa kaniyang swivel chair, pinaikot-ikot niya ito habang may kausap sa cellphone.
"It's me... Attorney Grey Collins."
Biglang napaayos ng upo si attorney Lucas at tumikhim.
"I see. Glad you called... Do you have some time to spare today? I forgot to tell you that I'm going back to states. My flight is 6:00 pm tonight. I also want to talk to your dad. And besides, there is someone I want you to meet," mahabang litanya ni attorney Lucas.
Napakunot ang noo ni attorney Collins.
Hindi niya pa pala nasasabi kung ano ang nangyari sa kanila labing-anim na taon na ang nakakalipas.
He wanted to talk about it in person kaya ipagpapaliban niya muna.
They have a plenty of time to talk.
And besides, he wants to see how would attorney Lucas reacts. He wanted to trace a single remorse, guilt or whatever it is. He wanted to see attorney Lucas behind its mask.
"I still have schedule until 8:00 pm tonight. Talk to you another time, I guess."
"Sure thing. Just keep me updated... Then, I'm hanging up."
Huling narinig ni attorney Collins bago namatay ang koneksiyon sa kabilang linya.
Napatango lang ito bago ibinulsa ang cellphone.
Kasalukuyan itong nasa loob ng opisina.
Wala doon ang kaniyang mga kasamahan sapagkat meron itong mga kaso sa mga oras na 'yon.
Solo niya ang opisina. Makalat na tambak na mga papeles ang nasa kaniyang harapan.
Nagsasaliksik ito ng mga impormasiyon tungkol sa panibagong kaso.
BINABASA MO ANG
THE MAN WHO CANNOT FORGET (Ongoing)
General FictionGrey Collins has the condition of hyperthymesia which allows him to remember practically every detail of his life with near-perfect accuracy. It is a condition in which an individual possesses a superior autobiographical memory. At a very young age...