Chapter 3

20 7 0
                                    

Nag-paalam na kami kay ate Vicky na uuwi na sa lungsod.

"Mag-ingat kayo' pauuwi, balik kayo' dito ha, kapag hindi na kayo' masyadong busy." Niyakap ako ni tita Vicky at pati na rin ang boss ko.

Nasa daan na kami pauwi at tahimik lang kaming dalawa ng boss ko.

Nagtingin-tingin na lang ako sa labas para malibang naman ako dahil ang makina lang ng kotse ang maririnig namin na tunog.

"You okay?" Napalingon naman ako sa boss ko dahil sa biglaan niyang pagsasalita.

"Yeah." Binalik ko ulit ang paningin ko sa labas.

"Alam kong hindi ka nakatulog kagabi, halata sa mga mata mo. You can take a nap, mahaba pa ang biyahe natin bago makarating sa city." Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin ng sasakyan. Napabuntong hininga na lang ako dahil ang laki parin ng eyebags ko kahit hinilamusan ko na to ng maligamgam na tubig kanina.

Hindi ako umimik at nagpatuloy pa rin sa pag-tingin sa labas. Ilang minuto lang biglang huminto ang sasakyan at napamura pa ang boss ko.

"Shit!" Kinabahan naman ako at naging alerto agad sa paligid baka may mga mababangis na hayop dito.

"What happen sir? I mean Aidan?" Gulat na tanong ko sa kanya.

"We're out of gas." Pinilig ko ang ulo ko at matiim na tumingin sa kanya.

"What are we going to do now?" Lumabas siya ng sasakyan kaya lumabas na rin ako.

"You can stay inside the car." Hindi ako nakinig sa kanya at nakatingin lang ako sa kanya habang may tinitingnan sa sasakyan niya.

Hindi ko maiwasan ang hindi kabahan, dahil malayo na kami kina ate Vicky at sigurado akong malayo pa kami sa city dahil hindi pa kami nakarating sa highway.

Nakatingin ako sa boss ko na kinuha ang cellphone at may tinawagan ngunit ilang minuto lang napansin ko ang inis sa mukha niya.

"S-sir? May problema ho ba?" Tumingin sa akin ang boss ko at ngumiti. Napangiwi ako dahil halata sa mukha niya ang pinipigilang inis.

"Walang signal dito." Bumalik naman ako sa loob ng sasakyan at kinuha ang cellphone ko. Tiningnan ko rin Ito ngunit wala ring signal.

"Anong gagawin natin ngayon sir?" Kinabahang saad ko sa kanya.

"I don't know."

"Ha? Paano tayo makaka-alis dito? Eh wala namang mga sasakyang dumaan?"

"Calm down, makakahanap rin tayo ng makatulong sa atin. You hungry? Kumain ka muna, nasa loob ng sasakyan ang dinala kong pagkain." Umiling na lang ako dahil hindi naman ako nakaramdam ng gutom kahit lampas alas-dose na.

Ilang oras na kami dito sa tahimik na daan ngunit wala pa ring ibang sasakyan na dumaan dito. Paulit-ulit na pinipindot ng boss ko ang cellphone niya ngunit wala pa ring signal ganun na rin sa akin.

"Ahm, can you stay inside the car? Maghahanap lang ako ng makatulong sa atin."

"Saan? Wala namang nakikitang bahay dito? Babalik ka kina tita Vicky? Sama na lang ako." Lumapit pa ako sa kanya para hindi niya ako iiwanan dito.

"Nah, malayo na tayo kina yaya Vicky, baka ilang oras pa bago tayo makarating doon at delikado ang daan kapag gabi, lalo na sa gubat.  Susundan ko na lang itong daan, alam ko namang malapit na ang highway dito."

"Pero sir, sama na lang ako. Ayaw kong magpaiwan dito." Bumuntong hininga siya at tumango. Alas kwatro na ng hapon kaya malapit ng magdilim ang kalangitan lalo na at mapuno pa sa lugar na Ito.

My Husband wants a DivorceWhere stories live. Discover now