Chapter 11

54 3 0
                                    

Pagkarating namin sa apartment hindi agad ako lumabas ng sasakyan. Nanatili ako sa loob at naguguluhan kung bakit alam niya kung saan ang apartment ko, wala naman akong sinabi sa kanya.

"Pano mo nalaman na dito ako nakatira?" Tanong ko sa kanya. Nakatingin lang ako sa harap. Kinapa ko kung may takot ba akong nararamdaman ngunit wala. My system is calm at parang mas gusto ko pa siyang maka-usap ng matagal.

"Ahm, ilang beses na rin kasi akong dumaan dito at nakikita kita paminsan-minsan na lumabas dito kaya ayun...uhm...pasensya ka na...pero kailangan ko ng umalis eh...may gagawin pa kasi ako." Napatingin ako sa kanya at pinagmasdan ang mukha niya. Why I am feeling this way? Panatag ang loob ko sa kanya. There's something in me that want to hug him. I feel like I was longing for him. And I am afraid of that, hindi ko naman kilala ang lalaking Ito at bakit may ganito akong nararamdaman?

"May...I know your name?" Tanong ko sa kanya. Pansin kong nagliwanag ang mata niya at ngumiti sa akin. That smile...where did I saw that smile before?

"Harry Davis---D-davidson...I mean...Harry Davidson... Nice meeting you...miss..." His name doesn't ring a bell but I know in my heart that his smile is somewhat familiar to me.

"I'm Hailey Davis." Nilahad ko ang kamay sa kanya. Tinanggap naman niya iyun at malawak na ngumiti.

"Nice meeting you Hailey...or what do you want me to call you?" Binawi ko ang kamay ko at ngumiti sa kanya.

"How old are you?" Tanong ko sa kanya.

"I'm 19." Nagulat ako sa sagot niya. Alam kong halata sa mukha ko ang pagkagulat kaya hindi na ako nagtataka nang tumawa siya.

"Are you sure?" Tumango siya sa akin habang natatawa. "You're just 19?" Hindi makapaniwalag tanong ko sa kanya.

"Yes I'm sure...ahm... should I call you ate?" When I heard the word ate my heart melt. Namiss ko nang may tumawag na ate sa akin at ang kapatid ko iyon na si Honey na kasama sa namatay noong naaksidente ang mga magulang ko.

"Anything you want..." Nag-init ang magkabilang sulok ng mata ko.

I miss them so much.

"You okay? Ayaw mo bang tawagin kitang ate?" Nangingiti akong tumingin sa kanya.

"Okay lang...sa katunayan nga gusto ko iyun. Ahm, pano labas na ako...sorry sa disturbo ah at salamat sa paghatid sa akin." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at lumabas na ako. Lumabas rin siya at kinuha ang pinamili ko.

"Ahm...ate...mabigat itong pinamili mo...pwedi ako na lang ang magdala nito sa loob?" Ewan ko ba kung bakit ako tumango sa kanya. Masaya ako na may tumawag sa akin na ate. Kahit hindi ko lubusang kilala ang taong Ito I never felt that I am in danger.

Binuksan ko ang apartment ko, pina-una ko siyang pumasok at natatawa ako ng tumigil siya at nilibot ang paningin sa paligid. Kita ko sa mukha niya ang pagkamangha. Natatawa ako dahil wala namang kamangha-mangha sa apartment ko aside sa malinis Ito.

Pinasunod ko siya papuntang kusina at tinulungan niya rin akong ilagay ang mga binili ko sa refrigerator. Pagkatapos tumingin ako sa kanya. Tumingin rin siya sa akin. Hindi ko talaga akalain na 19 pa lang siya.

"Alam kong gwapo ako ate kaya hindi na dapat titigan pa." Nawala Ang ngiti ko at umirap sa kanya. Narinig ko pa ang mahinang pag-tawa niya. "Ahm...ate." Lumingon ako sa kanya nang magsalita siya. Napakamot siya sa noo niya at nahihiyang tumingin sa akin.

"Ano yun?" Tanong ko sa kanya.

"Ahm...pwedi bang...ano...pwedi bang makikain dito? Gutom na kasi ako eh..." Parang bata niyang saad. Tumawa ako ng malakas kaya pansin ko ang pamumula ng mukha niya. "Sige wag na lang." Nakasimangot siyang lumabas ng kusina kaya agad ko siyang hinabol at hinawakan ang likod ng damit niya. Napa-aray siya at napatras sa ginawa ko. "Ate ano ba! Masakit!" Humarap siya sa akin kaya hindi ko napigilang kurutin ang pisnge niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 08, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Husband wants a DivorceWhere stories live. Discover now