Chapter 4

15 6 0
                                    

Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung nakita ko ang mga anak ni Margareth sa park at heto parin ako aligaga. Takot akong maglakad na kunti lang ang tao baka biglang lalabas ang mga anak ni Margareth o di kaya'y tauhan at dakpin ako.

Dalawang linggo na rin na palagi akong niyaya ng boss ko na sabay kaming mag-lunch at minsan sa apartment ko siya kakain ng dinner.

Busy ako sa kaka-arrange ng mga dokumento na kailangan sa meeting mamayang hapon dito sa kompanya ng boss ko.

"Hi Hailey!" Nag-angat ako ng tingin sa babaeng nagsalita sa harap ko. Isa to sa empleyado dito, nasa kabila ang table niya kung saan siya nagtratrabaho.

"Hmmm? Do you need anything?" Hindi kami masyadong close ng mga empleyado dito dahil hindi ko naman sila kinakausap lage except kung magtatanong sila ng mga importanting bagay na may kinalaman sa trabaho nila dito sa kompanya.

"Ah hehehe, I observe that you two with our boss are always end up eating lunch together." Napatitig ako sa kanya. Oo, lage akong inaya ng boss ko na sabay na daw kaming kakain ng lunch. Akala ko walang nakapansin nun dahil sa tuwing nilibot ko ang paningin sa paligid sa tuwing mag-aya ang boss ko ay may sarili silang ginawa at hindi tumingin sa amin.

"I'm sure there's something between you two." She giggled. I sighed deeply and continue with my work. "Hailey, when you two have lunch, what topic you two talk about?" Kita ko sa mukha niya ang excitement na makuha ng sagot mula sa akin.

"It's all about business." Sumimangot siya at napakamot sa ulo." Do you need anything?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Nah-ah. I thought there's something between you two."

"What something?" Tanong ko sa kanya.

"I thought he's courting you and the way he look at you? It's so damn kilig. He look at you like you are the most precious jewels in his life." I look at her flatly.

Ano bang pinagsasabi niya?

Patuloy lang siya sa kakasalita at ako nagpatuloy ako sa gawain ko dahil madami pa akong gagawin pagkatapos nito.

"Hailey? Are you listening?" Tumango na lang ako kahit wala naman akong naintindihan sa mga sinabi niya. "Alam mo napansin talaga namin na nagbago ang boss natin simula ng dumating ka. 4 years na akong nagtrabaho dito at nasaksihan ko ang pagbabago ng boss ko araw-araw. Sa tuwing may mag-resign, hindi siya papayag kung walang balidong rason. Noon hahayaan niya lang na umalis ang mga Ito. Kung noon araw-araw nalang galit, pero ng dumating ka nag-iba bigla, nagagalit pa rin siya oo, pero hindi na tulad ng dati na manginginig talaga ang bilbil mo sa takot. Oh he's already here." Nag-angat ako ng tingin sa kanya na mabilis tumakbo papunta sa table niya. Kumindat pa siya sa akin na animoy kinikilig.

"Hey there beautiful lady, lunch?" Tumingin naman ako sa boss ko na naka-ngiting tumingin sa akin. Tumingin ako sa paligid at napansin ko ang mga mukha ng mga empleyado dito ang pinipigilang ngiti. Kumunot ang noo ko, kahit hindi sila nakatingin sa amin halata parin sa mga mukha nila.

Bakit ngayon ko lang to napansin?

"Ahm...." Tatanggi na sana ako ngunit hinawakan na niya ang kamay ko at pinatayo.

"Come on, I'm already hungry." Tumango ako at aayusin na sana ang mga ginawa ko ngunit hinila na niya ako.

Tumingin ako ulit sa paligid, ang ibang empleyado ay tumalikod sa amin ang iba naman ay nanatili parin ang pinipigilang ngiti. Tumingin naman ako kay Miss Alvaro ang babaeng lumapit sa akin kanina, nakangiti na siya ng malawak ngayon habang kumaway na parang walang mahabang sinabi kanina.

My Husband wants a DivorceWhere stories live. Discover now