Nakarating kami sa mansyon na pinag-dausan ng party. Sobrang daming tao mabuti na lang at malaki ang mansyon ng pinsan niya.
Nakahawak ang boss ko sa bewang ko at inalalayan na makapasok sa gate ng mansyon. Marami rin ang sumalubong sa kanya na bumabati sa kanya. Karamihan ay mga investors ng kanilang kompanya.
"Aidan pre!" Lumingon naman ako sa lalaking tumawag sa pangalan niya. Nakangiti siyang tumingin sa akin at kumikindat. Ito yung lalaki na nag bi-birthday halos limang buwan na ang nakalipas noong pinuntahan namin ng boss ko kung saan nangyayari ang hindi inaasahan. Si Laurence De Castro.
Hindi siguro siya narinig ng boss ko dahil sa sobrang daming sumalubong sa kanya at bumati.
"Hi! Ikaw pala ang date ni Aidan." Ngumiti ako ng tipid at nag-iwas ng tingin. "Ahm, may I know your full name miss?" Kahit sobrang ingay sa paligid nangingibaw pa rin ang tinig niya.
Napalingon sa amin si Aidan tapos biglang galit na tumingin sa lalaki. Hinapit ako ni Aidan sa gilid at hindi pinapansin ang ibang bumati sa kanya.
"Stay away from my girl." Seryosong saad niya.
"What? I just want to know more about your...girl" Tumawa ang lalaki at tumingin sa akin ulit.
"I don't care, just stay away from her."
"Tama na. Hayaan mo na." Malumanay na saad ko sa kanya. Pinagtitinginan na kami ng ibang tao dito kaya pinigilan ko siyang lumapit sa lalaki.
"Aidan Anwyll?" Napatingin naman ako sa babaeng nasa harap namin.
"Yes?" Sagot ng boss ko.
"Happy birthday! It's been a long time." Mas lalong lumapit ang babae kay Aidan at niyakap siya kaya napabitaw sa pagkahawak si Aidan sa bewang ko.
Malawak ang ngiti ng babae. Napakaganda niya sa soot niyang kulay silver na gown na hapit sa katawan niya, medyo kita rin ang cleavage niya na nagpadagdag lalo sa ka sexy-han niya.
"Excuse me." Humiwalay si Aidan sa yakap ng babae at nakangiting tumingin dito. "Ahm, I know that I have been encountered a lot of businessman and businesswoman but I forgot where we first met each other?" Mahinhing tumawa ang babae at hinampas ng mahina ang dibdib ni Aidan.
Napansin ko rin sa babae na Iba siya kung tumingin kay Aidan. May halong kalandian at may pakagat labi pa.
"Am I that easy to forget?" Tumawa ng mahina ang boss ko. Sa totoo lang naiirita ako sa boses ng babae.
"Sorry. Hmmm...where do we meet before?" Parang nakalimutan yata ng boss ko na may kasama siya ngayon.
Umiling na lang ako at lumayo sa kanya. Hindi pa nga kami tuluyang nakapasok busy na siya sa pakipagchikahan sa iba.
Pumunta ako sa table kung saan walang naka-upo at nasa bandang gilid iyun kaya wala masyadong pumunta dun.
Tiningnan ko kung saan ko iniwan ang boss ko ngunit wala na siya dun pati ang babae.
"Date huh! Bakit pa ako niyaya kung makahanap lang pala siya ng iba ngayon?" May dumaang waiter na may dalang wine kaya tinawag ko siya.
"Sir, can I have one?" Ngumiti ang waiter sa akin at lumapit. Kumuha ako ng isang baso at nagpasalamat sa kanya.
"Alone?" Nagulat naman ako na may lumapit sa akin.
"Maybe?" Natatawang saad ko. Pinsan Ito ni Aidan si Andrew Anwyll.
"Where's my cousin?" Tanong niya sa akin. Nilibot rin niya ang paningin at ng hindi makita ang hinahanap niya tumingin ulit siya sa akin.
" I don't know, he was just talking to someone earlier and then suddenly he disappeared." Natatawa siyang uminum sa wine niya at tumikhim.
YOU ARE READING
My Husband wants a Divorce
RandomMy husband wanted to divorce me while I was carrying his child in my womb. I thought it was all just a dream but I was very aware of the fact that he was going to break up with me. Until one day I saw him with another woman who was also pregnant. T...